7/23/2012

Eula Valdez, balik Kontrabida Queen?

Matatandaan noon ng Pangako Sayo, ang teleseryeng tinutukan ng buong bansa ay nakilala ang pangalang AMOR POWERS at hindi maikakaila na isa ito sa mga character name ng isang tv series na hindi na nawala ang sa isipan ng mga nakapanood nito.



Ito ay ginampanan ng award winning character actress na si Eula Valdez. At sa ilang tv series pa nito ay hindi man nagawang tapatan ang pangalang MS. POWERS ay naging indemand ang aktress sa mga tv series, sa primetime man o sa noontime ng magkakalabang istasyon.

Muli, gumanap itong kontrabida kay Dawn Zulueta sa isang phenomenal primetime tv series sa dos na pinagbibidahan din nina Richard Gomez, Coco Martin at Julia Montes.

Nagkasama na sa isang remake ng isang hit tv series noong nakaraang taon ang dalawang aktres, ang MULA SA PUSO na pinagbibidahan noon ng Optimum Star na si Claudine Barretto.

At bilang Black Lily ay magawa nga kayang ibalik ni Eula Valdez ang kasikatan ng karakter niya sa nasabing phenomenal tv series sa bansa sa kasalukuyan?


1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete