2/12/2015

Julia Barretto, insecure kina Janella at Liza?

Julia Barretto, insecure kina Janella at Liza?

Patok sa tv rating at mas kinikiligan ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa Forevermore. Kaya naman hindi maikakaila ang inis dito ni Marjorie Barretto dahil hindi nag click ang tambalan ng anak niyang si Julia Barretto at Enrique Gil sa MiraBela. Although may weekend series naman si Julia with I├▒igo Pascual pero hindi ganun kalakas sa manonood.

Isa pang ka-batch ni Julia na halos wala siyang panama ay si Janella Salvador na bida sa seryeng Oh My G. Very talented dahil kayang umarte, kumanta at sumayaw. Kung ganda rin lang ang labanan, hindi din ito papatalo kina Julia at Liza.

Kaya naman may dahilan talaga para hindi magpakalmante ang batang Barretto lalo na ang nanay niyang si Marjorie na open sa opinyon nito sa mga karibal ng anak nito.

Isa pang tyak na ikaka-insecure ng mag ina, ay ang pagsuporta ni Claudine Barretto kay Julia Montes bilang heredera nito sa bakuran ng abs-cbn.

Kung matatandaan, isa si Claudine ang nagreyna sa abs-cbn karibal si Judy Ann Santos.

Good news, ngayon buwan na ang shooting ng comeback movie ng orihinal na teleserye queen na si Claudine under Viva Films at Star Cinema.