12/04/2014

Richard Yap as Tony Bangs sa Pangako Sayo Remake

Mukhang may reunion project agad sina sir chief at Maya o Richard Yap at Jodi Sta.Maria.

Sa kuwento ng book 2 kasi ng Pangako Sayo, ang karakter ni Tony Bangs ang isa sa mga dumagdag. Kung pagsasamahin na ang book 1 at 2 ng Pangako Sayo noon sa remake, magkakasama muli ang mag asawa sa seryeng "be careful w/my heart".

Pero hindi pa sigurado ito, ang sigurado lang ay si Jodi Sta. Maria ang magbibida dahil siya ang gaganap sa iconic role ni Amor Powers.

12/03/2014

Sino ang gaganap na Eduardo Buenavista sa Pangako Sayo remake?

Bulung bulungan sa pagbabalik sa telebisyon ni Diether Ocampo, siya ang gaganap sa karakter noon ni TonTon Guttierez sa Pangako Sayo sa remake nito.

Malaking role ito dahil isa siya sa magiging dahilan ng banggaan ng mga karakter nina Angelika Panganiban at Jodi Sta.Maria bilang bagong Madam Claudia Buenavista at Amor Powers.

Naalok daw ito kay John Lloyd Cruz pero may teleserye ito kasama si Maja Salvador.

Pangako Sayo Remake Icon Characters, Kumpirmado na!

Kumpirmado na nga ang mga karakter sa inaabangang remake ng Pangako Sayo sa 2015.

Bukod kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mas aabangan ang banggaan nina Angelika Panganiban bilang Madam Claudia Buenavista at Jodi Sta.Maria bilang Amor Powers.

Back on her craft ika nga for Jodi. Namiss  din siyang panoorin in kontrabida role.