2/26/2014

Gabriela, walang pakealam kina Deniece at Roxanne kahit na RAPE?

Deniece at Roxanne, dinedma ng Gabriela?

Kapag babae ang inaabuso, mabilis na papasok sa eksena ang grupong Gabriela kung saan sila ay handang sumuporta at sumaklolo. Ang huling personalidad na binakuran nila ay ang optimum star na si Claudine Barreto laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Pero ilang araw na ang itinakbo ng isyu tungkol di umano sa panggagahasa ni Vhong Navarro sa modelong si Deniece Cornejo pero wala pa ring suporta ang Gabriela kahit naisampa na ang kaso.

At sa bagong rape case na isinampa kay Navarro ng isang  Roxanne Acosta, dating aspiring beauty queen ay tahimik pa rin ang kampo ng grupo ng kababaihan.

Patunay lamang ba ito na hindi kapanipaniwala ang mga reklamo ng dalawang babae para sa Gabriela?

**********************-------*********-------******

Cedric Lee, desperado na?

Nagpatawag ng conference ang big time businessman na si Cedric Lee para sabihin lamang na nag aalaga ng rapist ang TV network na Abs-Cbn at na-character assassination daw siya ng istasyon.

Pero sa malayang pamamahayag ay hindi naman naging sobra ang mga balita kay Lee dahil mga pawang katotohanan naman ang mga balita tungkol sa kanya na pinatotohanan pa ng mga taong nakapanayam ng mga reporters ng istasyon.

Tinawag niyang rapist si Navarro, pero hindi niya matawag ang sarili na mapanakit ng kapwa niya.

Patunay ang mga kinasangkutan niyang mga kaso sa mga kilalang personalidad.


Piolo Pascual, 2014 box office king ulit!

Piolo Pascual, balik movie box office star!

Pinagmamalaki palagi ng isang talent manager  na kung hindi ipapareha sa kanyang alaga na tinatawag ngayon na teleserye queen ng kapamilya network si Piolo Pascual ay never daw itong magiging box office star sa pelikula.

Pero mukhang hindi na uubra ang mga column ng manager sa paninira sa aktor dahil umabot na nga sa 300million in 2weeks ang kinita ng huli nitong pelikula, ang Starting Over Again.

Mukhang lucky charm ni Piolo si Toni Gonzaga dahil nakatulong talaga ng malaki ang tandem nila.

After nga ng box office movie ni Piolo ay balitang gagawin na nito ang pelikula kasama ang orihinal na unang nahirang na teleserye queen ng kapamilya network na si Claudine Barretto na may tentative title na LIFE OF A LIFETIME.

Nagkasama na ang dalawa sa pelikulang Milan at teleseryeng Buttercup at Walang Kapalit.

*****-----*****-----*****-----*****-----*****-----

Julia Montes, supporting role nalang?

Si Julia Montes ang bagong teleserye sweetheart at sinasabing susunod sa yapak ni Claudine Barretto na kilala bilang optimum teleserye queen ng kapamilya network.

Mula sa remake na Mara Clara ay nagbida sa Walang Hanggan at Muling Buksan ang Puso ang teen drama actress.

Pero sa bagong teleserye na Ikaw Lamang ay magiging tagasuporta si Julia sa tambalang Kim Chiu at Coco Martin.

Una ng naging kapareha ni Julia si Coco sa Walang Hanggan at isang pelikula.

Hindi naman siguro isyu sa teleserye sweetheart ang role dahil prinsesa at hari ng teleserye naman ang makakasama niya sa malaking period teleserye.


2/21/2014

Claudine Barretto, may 2 movie sa StarCinema 2014

Nasa list of future movies ng star cinema ang 2 pelikula na gagawin ng optimum star bilang pagbabalik kapamilya nito.

Nandito ang Life of a Lifetime with Piolo Pascual at Cinderella with Julia Barretto at Sam Milby.

May balita ring gagawin ang Sukob 2 pero sina Gretchen Barretto at Judy Ann Santos ang bibida sa nasabing pelikula na una ng pinagbidahan noon nina Kris Aquino at Claudine Barretto at unang pelikula na umabot sa 200million pesos ang kinita sa kasaysayan.

2/20/2014

Sino si ROXANNE CABANERO?

Lumutang ang pangalang Roxanne Cabanero sa gitna ng kontrobersya sa pagitan nina Vhong Navarro at grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Nagsampa ang babaeng ito ng kasong rape laban sa TV host actor.

Marami ang nagduda sa paratang ng babae dahil pinalipas muna nito ang apat na taon bago nagdesisyon na magsampa ng kaso laban sa aktor.

Hindi naman nagulat ang kampo ni Navarro dahil mismo sa bibig ni Lee lumabas ang mga posibleng babae raw na magsasampa ng rape case sa aktor sa nauna nitong interview sa TV.

Dating opisyal na kandidata ng 2011 Bb. Pilipinas si Cabanero na nag resign o sapilitang pinatanggal ng organization dahil sa kumakalat nitong PHOTO SCANDAL na mariing itinanggi nito.

Kahawig lang daw nito ang nasabing modelo ng pornsite na taga Thailand.

Mukhang hind titigil ang kampo nina Lee at Cornejo para tuluyang masira ang karera at pangalan ni Navarro, pero kumpyansa naman ang panig ng aktor na  nasa kanila ang katotohanan.

Nakahanda na nga ba si Cabanero na makalkal ang pagkato niya ng media, lalo pa at isang malaking personalidad ang makakatapat niya.

Maraming tanong ang umiikot ngayon, magkakilala ba ng personal sina Lee at Cabanero?

Magkaibigan ba sina Cornejo at Acosta dahil pareho silang modelo?

Binayaran nga lang ba si Cabanero para guluhin ang pagtakbo ng kaso na isinampa ni Navarro kina Lee at Cornejo?

Sa pag resign ni Fortun bilang legal council ni Lee, may haka-haka na basehan ito na talagang may mali sa mga pagdedepensa ng kanyang mga kliyente.



******************************************************************

Claudine Barretto, nakisimpatya Kay Vhong Navarro.

Dating ng nagkasama sa pelikula si Navarro at Optimum Star, sa GOT TO BELIEVE, kaya naman hindi maitatanggi  na naging magkaibigan na rin sila.

Base sa mga posts ni Barretto kaugnay sa nasabing insidente kung saan nga sangkot si Navarro, nandito ang kanyang pag aalala.