11/28/2014

Janella Salvador, magiging Teleserye Princess na.

After nga ng Be Careful w/my Heart, kasado na ang bagong teleserye ni Janella na may pamagat na Oh My G.

Next year pa itong ipapalabas, makakasama nya dito sina Mario Mortel at Manolo Pedroso.

Ibi-build up na nga ba si Janella ng kapamilya network para isunod sa mga kasabayan nitong sina Liza Soberano at Julia Barretto na maging teleserye princess?

Hindi pa malinaw ang proyekto kay Jake Ponce o Luke ng BCWMH. Pero may movie ito kasama ang ilang hottest teen stars ng dos.

Ikinumpara si Janella sa nagbabalik kapamilya na si Jolina Magdangal dahil pang multimedia ang talent nito at parehong kikay sa mga henerasyon nila.

11/19/2014

Mr.DJ na kanta, inulit ni Kathryn.

Dahil nga tinatawag na Teen Queen, naging big deal lang ang pagkanta muli ni Kathryn Bernardo sa dating hit song na Mr. DJ na kinanta ng mega star na si Sharon Cuneta.

Nauna na itong ni-revived ni Myrtle, ang PBB teen edition winner. Hindi lang kinagat ng masa dahil hindi nga superstar si Myrtle.

Hindi boses ang panlaban ni Kathryn para bumenta ang album nya kundi ang kasikatan ng tambalan nila ni Daniel Padilla.

Kagaya ng ginawa nila kay Judy Ann Santos noon, ang kasikatan at hindi boses ang puhunan para bumenta ang album.

Mahihirapan na sila makahanap ng Jolina Magdangal na mahusay umarte at kumanta.

Follow me @ IG: @iamlagreto

11/13/2014

Liza Soberano, bagong mukha ng Primetime.

Mukhang tapos na nga ang pagre reyna ng mga magagandang mukha nina Angel Locsin at Marian Rivera sa Philippine primetime tv series.

Sa pagbibida ni Lisa Soberano sa Forevermore, ang una nyang tv serye na sya ang bida, marami ang nagsasabi na masarap panoorin ang dalaga dahil sa maganda nitong mukha.

Kung babalikan dati sa mga tv serye ng kapamilya network, tagisan at pagalingan ang labanan nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa pag arte, ang dalawang reyna ng pinoy soap opera, nang pumasok si Kristine Hermosa, lumitaw ang pangalan ni Angel Locsin sa kapuso network naman. Mukha ang naging unang puhunan nila para makilala at mahalin ng mga manonood.

Nakatulong din siguro kay Liza ang gwapo nyang leading man na si Enrique Gil na tinawag namang generations prince charming.

Yen Santos sa Remake ng MARINA

After Pure Love, ano na ba ang susunod na proyekto ng Abs-Cbn kay Yen Santos?

Balitang gagawa ito ng tv series sa 2015 with Maxene Magalona at Paulo Avelino.

Dream role ni Yen ang Darna pero marami ang nagsasabi na hindi ito babagay sa kanya dahil girl na girl ang dating niya.

Kung na-remake ang Dyesebel ni Anne Curtis, may balitang ire-remake naman ang Marina ni Claudine Barretto at isa si Yen sa mga pangalan na gaganap sa nasabing karakter.

11/05/2014

The Half Sisters ng GMA7, extended!

Kahit alam mo na ang magiging takbo ng part 2 ng afternoon tv drama ng GMA7 na the half sisters, naroon pa rin ang hindi pagbitiw ng mga manonood dito.

Kahit ako, sobra ang inis ko kay Thea Tolentino bilang Ashley. Siya ang masasabi kong effective na karakter sa serye.

Given na kay Barbie Forteza aka Diana ang mga role na inaapi. Pero ang inaabangan talaga sa kanya ay bumalik ang yaman na kinamkam sa kanya ng daddy Alfred at ate Ashley niya at mabuo ang pamilya niya.


Claudine, may hawak ng script?

Naging maingay ang larawan kung saan ay may binabasang script ang orihinal na teleserye queen na si Claudine Barretto.

Ang sabi, script sa pelikula na balik tambalan nila ni Piolo Pascual.

At ang mas naging usap usapan nga, ay ang tv serye na Alta kung saan makakasama nya dito ang kapatid na si Gretchen Barretto na dapat ay orihinal na sila ang magkasama sa seryeng Magkaribal na napunta kay Movie Queen Bea Alonzo.

Kung magbabalik na ang optimum teleserye queen, abay sana matuloy na dahil marami pa rin ang gusto syang mapanood. Ang tunay na bida kontrabida via Saan Ka Man Naroroon.

No Teleserye for Juday in 2015?

Mukhang pampalubag loob nalang ang hosting tv project for Judy Ann Santos ang binigay ng kapamilya network. Balita kasi, mula ng maagang natapos ang last tv drama series ng pangalawang nakoronahan ng teleserye queen, nawalan na ng kumpyansa ang home network nito na kaya pang magdala ng aktres ng isang teleserye.

Tuluyan na nga syang naungusan ng teleserye princess na si Kim Chiu at ng teen queen na si Kathryn Bernardo pagdating sa dami ng episodes ng teleserye.

May indie film si Juday na may titulong "Tyanak". Matagal na ring walang pelikula sa star cinema ang aktress kaya naman suporta ito na talagang hindi na sya ang pambato sa box office ng home network nya.