5/30/2014

Claudine Barretto, bakante ang korona sa Star Magic.

Sa 22nd anniversary ng Star Magic sa ASAP19 noong nakarang linggo, gaya ng tradisyon na ginagawa nilang pagdiriwang ay isa-isa o magkaka-pareho na lalabas ang mga maniningning na bituin ng kapamilya netwrok.

Napansin nang ilang manonood na sabay na lumabas at rumampa sina new generation movie queen Bea Alonzo at versatile actress Angelica Panganiban.

Nangangahulugan lamang na wala pa talagang nakakuha ng korona na iniwan ng optimum teleserye queen at optimum star Claudine Barretto.

--------------------

Toni Gonzaga, tinapatan si Kris Aquino.

Kung may kris tv, the buzz at aquino & abunda tonight ang queen of all media na si Kris Aquino, hindi naman magpapahuli ang ultimate multimedia star Toni Gonzaga na may Pbb All In, The Buzz at Asap 19.

-------------------



Julia M, Kathryn at Julia B, bagong Judy Ann, Claudine at Jolina.

Kung dati ay mga pangalang Judy Ann, Claudine at Jolina ang naglalaban-laban para titulong prinsesa dahil noong panahon na yun ay sina Sharon Cuneta, Coney Reyes at Maricel Soriano ang mga reyna ng tv drama, sa bagong henerasyon ay mga pangalang Julia Montes, Julia Barretto at Kathryn Bernardo ang naglalaban-laban sa titulo.

5/15/2014

Claudine, maraming pinasabog!

Mukhang palaban talaga itong si Claudine Barretto dahil sa mga bagong rebelasyon na isinambulat nito laban sa kanyang dalawang kapatid.

At base sa mga reaksyon nina Marjorie at Gretchen Barretto, mukha ngang nais ng mga ito na tuluyan na ngang mawala sa industriya ang kanilang bunsong kapatid na siyang mas naging maganda ang takbo ng career kumapara sa kanilang dalawa.

At dahil nga malakas na ang loob ni Marjorie na awayin ang minsang bumuhay sa kanya at mga anak niya dahil nandyan na si Julia Barretto ang nagtatrabaho para sa kanya, mukhang walang utang na loob ang ex ni Dennis Padilla.

At itong si Gretchen Barretto, dahil sa comments niya sa huling interview ng kanyang bunsong kapatid, pinapakita lamang na talagang walang utak na mag isip ng maayos ang kerida ni Tony boy Cojuanco.

Sabi ng dalawang nakakatandang Barretto, wala sa matinong pag iisip ang bunsong Barretto, pero hindi ito ang nakikita ng mas nakakarami dahil sa mga magagandang feedbacks nito bilang ina, anak at kapatid sa ibang Barretto.

Base sa obserbasyon, nais lamang ng dalawang Barretto na tulungan ang kapatid nila sa paraang masisira ang career at pangalan nito. Nagtagumpay naman sila sa kanilang masamang plano, kasabwat si Raymart Santiago.

Kung babalikan ang history kung saan nagsimula talaga ang away ng mga Barretto, dahil ito sa mga tweets ni LaGreta na siyang nagsimula ng gulo sa buhay ng mga Barretto.

Pero sorry nalang si Gretchen, mukhang siya ang mawawalan ng career sa pagbabalik movie with Richard Gomez dahil sa mga nega na kinasasangkutan nito.

At sa interview ni Claudine kay Boy abunda sa abs-cbn, iyun na ang hudyat ng pagbabalik kapamilya nito.

Yun Na!