1/27/2014

Vhong Navarro, biktima ng sindikato?

Hindi na bago ang nangyari sa actor/ host na si Vhong Navarro ang nangyari sa kanya.

Kalakaran na ang ganung gawain ng mga sindikato. Ang may ipapain na magandang babae at ise-set up nila sa isang krimen, kasama ng mga pamba-blackmail para mahuthutan o kikilan ang kawawang biktima nila.

Yan ang mga naging karanasan ng mga foreigner sa bansa na ginagamit ang kanilang kahinaan sa tukso ng mga taong nasa likod ng ganung gawain. O nang mga kilala o taong may sinasabi sa buhay ang nagiging biktima rin ng ganung senaryo.

Ang Cedric Lee ay balitang naging ama ng anak ni Vina morales na dati rin nitong live in partner, kilala rin daw ang Cedric Lee bilang board member ng isang malaking kumpanya.

Isa kaya sa mga sideline ng Cedric Lee at ng pinain nilang nagpapaka sosyal na si Deniece Millinette Cornejo ang ganung senaryp at ang actor/ hopst na nga ang naging biktima nila?



1/17/2014

Vice Ganda, naungusan na si Kris Aquino

Kahit na sabihing nakuha ni Kris Aquino sa unang araw ang box office via My Little Bossings sa nakaraang MMFF2013, ay hindi na nito magagawa pang bawiin ang number 1 top spot kung pagbabatayan ang kabuuhang kita ng pelikula dahil ang Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda na ang highest grossing film of all time sa kasalukuyan na kasali din sa nakaraang MMFF2013.

Magkakabanggaan sa primetime ang mga pagbababalik teleserye nina Marian Rivera at Angel Locsin ng magkalabang istasyon. Sino nga ba ang mas tatangkilikin ng mga manonood?