9/28/2012

who is the best in "kerida" role? Anne or Bea?

After hailed as 2011 Box Office Queen and winning Best Actress ( like in FAMAS recently ), no other famous star Anne Curtis will portray the role of "legal" girlfriend in her 2012 movie tilted SECRET AFFAIR.

But for now, kinikilala siya bilang "kerida" sa kanyang last box office movie na NO OTHER WOMAN.
Na naka 200Million Pesos sa pinaka total na kinita ng kanyang pelikula.


And after that phenomenal movie, muling bumida ang buhay ng mga kerida sa katauhan ng Primetime Drama Princess ng Philippine Soap Opera na si Bea Alonzo sa THE MISTRESS.


At in two weeks nito sa mga sinehan ay naka 200 Million Pesos na rin ito, kaya no doubt na ito ang isa sa mga pambato sa box office award ng 2012. At posibleng masungkit din ng Star Magic Princess ang mga best actress awards next year.

Pero para sayo, sino nga ba ang mas tumatak na role ng mga kerida sa dalawang pelikula?



-----------------------

9/05/2012

Will Claudine Barretto back to Star Cinema movie this 2012-2013?

Last year ay nabasa ko sa isang tabloid ang dream movie ni Direk Wenn Deramas sa Viva Films.
Ito ay ang gawan at idirek ng movie ang paborito nitong teleserye queen na si Claudine Barretto in heavy full length movie, na noon ay naka exclusive contract pa sa GMA7 na wala namang binigay na magandang career sa magaling na aktres nang mga huling taon na nito sa bakuran nila.



Tanging ang Claudine na isang weekly tv drama show at In Your Eyes na pelikula lamang ang tanging naibigay na maayos na proyekto sa magaling na aktres. Isama na rin ang isang fantasy tv series na Iglot na hindi naman tumagal sa ere at ilang guestings.



At dahil freelance na nga ang magaling na aktres, nabanggit nito sa isang panayam sa TV5 habang nasa taiping ng isang weekly drama show, na posibleng makagawa na siya muli ng isang de kalibreng pelikula sa bakuran muli ng ABS-CBN, ang Star Cinema kahati ang kanyang mother film producer na Viva Films.



Ito na kaya ang sinasabing pagbabalik tambalan nila ni John Lloyd Cruz na dati niyang nakasama sa pelikulang Dubai, o ang muling pagtatambalan nila ni Aga Muhlach na sinasabing gagawa din muli ng pelikula sa Star Cinema.

Anuman ang maging ending ng istorya tungkol sa nilulutong pelikula para sa Optimum Star, sana ito ay matuloy na upang kaming mga tagahanga ay muli siyang mapanood sa main stream.

---------------

follow me @akosichardee
add me @akosichardee@yahoo.com

9/02/2012

GABRIELA: Claudine Barretto in Medical Mission

Noong nakaraang buwan ng Agosto ay rumagasa ang mga taga media sa lahat ng istasyon sa bansa para kunan ang mga exclusive at ilang artista na tumulong sa paghahatid at pagbibigay tulong ng mga ito sa mga naapektuhan ng "habagat" na nagdulot ng paglubog sa baha ng ilang bahagi ng Metro Manila.


At hindi man nabigyan ng tv exposure, binanggit sa mga news porgram ay napatunayan naman ng isang Claudine Barretto na ang pagtulong ay hindi nakikita sa harap lamang ng kamera o pagbibigay ng detalye sa magkano ang ibinigay na halaga gaya ng ginawa sa isang primetime game show na ipinamukha sa manonood ang "isang milyong piso" na ibinigay nito para magkawanggawa.

At dahil kasapi at kabilang sa isang "party list" ang GABRIELA; ang Optimum Star ay nabigyan ng pagkakataon na magpakita ng willingness na tumulong sa paghahanda ng isang malaking proyekto na ito.





Rep. Luz Ilagan @RepLuzIlagan: Thank you Ms. Claudine Barretto @itsmeclaudineb a helpful pharmacy assistant @ LingapGabriela Medical Mission Aug25

https://twitter.com/akosichardee
( tweet me )
https://www.facebook.com/akosichardee
( poked me )