9/05/2012

Will Claudine Barretto back to Star Cinema movie this 2012-2013?

Last year ay nabasa ko sa isang tabloid ang dream movie ni Direk Wenn Deramas sa Viva Films.
Ito ay ang gawan at idirek ng movie ang paborito nitong teleserye queen na si Claudine Barretto in heavy full length movie, na noon ay naka exclusive contract pa sa GMA7 na wala namang binigay na magandang career sa magaling na aktres nang mga huling taon na nito sa bakuran nila.



Tanging ang Claudine na isang weekly tv drama show at In Your Eyes na pelikula lamang ang tanging naibigay na maayos na proyekto sa magaling na aktres. Isama na rin ang isang fantasy tv series na Iglot na hindi naman tumagal sa ere at ilang guestings.



At dahil freelance na nga ang magaling na aktres, nabanggit nito sa isang panayam sa TV5 habang nasa taiping ng isang weekly drama show, na posibleng makagawa na siya muli ng isang de kalibreng pelikula sa bakuran muli ng ABS-CBN, ang Star Cinema kahati ang kanyang mother film producer na Viva Films.



Ito na kaya ang sinasabing pagbabalik tambalan nila ni John Lloyd Cruz na dati niyang nakasama sa pelikulang Dubai, o ang muling pagtatambalan nila ni Aga Muhlach na sinasabing gagawa din muli ng pelikula sa Star Cinema.

Anuman ang maging ending ng istorya tungkol sa nilulutong pelikula para sa Optimum Star, sana ito ay matuloy na upang kaming mga tagahanga ay muli siyang mapanood sa main stream.

---------------

follow me @akosichardee
add me @akosichardee@yahoo.com

No comments:

Post a Comment