9/16/2014

KathNiel, nang agaw ng TV serye.

KATHNIEL, nang agaw ng TV Projects.

Pansamantalang napanood ang KathNiel sa Be Careful w/my Heart bilang mga batang Manang Fe at Mang Anastacio.

Pero ang isyu, sa napapabalitang remake ng Pangako Sayo, nauna daw itong nai-offer sa bagong tambalang Enrique Gil at Liza Soberano.

Pero biglang mapupunta nga daw ito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kaya naman, ang Forevermore na tv serye nalang ang ibinigay kina Enrique at Liza.

Kung tutuusin, mas may K naman si Liza sa role ni Kristine Hermosa na Yna dahil nga fresh ang mukha at tisayin kumpara sa gandang morena ni Kathryn. Pero nakukulangan pa talaga ang mga manonood sa pag arte sa tween queen. Hanggat hindi nagagawa magbida ni Kathryn na wala si Daniel P., hindi pa rin masasabi na aktres siya kahit na box office ang mga pelikula at mataas ang ratings ng mga serye niya, na kasama pa rin ang aktor.

Napag iwanan na nga siya ni Julia Montes pagdating sa drama. At kahit bago palang, mukhang mauungusan pa si Kathryn ni Julia Barretto kung sa aktingan lang din.

Kaya naman, magalit na ang fans ni Kathryn at Daniel, acting wise para sa lead role na Yna at Angelo sa Pangako Sayo remake, mas bagay kina Liza Soberano at Enrique Gil.

9/12/2014

Julia Montes, ireremake ang pelikula at teleserye ni Claudine Barretto?

Julia Montes, ireremake ang movie at teleserye ni Claudine?

Dahil nga nakukumpara sa optimum star na si Claudine Baretto ang bagong primetime drama princess na si Julia Montes, pati mga proyekto nito ay nahihilera sa mga dating movie at tv series project ng dating kapamilya star.

Una nga dito, ang remake ng seryeng Saan Ka Man Naroroon na may tatlong karakter pero iisang tao ang gaganap. Kung makuha nga ni Julia ang proyekto, no doubt na siya na nga ang prinsesa ng primetime drama ng dos dahil sa primerang serye.

At ang bagong pelikula ni Julia ngayon 2014 kasama sina Gerald Anderson at JC de Vera ay may temang drama horror at romance na sinasabing version ng pelikula nina Claudine, Jerico Rosales at Diether Ocampo na ginawa rin sa Bagiuo.

Hindi pa man nakakamit ni Julia ang box office sa pelikula, mas marami ang naniniwala na mauunahan niya makakuha ng best actress award ang karibal sa career na si Kathryn Bernardo.



----+-

IG: @CHalojadO
Twiter: @Akosichardee

Remake ng Pangako Sayo, sino ang gaganap kay Amor Powers?

Remake ng Pangako Sayo, sino ang gaganap kay Amor Powers?

Matagal ng usap usapan ang remake ng sikat na seryeng Pangako Sayo na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jerico Rosales.

Balitang ibibigay ito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na marami ang hindi kumbinsido. Malakas nga ang hatak ng kathniel pero iba yung chemistry na gusto ng manonood sa serye. Isang tisay at moreno ang dapat gumanap.

Isa pang aabangan kung sino ang gaganap sa role nina Madam Claudia at Amor Powers na talagang mas nagpaingay sa serye.

Balitang kay Kristine Hermosa ibibigay ang role ni Amor Powers, pero nakukulangan sa tapang ng karakter dahil sweet at walang versatility bilang kontrabida ang mukha nito.

Isa rin si Mylene Dizon dahil nga subok na ito sa pagiging kontrabida at pwedeng apihin sa mga ilang role niya sa serye.

At ang huli, si Jodi Sta. Maria. Unang nakilala bilang kontrabida sa seryeng Walang Kapalit. Marami ang nakapansin na akma ang karakter ni Jodi sa dating role ni Eula Valdez. Hininhintay na nga lang daw matapos ang seryeng Be Careful w/my Heart ni Maya.

Matunog ang pangalan ni Gladys Reyes na gaganap sa role ni Madam Claudia. Pero sobrang tapang ng imahe ni Gladys. Alam naman natin na ibang atake ang binigay ni Jean Garcia sa role, at parang mahirap pantayan o lagpasan ang orihinal na karakter.

Isa si Janela Salvador sa mga young star na may kapasidad na maging leading lady. At nahahawig siya kay Kristine Hermosa. Bagay sa kanya ang role ni Yna.

Sayang nga lang at bumalik na sa GMA si Kiko Estrada na may nahahawig naman kay Jerico Rosales.

----------

IG: @chalojado
Twiter: @akosichardee

9/06/2014

Derek, hindi pa rin welcome sa dos.

Angeline at Sam, pinalitan!

Dati pang napabalitang magsasama sa isang MMFF 2014 movie sina Sam Milby at Asia's Siren Angeline Quinto na may pamagat na English Only, Please. Pero sa pinalabas na trailer ng Quantum Films, sina Derek Ramsay at Jenelyn Mercado na ang mga bida. Unang na fullout ang pangalan ni Sam, pinalitan ni Derek. At sopresang si Jenelyn na ang nasa role sana ni Angeline. Ang isyu nga, hindi pa rin payag ang abs-cbn na makapag plug sa kanila si Derek na dating talent nila.

Gonzaga sisters, pinalitan sina Kris at Boy!

Habang nasa bakasyon at nagpapalakas si Boy Abunda, babu muna ito sa mga shows nya. Isa dito nga ang primetime talk show nila ni Kris Aquino.

At ito ang pagkakataon ng magkapatid na Toni at Alex para pagreynahan ang talk show sa primetime ng kapamilya network.q