9/12/2014

Remake ng Pangako Sayo, sino ang gaganap kay Amor Powers?

Remake ng Pangako Sayo, sino ang gaganap kay Amor Powers?

Matagal ng usap usapan ang remake ng sikat na seryeng Pangako Sayo na pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jerico Rosales.

Balitang ibibigay ito kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na marami ang hindi kumbinsido. Malakas nga ang hatak ng kathniel pero iba yung chemistry na gusto ng manonood sa serye. Isang tisay at moreno ang dapat gumanap.

Isa pang aabangan kung sino ang gaganap sa role nina Madam Claudia at Amor Powers na talagang mas nagpaingay sa serye.

Balitang kay Kristine Hermosa ibibigay ang role ni Amor Powers, pero nakukulangan sa tapang ng karakter dahil sweet at walang versatility bilang kontrabida ang mukha nito.

Isa rin si Mylene Dizon dahil nga subok na ito sa pagiging kontrabida at pwedeng apihin sa mga ilang role niya sa serye.

At ang huli, si Jodi Sta. Maria. Unang nakilala bilang kontrabida sa seryeng Walang Kapalit. Marami ang nakapansin na akma ang karakter ni Jodi sa dating role ni Eula Valdez. Hininhintay na nga lang daw matapos ang seryeng Be Careful w/my Heart ni Maya.

Matunog ang pangalan ni Gladys Reyes na gaganap sa role ni Madam Claudia. Pero sobrang tapang ng imahe ni Gladys. Alam naman natin na ibang atake ang binigay ni Jean Garcia sa role, at parang mahirap pantayan o lagpasan ang orihinal na karakter.

Isa si Janela Salvador sa mga young star na may kapasidad na maging leading lady. At nahahawig siya kay Kristine Hermosa. Bagay sa kanya ang role ni Yna.

Sayang nga lang at bumalik na sa GMA si Kiko Estrada na may nahahawig naman kay Jerico Rosales.

----------

IG: @chalojado
Twiter: @akosichardee

No comments:

Post a Comment