8/22/2012

Denise Laurel & Martin Del Rosario: May kilig sa televiewers

No doubt na talagang seasonal ang husay sa mga tv drama ng isang Denise Laurel mula sa mga teleserye nito from Precious Heart Romance.



Sinong mag aakala na magiging mukha siya ng isang nobela na isina-pelikula sa telebisyon mula sa mga nauna gaya nang : You're Mine, Only Mine, Midnight Phantom Kristine at ito nga ang huli ay Pintada.

Hindi man siya maging Bea Alonzo gaya nang kanyang gustong tahakin na imahe sa harap ng telebisyon o pelikula, pinatunayan ng magandang aktres na kaya niyang mahalin din siya ng tao at manonood sa kanyang mga teleserye in her own way.

At kahit naghiwalay na sila ng landas ng kanyang long time on screen partner na si Rafael Rossel sumakabilang bakod na (GMA7) ay nagawa pa rin niyang pakiligin at paniwalain ang mga manonood sa bagong tamabalan nila ni Martin Del Rosario na bagong leading man sa mga show ng Dos.



At makakasama sa bagong yugto ng Pintada ang occasional actor/ model na si Lemuel Pelayo.



tweet me @akosichardee

8/12/2012

Claudine Barretto in TV5 "Untold Stories"

YES!

Ang aktres na si Claudine Barretto ay sumunod na sa yapak nina Mega Star Sharon Cuneta, Diamond Stasr Maricel Soriano at Eternal Star Snooky Serna na mapapanood sa isang show ng TV5 ang drama anthology nitong "untold story" hosted by Amy Perez.



At dahil manager nito ang Viva Film Producer na si Vic Del Rosario, hindi nakapagtataka kung makikita natin isang araw na ang optimum star ay may sariling teleserye o drama anthology sa kapatid network.

tweet me @akosichardee

8/04/2012

Banggaang Gretchen at Dawn sa Primetime

Mukhang hindi pa yata tapos ang pagbabanggaan ng dalawa sa may pinakamamagandang mukha sa pinoy showbiz. Ang akala ng lahat ay matatapos na sa isang "microwave" ang isyu ng dalawang nagrereyna ngayon sa primetime drama show ng dos.



Pati pala sa kanilang mga primetime drama series ay nagpapatalbugan sa kanilang mga karakter sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta.

Akala ng mga manonood ay ang pagsasabong ng bagong Judy Ann Santos at Claudine Barretto
na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes lamang ang sinusundan nang mga mahihilig sa rivalries ng mga artista, pati pala ang mga primerang gandang Lagretta at Dawn ay inaabangan na rin gab-gabi.

Mula sa kanilang mga kasuotan hanggang sa pag atake sa mga linya ay sadyang tumatatak sa isipan ng mga tao.

Ika nga, kung Royal Teleserye kay Greta ang "Princess and I", Phenomenal Teleserye naman kay Dawn na "Walang Hanggan".