3/07/2015

Claudine at Judy Ann, buhay ang Rivalry

Mukhang ngayon 2015 na ang pagbabalik banggaan at tapatan ng dalawang reyna ng teleserye na sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Kumpirmado na ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos katambal si Richard Yap at kasama ang nagbabalik sa limelight na si Diether Ocampo na may titulong Someone Watch Over Me.

Pinilit Kong Limutin Ka , naman ang pamagat ng comeback project ni Claudine Barretto katambal muli si Piolo Pascual, pero hindi pa sigurado kung pelikula ito o teleserye sa kapamilya network.

Buhay na naman ang mundo ng showbiz dahil sa dalawang aktres na naglalaban kung sino ba talaga ang dapat tawaging Drama Queen ng kanilang henerasyon.


3/02/2015

Claudine at Julia Montes, nagkita na!


Ang orihinal na reyna ng teleserye na si Claudine Barretto at teleserye sweetheart na si Julia Montes ay nagtagpo sa unang pagkakataon sa Belo derma clinic.

Sarah Geronimo, dumami ang Bashers!?

Dahil sa komento noong nakaraang grand finals night ng #theVoice2 ng popstar na si Sarah Geronimo na hindi sa pagbirit ang dapat gawing basehan ng pagkapanalo sa isang singing contest ng contestant, bumaha ang mga bashing comments sa social media tungkol sa popstar.

Naroon na may nagsabing hindi nalang niya dapat ginamit ang salitang biritera dahil yun naman ang nagpanalo sa kanya noon kahit sabihin pang iba ang panahon noon at ngayon pagdating sa pagkanta.

Gaya ni broadway diva Lea Salonga na nagpasaring din na hindi dapat sa awa ang basehan para manalo ang isang contestant.

Ang lahat ng komento ng dalawang diva ay patungkol kay Alisah Bonaobra na 2nd
Placer sa nagtapos na finals night ng the voice of the Philippines 2.

Isang malaking banta kasi ang alaga ni Apl De Ap sa mga nasa side nina Sarah at Lea dahil bukod sa bata pa ay may ibubuga pa sa biritan.

Tapos na ang panahon ni Sarah sa biritan dahil hindi nito na-maintain ang totoong ibig sabihin ng magandang boses ng isang biritera. Napatunayan na noon pa nang maikumpara siya kina Rachelle Ann Go at Angeline Quinto.

2/12/2015

Julia Barretto, insecure kina Janella at Liza?

Julia Barretto, insecure kina Janella at Liza?

Patok sa tv rating at mas kinikiligan ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa Forevermore. Kaya naman hindi maikakaila ang inis dito ni Marjorie Barretto dahil hindi nag click ang tambalan ng anak niyang si Julia Barretto at Enrique Gil sa MiraBela. Although may weekend series naman si Julia with IƱigo Pascual pero hindi ganun kalakas sa manonood.

Isa pang ka-batch ni Julia na halos wala siyang panama ay si Janella Salvador na bida sa seryeng Oh My G. Very talented dahil kayang umarte, kumanta at sumayaw. Kung ganda rin lang ang labanan, hindi din ito papatalo kina Julia at Liza.

Kaya naman may dahilan talaga para hindi magpakalmante ang batang Barretto lalo na ang nanay niyang si Marjorie na open sa opinyon nito sa mga karibal ng anak nito.

Isa pang tyak na ikaka-insecure ng mag ina, ay ang pagsuporta ni Claudine Barretto kay Julia Montes bilang heredera nito sa bakuran ng abs-cbn.

Kung matatandaan, isa si Claudine ang nagreyna sa abs-cbn karibal si Judy Ann Santos.

Good news, ngayon buwan na ang shooting ng comeback movie ng orihinal na teleserye queen na si Claudine under Viva Films at Star Cinema.


1/30/2015

The Half Sisters, hanggang March 2015 pa!

Dahil sa magandang ratings at epektibong mga roles, extended hang gang March 2015 ang seryeng The Half Sister kung Satan bids si na Barbie Forteza at Thea Tolentino.

Inabangan talaga ang bangaan ng magkapatid sa serye. Dumagdag din sa hands ng history a ang role ni Jean Garcia ( original na gumanap biglang Madam Claudia Buenavista sa seryeng Pangako Sayo sa abs-cbn ) na gumaganti kay Ryan Eigenman bilang asawa nito sa serye.

Ang pagbabalik ni Jomari Yllana sa serye ang isa sa mga reason kung bakit nadugtungan multi ang seryeng The Half Sisters.


1/14/2015

Claudine Barretto, magbabalik na!

Base sa instagram posts ng orihinal na teleserye queen ng kapamilya network, magbabalik na sa pelikula si Claudine Barretto.

May balitang pagsasamahin sila ng karibal sa korona na si Judy Ann Santos. Pero mass nauna ang balitang balik tambalan nila ni Piolo Pascual.

Star Cinema at ViVa films ang hahawak sa nasabing comeback movie ng Optimum Star.

Marami na rin ang umaasa na magbabalik teleserye ang magaling na alters pero walang linaw ang pagbabalik kapamilya nito.

Nakabalik na ang isa pa nitong karibal noon sa kasikatan na si Jolina Magdangal sa istasyon.

Kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik nila Jolina at Claudine sa limelight, kahit sabihin pang secured na si Juday sa career niya, dapat ba siyang mangamba dahil aminin man niya o hindi, nahirapan talaga siyang banggain noon ang dalawang kasabayan sa kasikatan.


-- -- --

IG: chalojado
Oh My G, papalitan ang BCWMH

Si Janella Salvador na nga ang ookupa ng dating oras ng dati rin nitong daytime teleserye na Be Careful with My Heart.

Ang Oh My G. Isang kakaibang teleserye na napapanahon at tungkol sa pananampalataya sa Poong Maykapal.

Magawa nga kayang tapatan ni Janella ang ratings o itinagal ng seryeng BCWMH.

Isa siya sa mga inaabangan na leading lady ng kapamilya network. Kasabayan sina Liza Soberano ng Forevermore, Jane Oineza ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita  at Julia Barretto ng Mirabella.


-- -- ---

IG: chalojado







Jolina Magdangal, supporting role nalang!

Nagbabalik kapamilya na nga ang 90's POP ICON na si Jolens. At ang unang proyekto nga nito ay  ang ang daytime teleserye na Flor de Liza. Katambal muli si Marvin Agustin. Sikat noong 90's ang tambalan ng dalawa sa mga pelikula at TV shows ng kapamilya network. Pero dahil 12 years ngang nawala sa kapamilya ang dating next "Maricel Soriano" ay  hindi agad magiging bids si Jolens. Supporting role muna ng dalawang batang babae ang magiging karakter niya although highlight ang love team nila ni Marvin Agustin.


--- --- --- --- ---

IG: chalojado