3/07/2015

Claudine at Judy Ann, buhay ang Rivalry

Mukhang ngayon 2015 na ang pagbabalik banggaan at tapatan ng dalawang reyna ng teleserye na sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Kumpirmado na ang bagong teleserye ni Judy Ann Santos katambal si Richard Yap at kasama ang nagbabalik sa limelight na si Diether Ocampo na may titulong Someone Watch Over Me.

Pinilit Kong Limutin Ka , naman ang pamagat ng comeback project ni Claudine Barretto katambal muli si Piolo Pascual, pero hindi pa sigurado kung pelikula ito o teleserye sa kapamilya network.

Buhay na naman ang mundo ng showbiz dahil sa dalawang aktres na naglalaban kung sino ba talaga ang dapat tawaging Drama Queen ng kanilang henerasyon.


No comments:

Post a Comment