3/02/2015

Sarah Geronimo, dumami ang Bashers!?

Dahil sa komento noong nakaraang grand finals night ng #theVoice2 ng popstar na si Sarah Geronimo na hindi sa pagbirit ang dapat gawing basehan ng pagkapanalo sa isang singing contest ng contestant, bumaha ang mga bashing comments sa social media tungkol sa popstar.

Naroon na may nagsabing hindi nalang niya dapat ginamit ang salitang biritera dahil yun naman ang nagpanalo sa kanya noon kahit sabihin pang iba ang panahon noon at ngayon pagdating sa pagkanta.

Gaya ni broadway diva Lea Salonga na nagpasaring din na hindi dapat sa awa ang basehan para manalo ang isang contestant.

Ang lahat ng komento ng dalawang diva ay patungkol kay Alisah Bonaobra na 2nd
Placer sa nagtapos na finals night ng the voice of the Philippines 2.

Isang malaking banta kasi ang alaga ni Apl De Ap sa mga nasa side nina Sarah at Lea dahil bukod sa bata pa ay may ibubuga pa sa biritan.

Tapos na ang panahon ni Sarah sa biritan dahil hindi nito na-maintain ang totoong ibig sabihin ng magandang boses ng isang biritera. Napatunayan na noon pa nang maikumpara siya kina Rachelle Ann Go at Angeline Quinto.

No comments:

Post a Comment