7/23/2012

Eula Valdez, balik Kontrabida Queen?

Matatandaan noon ng Pangako Sayo, ang teleseryeng tinutukan ng buong bansa ay nakilala ang pangalang AMOR POWERS at hindi maikakaila na isa ito sa mga character name ng isang tv series na hindi na nawala ang sa isipan ng mga nakapanood nito.



Ito ay ginampanan ng award winning character actress na si Eula Valdez. At sa ilang tv series pa nito ay hindi man nagawang tapatan ang pangalang MS. POWERS ay naging indemand ang aktress sa mga tv series, sa primetime man o sa noontime ng magkakalabang istasyon.

Muli, gumanap itong kontrabida kay Dawn Zulueta sa isang phenomenal primetime tv series sa dos na pinagbibidahan din nina Richard Gomez, Coco Martin at Julia Montes.

Nagkasama na sa isang remake ng isang hit tv series noong nakaraang taon ang dalawang aktres, ang MULA SA PUSO na pinagbibidahan noon ng Optimum Star na si Claudine Barretto.

At bilang Black Lily ay magawa nga kayang ibalik ni Eula Valdez ang kasikatan ng karakter niya sa nasabing phenomenal tv series sa bansa sa kasalukuyan?


Barbie At Bea Tandem taob pa rin kay Kathryn.

Tunay na may mga bagong henerasyon ng mga magagaling, sikat at malalaking artista ngayon. Pero sinu-sino nga ba ang mga mas tumatak sa isipan ng mga manood ngayon na kabataang artista???

Hindi maikakaila na sina Barbie Forteza at Bea Binebe ang tinatawag na prinsesa ng GMA7 dahil sa mga successful tv series na pinagbibadahan ng mga ito.



At hindi rin pwedeng balewalain ang hatak sa masa ng makabagong "primetime princess" ng Abs Cbn2 na si Katryn Bernardo.



Ang nakapagtataka lamang, bakit hindi bigyan ng solong proyekto sa primetime ng GMA sina Bea at Barbie o ilang taon pa ang hihintayin para masabing may followers ang dalawang tween star nila sa primetime?

Kaya nakakabilib naman talaga ang husay ng dos sa paghawak ng talents nila dahil talagang umabante ng husto ang mga career ng mga young stars nila gaya ni Julia Montes sa phenomenal primtime tv series nito na at Ella Cruz sa fantasy tv series din nito.

Sa madaling salita, hindi pa rin magagawang tapatan ng solo nina Barbie at Bea sa isang drama series sa primetime ang ilang kasabayan nilang tween star sa dos?

Gretchen Barretto is OUT? Liz Uy is IN!

Magandang balita sa mundo ng showbiz ang pagbabati ng longtime friends na sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa burol ni Mang dolphy noong kasagsagan ng burol nito sa Heritage Park.



Matatandaan noong 2007 ang naging ugat ng hindi na muling pagpapansinan ng dalawang aktres ay nang kumalat ang isang larawan ni Greta kahalikan ang aktor na si John Estrada.

Pero ang mas kinaloka ko ay nang hindi ko na makita sa mga wall glass ng boutique shop ng Plains & Prints ang mukha ni La Gretta. hindi na ba siya ang endorser?



At ang pumalit sa trono ng kilalang Philippine Showbiz Beautiful Girl na si La Gretta sa glamorosang damit ng mga sosyal ay no other than Preview Editor and hair stylist Liz Uy.

Oh, mukhang sosyal si Liz gawa ng sobrang tv exposure o dahil may "K" ba talaga ang ex ng sikat na aktor sa ABS CBN at dating nililigawan ng Presidente ng Pilipinas na maging endorser? May hatak ba siya sa mga sosyal at pasosyal?

Sharon Cuneta; Pikon Queen?

Mula ng mauso yata ang TWITTER ay marami na ang naadik na gumamit nito at hindi maikakaila na kahit ang mga starlet o super star sa showbiz ay hindi nagpahuli sa uso.



Ilang beses ng may dalang kontrobersya ang pag tweet ng anumang saloobin ng isang artista sa social networking na ito at ilang segundo lamang ay madali na itong kakalat na magiging dahilan para gumawa ng balita sa showbiz. Masama man o mabuto ang pakahulugan, pinagmumulan na ito ng ibat-ibang klaseng balita napagpipiyestahan mga tsismosa na sabik sa mga ganitong pangyayari.

At isa nga sa mga biktima o patuloy na binibiktima ang kanyang sarili dahil sa patuloy na pag updates sa mga tweets nito ay ang nag iisang MEGA STAR na si Sharon Cuneta.

Dahil sa mga nakakapalitan ng tweets ng sikat na aktress, hindi niya yata napaghandaan na may mga negatibong dala din ang mga tweets niya. Kaya may mga nakakaaway siya na kung hindi mga ayaw sa kanya ay mga nakakabanggaan naman siya sa kanyang mga opinyon.

Ang pagtweet din noon ng Optimum Star na si Claudine Barretto ang naging dahilan kung bakit marami din itong nakasaamaan ng loob sa dati niyang tahanan sa Star Magic.

Tama nga naman na kung ayaw mo sa isang opinyon, bakit mo bibigyan pa ng panahon. Pero hindi nagiging tama o mali ang isang opinyon kung walang diskusyon. Sa ayaw at sa gusto man ni Ate Shawie, hanggat hindi siya umaalis sa mundo ng TWITTER, umasa na siya ng kapikunan sa mga nambubully o sa mga may concern din naman sa kanya kaya siya tinatama sa ilang opinyon niya =))

Annabelle Rama; Reyna ng Eskandalo?

Ilang celebrity, artista at showbiz personality na nga ba ang nakapalitan ng maaanghang na salita at malulutong na mura ng nag iisang Annabelle Rama? Sa mga hindi nakakakilala pa sa kanya sa mga susunod na henerasyon ng mga mambabasa at manonood sa telebisyon kapag binalik tanaw ang buhay ng nag iisang Palabang Ina in PUBLIC ay siya lang naman ang asawa ng dating nangungunang leading man sa pelikula na si Eddie Guttierez. Ina ng sikat na sikat sa GMA shows na si Richard Guttierez at dating beauty queen na si Ruffa Guttierez. At kadikit na yata ng eskandalo ng isang Annabelle Rama ang kasikatang tinatamasa nito. Hindi gimik ika nga ang mga pangyayari sa buhay nito sa mundo ng showbiz. Makailang ulit man itong may nakapalitan ng mga sarit samong mga kaso ay patuloy pa rin ang buhay ng palabang ina.



Hindi ko nagustuhan ang kanyang pagmamalaki na "isang bisaya ang kinalaban mo" ng isatinig niya ito sa isang kilalang programa sa radyo ng magkaharap sila ng isang news writer. Binibigyan niya ng pangit na kahulugan ang isang "bisaya". hindi lahat ng taga CEBU ay ganun kasabik gumawa ng kapangitan ng ugali lalo pa at nasa kalagitnaan ka ng isang burol ng isa sa mga haligi ng showbiz.



Sabi nga niya, hindi naman siya SUPER STAR ng panahon niya noon dahil starlet siya kumapara sa dati pa niyang kaaway na si AMALIA FUENTES pero ngayon ay SUPER STAR siya ng kanyang henerasyon pagdating sa mga maling pagtingin sa kanya???

Naalala ko pa noong kasagsagan ng pagtatapat ng tv series ng anak niyang si Richard na " MULAWIN " at " MARINA " ng Optimum Star na si Claudine Barretto ay inaway pa nito ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng sabihin nito na nangunguna sa timeslot ang sirena na tinapatan ng pagkamaldita ni Annabelle Rama na hanggang langit ang ratings ng show ng anak naman niya.

Sumatotal ay hindi natin maikakaila na talagang gumawa na ng ingay sa mundo ng showbiz ang pangalan ng dating bisaya lamang na ngayon ay isa ng SUCCESSFUL TALENT MANAGER, INA at ASAWA base sa kanyang twitter profile =))


7/14/2012

Optimum Star to Comedy King, "i miss you tatay"


optimum star claudine barretto

"Marami akong natutunan sa kanya na buong buhay ko dadalhin. At buong buhay akong magpapasalamat sa kanya."

"From him I learned not to be be show-off in this business. He had no pretenses and gimmicks. Totoong tao ang tatay ko at tunay siyang makatao,".

 "Tatay, I miss you so much, I already miss you, and I love you."

Ilan sa mga iniwang salita at pamamaalam ng Optimum Star na si Claudine Barretto sa naging ama-amahan niya sa long running sitcom ng Abs-Cbn na Home Along da Riles.

Hindi maikakaila na mula kay Diamond Star Maricel Soriano sa John en Marsha ay naging isa sa paboritong anak-anakan ng Comedy King na si Dolphy si "Bing", ang isa sa pinakamatagumpay na aktres sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Mula ng makilala bilang bituin at prinsesa hanggang sa naging reyna ng mga teleserye sa dos si Claudine ay pansamantalang nilisan nito ang mundo ng komedya kung saan naghahari si Dolphy.

At sa mahigit 2 dekada na pagsasama ng Hari at Optimum Star ay tunay na hindi madaling tanggapin ang pagkawala ng isa sa kanila.

comedy king dolphy

7/11/2012

Claudine in 20th Star Magic Anniversary



isa na namang senyales pagbabalik Abs-Cbn ang naganap kamakailan ng magbigay pahayag o pagbati ang Philippine's Optimum Star sa anibersaryo ng Star Magic na pinamumunuan ni Mr. M o Johnny Manahan.

patunay lamang na hindi maaring mawala sa anumang tagumpay ng Star Magic ang isang Claudine Barretto at ganun din naman ang karerang tinahak ng dating reyna nito.



" Star Magic saw me grow up on kiddie tv as a teenybopper, a young adult in Buttercup and saw me swim as a mermaid sa Marina and saw me cry bucket of tears sa lahat ng mga teleseryes ko. 

Thank you so much Star Magic for all of this, I will forever be grateful . My seat might have left your door, but my heart will forever and always be with you. Believing that, there are some things in life that cannot and should not be erased. 
May your magic continue , Happy 20th Anniversary Star Magic . I Love You! "

- Ms. Claudine Barretto 

#StarMagic20Years


tweet me @akosichardee