7/23/2012

Barbie At Bea Tandem taob pa rin kay Kathryn.

Tunay na may mga bagong henerasyon ng mga magagaling, sikat at malalaking artista ngayon. Pero sinu-sino nga ba ang mga mas tumatak sa isipan ng mga manood ngayon na kabataang artista???

Hindi maikakaila na sina Barbie Forteza at Bea Binebe ang tinatawag na prinsesa ng GMA7 dahil sa mga successful tv series na pinagbibadahan ng mga ito.



At hindi rin pwedeng balewalain ang hatak sa masa ng makabagong "primetime princess" ng Abs Cbn2 na si Katryn Bernardo.



Ang nakapagtataka lamang, bakit hindi bigyan ng solong proyekto sa primetime ng GMA sina Bea at Barbie o ilang taon pa ang hihintayin para masabing may followers ang dalawang tween star nila sa primetime?

Kaya nakakabilib naman talaga ang husay ng dos sa paghawak ng talents nila dahil talagang umabante ng husto ang mga career ng mga young stars nila gaya ni Julia Montes sa phenomenal primtime tv series nito na at Ella Cruz sa fantasy tv series din nito.

Sa madaling salita, hindi pa rin magagawang tapatan ng solo nina Barbie at Bea sa isang drama series sa primetime ang ilang kasabayan nilang tween star sa dos?

No comments:

Post a Comment