7/23/2012

Sharon Cuneta; Pikon Queen?

Mula ng mauso yata ang TWITTER ay marami na ang naadik na gumamit nito at hindi maikakaila na kahit ang mga starlet o super star sa showbiz ay hindi nagpahuli sa uso.



Ilang beses ng may dalang kontrobersya ang pag tweet ng anumang saloobin ng isang artista sa social networking na ito at ilang segundo lamang ay madali na itong kakalat na magiging dahilan para gumawa ng balita sa showbiz. Masama man o mabuto ang pakahulugan, pinagmumulan na ito ng ibat-ibang klaseng balita napagpipiyestahan mga tsismosa na sabik sa mga ganitong pangyayari.

At isa nga sa mga biktima o patuloy na binibiktima ang kanyang sarili dahil sa patuloy na pag updates sa mga tweets nito ay ang nag iisang MEGA STAR na si Sharon Cuneta.

Dahil sa mga nakakapalitan ng tweets ng sikat na aktress, hindi niya yata napaghandaan na may mga negatibong dala din ang mga tweets niya. Kaya may mga nakakaaway siya na kung hindi mga ayaw sa kanya ay mga nakakabanggaan naman siya sa kanyang mga opinyon.

Ang pagtweet din noon ng Optimum Star na si Claudine Barretto ang naging dahilan kung bakit marami din itong nakasaamaan ng loob sa dati niyang tahanan sa Star Magic.

Tama nga naman na kung ayaw mo sa isang opinyon, bakit mo bibigyan pa ng panahon. Pero hindi nagiging tama o mali ang isang opinyon kung walang diskusyon. Sa ayaw at sa gusto man ni Ate Shawie, hanggat hindi siya umaalis sa mundo ng TWITTER, umasa na siya ng kapikunan sa mga nambubully o sa mga may concern din naman sa kanya kaya siya tinatama sa ilang opinyon niya =))

No comments:

Post a Comment