7/23/2012

Annabelle Rama; Reyna ng Eskandalo?

Ilang celebrity, artista at showbiz personality na nga ba ang nakapalitan ng maaanghang na salita at malulutong na mura ng nag iisang Annabelle Rama? Sa mga hindi nakakakilala pa sa kanya sa mga susunod na henerasyon ng mga mambabasa at manonood sa telebisyon kapag binalik tanaw ang buhay ng nag iisang Palabang Ina in PUBLIC ay siya lang naman ang asawa ng dating nangungunang leading man sa pelikula na si Eddie Guttierez. Ina ng sikat na sikat sa GMA shows na si Richard Guttierez at dating beauty queen na si Ruffa Guttierez. At kadikit na yata ng eskandalo ng isang Annabelle Rama ang kasikatang tinatamasa nito. Hindi gimik ika nga ang mga pangyayari sa buhay nito sa mundo ng showbiz. Makailang ulit man itong may nakapalitan ng mga sarit samong mga kaso ay patuloy pa rin ang buhay ng palabang ina.



Hindi ko nagustuhan ang kanyang pagmamalaki na "isang bisaya ang kinalaban mo" ng isatinig niya ito sa isang kilalang programa sa radyo ng magkaharap sila ng isang news writer. Binibigyan niya ng pangit na kahulugan ang isang "bisaya". hindi lahat ng taga CEBU ay ganun kasabik gumawa ng kapangitan ng ugali lalo pa at nasa kalagitnaan ka ng isang burol ng isa sa mga haligi ng showbiz.



Sabi nga niya, hindi naman siya SUPER STAR ng panahon niya noon dahil starlet siya kumapara sa dati pa niyang kaaway na si AMALIA FUENTES pero ngayon ay SUPER STAR siya ng kanyang henerasyon pagdating sa mga maling pagtingin sa kanya???

Naalala ko pa noong kasagsagan ng pagtatapat ng tv series ng anak niyang si Richard na " MULAWIN " at " MARINA " ng Optimum Star na si Claudine Barretto ay inaway pa nito ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng sabihin nito na nangunguna sa timeslot ang sirena na tinapatan ng pagkamaldita ni Annabelle Rama na hanggang langit ang ratings ng show ng anak naman niya.

Sumatotal ay hindi natin maikakaila na talagang gumawa na ng ingay sa mundo ng showbiz ang pangalan ng dating bisaya lamang na ngayon ay isa ng SUCCESSFUL TALENT MANAGER, INA at ASAWA base sa kanyang twitter profile =))


No comments:

Post a Comment