1/14/2015

Claudine Barretto, magbabalik na!

Base sa instagram posts ng orihinal na teleserye queen ng kapamilya network, magbabalik na sa pelikula si Claudine Barretto.

May balitang pagsasamahin sila ng karibal sa korona na si Judy Ann Santos. Pero mass nauna ang balitang balik tambalan nila ni Piolo Pascual.

Star Cinema at ViVa films ang hahawak sa nasabing comeback movie ng Optimum Star.

Marami na rin ang umaasa na magbabalik teleserye ang magaling na alters pero walang linaw ang pagbabalik kapamilya nito.

Nakabalik na ang isa pa nitong karibal noon sa kasikatan na si Jolina Magdangal sa istasyon.

Kung tuloy-tuloy na ang pagbabalik nila Jolina at Claudine sa limelight, kahit sabihin pang secured na si Juday sa career niya, dapat ba siyang mangamba dahil aminin man niya o hindi, nahirapan talaga siyang banggain noon ang dalawang kasabayan sa kasikatan.


-- -- --

IG: chalojado

No comments:

Post a Comment