8/04/2012

Banggaang Gretchen at Dawn sa Primetime

Mukhang hindi pa yata tapos ang pagbabanggaan ng dalawa sa may pinakamamagandang mukha sa pinoy showbiz. Ang akala ng lahat ay matatapos na sa isang "microwave" ang isyu ng dalawang nagrereyna ngayon sa primetime drama show ng dos.



Pati pala sa kanilang mga primetime drama series ay nagpapatalbugan sa kanilang mga karakter sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta.

Akala ng mga manonood ay ang pagsasabong ng bagong Judy Ann Santos at Claudine Barretto
na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes lamang ang sinusundan nang mga mahihilig sa rivalries ng mga artista, pati pala ang mga primerang gandang Lagretta at Dawn ay inaabangan na rin gab-gabi.

Mula sa kanilang mga kasuotan hanggang sa pag atake sa mga linya ay sadyang tumatatak sa isipan ng mga tao.

Ika nga, kung Royal Teleserye kay Greta ang "Princess and I", Phenomenal Teleserye naman kay Dawn na "Walang Hanggan".

No comments:

Post a Comment