3/19/2013

Kim Chiu, pinabayaan na ng dos?

Isa ang Ina Kapatid Anak sa mga sinusubaybayan na teleserye sa primetime ng dos.
Bida dito ang primetime princess na si Kim Chiu.

Pero parang hindi na yata ganun ang importansyang binibigay ng dos sa prinsesang lumabas sa bahay ni kuya.

Dahil sa isyung bagong Juday at Claudine sa karera nina Kathryn Bernardo at Julia Montes, mas ito na ngayon ang tinututukan ng malaking tv network.

Mawawala na nga ba sa eksena si Kim Chiu, kung matatandaan ay hindi ganun kabongga ang mga pelikula nito last year.

May teleserye ang primetime princess, pero hindi naman ganun kaingay ang pangalan niya, kundi dahil sa kontrobersya ng alitan di umano nila ng co-star niya sa serye na si Maja Salvador.

Oh well, goodluck nalang kay Kim lalo pa at marami talagang prinsesa at mahuhusay na star sa bakuran ng dos.

No comments:

Post a Comment