3/05/2013

Julia Barretto, aagawan sina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

Julia Barretto, aagawan sina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

Si Julia Barretto na nga ba ang magmamana ng legacy na sinimulan ng kanyang mga tita at ina sa pinoy showbiz?

Gaya ng imortal na ganda ng kanyang tita Gretchen, o gaya sa simple niyang ina na si Marjorie, o maging heredera ng kanyang tita Claudine na isang reyna ng teleserye at pelikula.

Muli nga kayang magkaroon ng tatlong prinsesa ang abs-cbn gaya noon nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal at Claudine barretto sa henerasyon ngayon nina Kathryn Bernardo, Julia Montes at ito ngang si Julia Barretto na magbibida sa isang fantaserye na hango sa isang pelikula.

Kung ganda ang pagbabasehan, hindi magpapahuli ang dalagitang Barretto.



Pero sa acting, noong bata pa ito ay may mga nagawa na itong tv role na masasabing siya ang susunod sa yapak ng tita Claudine niya

Very obviously na ang tapatan nina Julia Montes at Kathryn sa mga tv shows at pelikula, sa pagpasok kaya ni Julia Barretto, maagaw nga kaya niya ang eksena sa dalawang nagsasabong na prinsesa ng dos?

Si Ella Cruz na mas kilala bilang si Aryana na sinasabing si Kristine Hermosa naman ang sinusundan, magawa niya nga kayang makipagsabayan kina Julia Montes at Katryn Bernardo na may mga sarili ng pelikula?

O mababalewala si Ella Cruz na bagong fantaserye princess ng primetime dahil sa pagpasok ni Julia Barretto sa eksena?

Mukhang may chemistry din sina Julia Barretto at Daniel Padilla at hindi imposible na sila ay magtambal sa mga darating na panahon sa teleserye o pelikula, kaya goodluck kay Kathryn Bernardo.


No comments:

Post a Comment