Pilit na binabawi kay Vice Ganda ang titulong Phenomenal Star dahil
mas nababagay daw ito sa nag iisang Superstar ng Pinoy Showbiz na si
Nora Aunor.
Kung tutuusin nga naman, wala pang social networking at pahirapan pa ang mga pag promote ng mga tv, movie at mall shows sa panahon ni Nora pero naging hit ang pangalan nito at talagang nakilala sa buong Pilipinas at saan man may Pinoy sa mundo dahil sa husay nitong artista at mang aawit ng kanyang panahon.
Dumating ang panahon ng soap opera, telenovela hanggang sa teleserye at ang pangalang Judy Ann Santos ang isa sa mga naging paboritong panoorin sa bawat tv drama noong panahon na yun. Nakilala at nagkapangalan man sa pelikula, tv commercials at saan man ay mas naging tahanan ni Juday ang drama sa telebisyon.
At sa bagong henerasyon kung saan uso ang social networking, isang kapatid sa lgbt na si Vice Ganda ang isa sa mga nakoronahan na mabenta sa lahat ng uri ng tao dahil sa kakaibang talino sa pagbibiro nito na naging dahilan para hawakan niya ang korona sa Pinoy Movie Box Office History bilang 300+ worth million pesos box office star.
Ika nga, kung si Kris Aquino ay nakuntento na lamang sa pagiging supernova o Queen of All Media na korona, hindi naman ito naging fair sa mga fans nina Nora, Juday at Vice.
Kahit na sabihin pang pinakasikat si Nora sa karibal nitong si Vilma Santos, si Juday ang nakoronahang reyna ng tv drama laban sa karibal nitong si Claudine Barretto, sa ngayon ay nag iisa pa lamang si Vice Ganda sa kanyang titulo.
Opo. PHENOMENAL box office star ang ibinigay sa kanya at hindi Box Office King.

No comments:
Post a Comment