12/28/2012

Mga LAOS at SIKAT sa 38th MMFF 2012!

ER Ejercito, talo ulit kay Dingdong!

Two in a row ika nga, at malaking sampal ito ng kabilaan kay El Presidente lead star ER Ejercito na muling maiuwi ni One More Try star Dingdong Dantes ang MMFF best actor sa taong 2012.

Taong 2011 sa MMFF din sa pelikulang " Segunda Mano " ay napanalunan din ito ng kapuso aktor, katambal ang queen of All Media na si Kris Aquino.



Late man mula sa C5 ay nakahabol pa rin at nakapagbigay ng kanyang speech ang Pahiram ng Sandali lead star.

Pero malay natin, bumawi sa iba pang body awards next year ang ElPresidente, lalo pa at pang FAMAS ang pelikula kesa pang festival lang.

Movie nina Bong, Vic at Juday, butata!

Mukhang kulelat sa mga major awards ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO, kahit na pangalawa ito sa box office sa kasalukuyan.

Mukhang wala ng magic ang fantasy movie kasama ng mga big lead stars na sina Titanic Action Star Bong Revilla Jr, Bossing Vic Sotto at Teleserye Queen Judy Ann Santos, dahil nga sa wala man lang talaga silang nakuha kahit ang pelikula.



Best Picture naman ang One More Try at kahit ito lang ang award na makuha ng Star Cinema movie this MMFF 2012, jackpot at malaking award na din itong maituturing.

2nd naman ang El Presidente, at pangatlo ang Sisterakas.

Nora, wagi! Juday, talo!

Maituturing na dalawa sila sa mga itinuturing na superstar ng pelikula at teleserye sa Philippine Entertainment.
Pero dahil magkaiba ang tema ng pelikula nina Superstar Nora Aunor at Teleserye Queen Judy Ann Santos, mas nanaig ang galing bilang aktres ni Ate Guy kesa sa batang superstar.

Parang hindi naman binigyan ng tamang character si Juday sa pelikula niya kasama sina Vic Sotto at Bong Revilla Jr. Halatang isiningit nalang talaga siya sa movie.

Unlike Nora, na talagang binigyan ng tamang role, walang duda na kaya ito ang nag uwi ng korona ng gabi ng parangal bilang best actress.

Angel Locsin, bigo kay Nora Aunor,

Si Nora Aunor pa rin talaga ang maituturing na best actress sa MMFF 2012 movie festival.

Ano ba naman ang panama nina Angelica Panganiban at Angel Locsin sa isang superstar.

Hindi daw talaga fair ang laban, kung sana ay may Lorna Tolentino, Maricel Soriano o Claudine Barretto ang itinapat sa superstar, eh di sana mas naging masaya ang awards night dahil talagang mas pahirapan ang labanan sa best actress ng mga yan.



Hindi naman puwedeng si Juday ang maging mahigpit na kalaban ni Nora dahil ang tsaka ng role ng teleserye queen sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO.

Sana next movie festival, mas maraming challenging actors ang maglaban-laban. Kung heavy drama lang ay kaya naman ito ni Juday, pero mukhang mas kailangan talaga ng mga tunay na drama queen gaya nina Maricel Soriano, Claudine Barretto at Lorna Tolentino para maitaob si Nora Aunor.

No comments:

Post a Comment