12/21/2012

Nora Aunor, dapat Idisqualify!

Malapit na ang pagpapalabas ng mga MMFF 2012 movies, sa darating na December 25.
 
Pero habang palapit ang pagpapalabas ng mga ito sa sinehan, inaabangan na rin ang awards night ng mga susuwerteheng pelikula na makakatanggap nito.

Marami ang nagsasabi na tiyak ng kay Nora Aunor mapupunta ang best actress award.

Pero kung papansinin natin, nauna ng naipalabas sa abroad ang pelikula ng superstar.

Nakahakot na rin ng hindi mabilang na recognitions kasama na nga ang best director kay Brilliante Mendoza at best actress naman kay Ate Guy.

Hindi pa nga ito naipapalabas sa Pilipinas pero parang hindi patas ang naging exposure nito.

Wala nga itong exclusive tv exposure para ma promote like sa ABS-CBN, GMA at TV5, naging advantage naman nito ang mga awards at pagpapalabas sa ibang bansa.

Dapat bigyan na lamang ng special award si Ate Guy at hayaan na lamang na sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Angel Locsin ang maglaban laban sa best actress cathegory ng MMFF 2012.

Lawakan nang mga Noranians ang utak nila, hindi laging walkout ang drama kapag hindi nananalo ang manok nila.

Syempre, hindi pang best actress ang role ni Juday sa movie niya with Vic Sotto at Bong Revilla Jr. sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO, kaya tsupi muna siya. Sa totoo lang, parang extra nga lang ang role niya at pinilit nalang isingit.

Hindi naman maghahabol ang kampo ng Sisterakas nina Kris Aquino, Vice Ganda at AiAi Delas Alas sa mga awards dahil ang gusto nila ay kumita lamang ang kanilang pelikula.

Goodluck nalang sa mga aktor at aktres na maglalaban laban.

No comments:

Post a Comment