Magiging maganda ang labanan ng 3 tv network ng bansa dahil sa mga fantaserye na ipapalabas nila sa bagong taon.
Nariyan ang KIDLAT ng tv5 na pagbibidahan ni universal leading man Derek Ramsay.
Isang makabagong superhero sa pisikal na kaanyuan pero naroon pa rin ang timplang pinoy sa pagtakbo ng istorya.
Ang INDIO naman ng GMA7 ay pagbibidahan ng titanic action star na si Senador Bong Revilla Jr.
Tatakbo ang kuwento sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at ang karakter ni Bong ang magiging tagapagligtas ng mga mamamayan noon.
Hindi naman syempre magpapahuli ang Teleserye Prince na si Coco Martin bilang Juan Dela Cruz mula sa produksyon ng ABS-CBN.
Isang simpleng tao na pinagkalooban ng isang bagay na magiging sandata niya sa pakikipaglaban sa mga kakaibang nilalang sa lupa.
Sino kaya ang maghahari sa primetime at fantaserye sa bagong taon?
Sa mga trailer palang ay kaabang-abang na ang tatlong serye, pero kaninong programa kaya ang mas tatangkilikin ng mga manonood?
Nagsimula noon sa teleseryeng Marina ang pagtawag sa isang serye bilang fantaserye at ito ay pinagbidahan ni Claudine Barretto bilang tao na sinumpa maging sirena. Tinawag na fantaserye queen ang aktress ng ABS-CBN.