12/29/2012

Indio, Juan Dela Cruz at Kidlat sa 2013.

Magiging maganda ang labanan ng 3 tv network ng bansa dahil sa mga fantaserye na ipapalabas nila sa bagong taon.

Nariyan ang KIDLAT ng tv5 na pagbibidahan ni universal leading man Derek Ramsay.



Isang makabagong superhero sa pisikal na kaanyuan pero naroon pa rin ang timplang pinoy sa pagtakbo ng istorya.

Ang INDIO naman ng GMA7 ay pagbibidahan ng titanic action star na si Senador Bong Revilla Jr.



Tatakbo ang kuwento sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at ang karakter ni Bong ang magiging tagapagligtas ng mga mamamayan noon.

Hindi naman syempre magpapahuli ang Teleserye Prince na si Coco Martin bilang Juan Dela Cruz mula sa produksyon ng ABS-CBN.



Isang simpleng tao na pinagkalooban ng isang bagay na magiging sandata niya sa pakikipaglaban sa mga kakaibang nilalang sa lupa.

Sino kaya ang maghahari sa primetime at fantaserye sa bagong taon?

Sa mga trailer palang ay kaabang-abang na ang tatlong serye, pero kaninong programa kaya ang mas tatangkilikin ng mga manonood?

Nagsimula noon sa teleseryeng Marina ang pagtawag sa isang serye bilang fantaserye at ito ay pinagbidahan ni Claudine Barretto bilang tao na sinumpa maging sirena. Tinawag na fantaserye queen ang aktress ng ABS-CBN.

12/28/2012

Mga LAOS at SIKAT sa 38th MMFF 2012!

ER Ejercito, talo ulit kay Dingdong!

Two in a row ika nga, at malaking sampal ito ng kabilaan kay El Presidente lead star ER Ejercito na muling maiuwi ni One More Try star Dingdong Dantes ang MMFF best actor sa taong 2012.

Taong 2011 sa MMFF din sa pelikulang " Segunda Mano " ay napanalunan din ito ng kapuso aktor, katambal ang queen of All Media na si Kris Aquino.



Late man mula sa C5 ay nakahabol pa rin at nakapagbigay ng kanyang speech ang Pahiram ng Sandali lead star.

Pero malay natin, bumawi sa iba pang body awards next year ang ElPresidente, lalo pa at pang FAMAS ang pelikula kesa pang festival lang.

Movie nina Bong, Vic at Juday, butata!

Mukhang kulelat sa mga major awards ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO, kahit na pangalawa ito sa box office sa kasalukuyan.

Mukhang wala ng magic ang fantasy movie kasama ng mga big lead stars na sina Titanic Action Star Bong Revilla Jr, Bossing Vic Sotto at Teleserye Queen Judy Ann Santos, dahil nga sa wala man lang talaga silang nakuha kahit ang pelikula.



Best Picture naman ang One More Try at kahit ito lang ang award na makuha ng Star Cinema movie this MMFF 2012, jackpot at malaking award na din itong maituturing.

2nd naman ang El Presidente, at pangatlo ang Sisterakas.

Nora, wagi! Juday, talo!

Maituturing na dalawa sila sa mga itinuturing na superstar ng pelikula at teleserye sa Philippine Entertainment.
Pero dahil magkaiba ang tema ng pelikula nina Superstar Nora Aunor at Teleserye Queen Judy Ann Santos, mas nanaig ang galing bilang aktres ni Ate Guy kesa sa batang superstar.

Parang hindi naman binigyan ng tamang character si Juday sa pelikula niya kasama sina Vic Sotto at Bong Revilla Jr. Halatang isiningit nalang talaga siya sa movie.

Unlike Nora, na talagang binigyan ng tamang role, walang duda na kaya ito ang nag uwi ng korona ng gabi ng parangal bilang best actress.

Angel Locsin, bigo kay Nora Aunor,

Si Nora Aunor pa rin talaga ang maituturing na best actress sa MMFF 2012 movie festival.

Ano ba naman ang panama nina Angelica Panganiban at Angel Locsin sa isang superstar.

Hindi daw talaga fair ang laban, kung sana ay may Lorna Tolentino, Maricel Soriano o Claudine Barretto ang itinapat sa superstar, eh di sana mas naging masaya ang awards night dahil talagang mas pahirapan ang labanan sa best actress ng mga yan.



Hindi naman puwedeng si Juday ang maging mahigpit na kalaban ni Nora dahil ang tsaka ng role ng teleserye queen sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO.

Sana next movie festival, mas maraming challenging actors ang maglaban-laban. Kung heavy drama lang ay kaya naman ito ni Juday, pero mukhang mas kailangan talaga ng mga tunay na drama queen gaya nina Maricel Soriano, Claudine Barretto at Lorna Tolentino para maitaob si Nora Aunor.

38th Metro Manila Film Festival 2012 Winners!

Here is the list of winners of the 38th Metro Manila Film Festival:

Best Float:
“El Presidente”

Youth Choice Award:
“El Presidente”

Best Child Star:
Miguel Vergara, “One More Try”

Best Sound:
Michael Idioma, “El Presidente”

Best Musical Score:
Jessie Lazatin, “El Presidente”

Best Theme Song:
apl.de.ap and Jamir Garcia, “El Presidente”

Best Make-up:
Warren Munar, “El Presidente” by Warren Munar and company.

Best Special Fffects:
“Shake, Rattle & Roll 14: The Invasion”

Best Production Design:
Brillante Mendoza, “Thy Womb”

Best Editing:
Vito Kahili, “One More Try”

Best Cinematography:
Odyssey Flores, “Thy Womb”

Best Supporting Actor:
Cesar Montano, “El Presidente”

Best Supporting Actress:
Wilma Doesnt, “Sisterakas”

Best Original Story:
Henry Burgos, “Thy Womb”

Best Screenplay:
Anna Ramos, “One More Try”

Best Director:
Brillante Mendoza, “Thy Womb”

Best Actress:
Nora Aunor, “Thy Womb”

Best Actor:
Dingdong Dantes, “One More Try”

3rd Best Picture:
“Sisterakas

2nd Best Picture:
“El Presidente”

Best Picture:
“One More Try”

NEW WAVE
New Wave Best Actor:
Alan Paule, “Gayak”

New Wave Best Actress:
Liza Diño, “In Nomine Matris”

New Wave Best Director:
Tyrone Acierto, “The Grave Bandits”

New Wave Best Film:
Tyrone Acierto’s “The Grave Bandits.”

New Wave Special Jury:
Armando “Bing” Lao’s “Ad Ignorantiam”

Special Awards
Gender Sensitivity Special Award (New Wave):
“In Nomine Matris”

Gender Sensitivity Special Award (Mainstream):
“Thy Womb”

Gender Sensitivity Special Award (Shorts):
“Manibela”

FPJ Memorial Award:
“One More Try”

Gatpuno Villegas Award:
“Thy Womb”

Other Awards
Stars of the Night:
Nora Aunor
former President Joseph Estrada

SMDC Male Celebrity of the Night:
Zanjoe Marudo

SMDC Female Celebrity of the Night:
Bianca King

12/26/2012

Angel Locsin at Nora Aunor for best actress!


Mukhang itsupuwera muna ang magiging bida ng teleseryeng APOY SA DAGAT na si Angelica Panganiban para sa pelikulang ONE MORE TRY, ang pambato ng Star Cinema sa MMFF 2012, dahil si Angel Locsin di umano ang magiging mahigpit na makakatapat ng superstar na si Nora Aunor sa pagka best actress.
Kung hindi madi disqualify si Ate Guy sa kategoryang best actress sa nasabing movie festival dahil sa naipalabas na nga abroad ang THY WOMB kung saan kabilaan ang nominasyon internationaly, magiging malaking harang siya para kina Angelica at Angel sa pagka best actress.
Sana maging fair ang management at bigyan nalang ng ibang parangal si Nora, dahil sa totoo lang, malaking advantage na yung exposure ng indie film niya.

12/23/2012

Abs-Cbn, lucky charm ng Bb. Pilipinas Universe?

Nagbigay ng matinding pahayag si Queen of All Media Kris Aquino na mula ng ang Abs-Cbn ang naging tv partner ng Bb. Pilipinas Foundation ay suwerte yata sa loob ng 3 taon ang pagkakapasok ng mga kandidata ng Pilipinas sa mga grand finalists sa pinakaaabangang Miss Universe pageant every year.

Nauna na nga dito in a major major way ang 4th Runner Up Miss Universe 2010 na si Venus Raj.

Sumunod dito ang tsunami walk ng 3rd Runner Up Miss Universe 2011 na si Shamcey Supsup.

At itong huli lang, nangingibabaw ang ganda at talino ng cobra walk na si 1st Runner Up Miss Universe 2012 Janine Tugonon na tubong bataan at nagtapos ng cum laude sa UST.

Nagkataon nga lang ba dahil sa tv exposure na binibigay ng biggest network ng bansa kaya mas nakikilala sa buong mundo ang mga pambato natin sa Miss Universe?

Ang masasabi ko lang, tiyak na katatakutan na ang mga kanditada mula sa Pilipinas dahil sa daming beauty pageant na napanalunan ng bansa sa ibat ibang kategorya.

Sino ang kerida kina Anne at Kris?

Next year na mapapanood ang bagong teleserye ni Queen of All Media Kris Aquino, at tiyak na tampulan na naman ito ng mga intriga dahil nga makakasama ng queen of talk din sina 2011 Box Office Queen Anne Curtis at Action Super Star Robin Padilla.

Balik tambalan ito nina Binoe at Kristeta, after ng flop movie nilang You and Me Againts the World isang dekada na ang nagdaan.

May nakaraan din ang dalawang big stars, nakaraang relasyon na muntikang mauwi sa pagtatanan pero naudlot.

Mukhang magiging exciting ang bagong serye ng dos dahil nasa tema pa rin ng pagiging kerida ang drama nito, yun nga lang ay sino kina Kris at Anne ang magiging kerida ng istorya?

Abangan ang bagong serye gabi gabi mula sa primetime show ng abs-cbn.

Nawaley sa eksena sina Sharon, Joey at Edu kay Willie!

Mukhang paborito ni MVP, may ari ng tv5 network si Willie Revillame, dahil mas pinapaburan nito ang multi millionaire host.

Mula sa primetime slot at pagkatsugi ng tv game show na Wiltime Bigtime, aarangkada na sa noontime slot muli si Willie via new show na may titulong Wow Wow Willie na obyus naman na kinuha sa pangalan ng dating tv show nito sa abs-cbn na Wowowee.

At dahil nga mas nagpapasok ng pera ang tv show ni Willie sa kapatid network, nadedma bigla bigla ang mga tv show nina Mega Star Sharon Cuneta, Edu Manzano at Joey De Leon.

Ang bagong studio daw kasi ang pinag ugatan ng isyu, dahil nga binibenta ito kay Willie, walang choice sina Sharon, Edu at Joey kundi magsiksikan sa dating studio ng tv show ni Willie.

Ganun kasimple, kung sino ang malakas sa masa, sa may ari ng network at mas mapera, siya ang masusunod.

Aba, talagang wala ng atrasan ang banggaan ng tatlong noontime show ng tatlong tv network, Its Showtime ng Abs-Cbn, Eat Bulaga ng GMA7 at Wow Wow Willie ng TV5.

12/21/2012

Heart, Rhian, Solenn at Bianca, mga Sosyal!

Kung sexy comedy ang tema ng epic movie na Temptation Island na pinagsamahan nina Heart Evangelista, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Solenn Heussaff at Marian Rivera, isa namang sossy drama ang pang MMFF 2012 movie na Sossy Problems.

Ito ay pagbibidahan nina Rhian Ramos, Soleen Heussaff, Bianca King at Heart Evangelista.

Parang kuwento ito ng mga socialite na may mga pinagdaanang hirap sa buhay pero gustong mapanatili ang estado sa mga paraang alam nila.

Pero in real life, only Heart can sustain ang sosyal na buhay dahil anak mayaman nga ang babaeng ito at nasa pamilya ng mga kilalang artista at tao sa lipunan.

Si Heart din ang may pinakasosyal na lovelife, senador ba naman ng Pilipinas ang maging boyfriend nito, si Chiz Escudero.

Wait and watch nalang natin ang Sossy Problems sa December 25 kung may maituturo ba itong values para sa mga socialites at social climbers.

Pak!

ER Ejercito, baka mapikon na naman!

Last year ay gumawa ng eksena ang nagbabalik sa pag gawa ng pelikula na si ER Ejercito, gobernador sa Laguna, ng kuwestiyunin nito ang nanalong best actor sa nakaraang MMFF 2011 na si Dingdong Dantes.

Napulitika daw ang awards night dahil nga kapatid ng presidente ng Pilipinas ang kasama ng Kapuso star.

Pero dedma lamang ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga patutsada ng pulitiko din namang aktor.

At ito ngang darating na kapaskuhan, muling ibibida ng gobernador ang kanyang obra, ang EL Presidente, kung saan gaganap siya bilang si Emilio Aguinaldo, ang unang presidente ng republika ng Pilipinas.

Makakasama dito ni ER sina Cecar Montano ( gumanap na Jose Rizal naman noon ), Cristine Reyes at superstar Nora Aunor.

2 years in the making ang period movie, at aabot sa 3 oras ang haba nito sa mga sinehan.

Ito ay promoted by Ched at Dept. Ed..

Pero wag masyadong kumpyansa si ER na majority ay makukuha nila ang lahat ng awards dahil lamang sa ito ay isang historical movie.

Hindi lang namang ang MMFF ang nagbibigay ng awards, nandyan pa ang URIAN at Famas.

Nora Aunor, dapat Idisqualify!

Malapit na ang pagpapalabas ng mga MMFF 2012 movies, sa darating na December 25.
 
Pero habang palapit ang pagpapalabas ng mga ito sa sinehan, inaabangan na rin ang awards night ng mga susuwerteheng pelikula na makakatanggap nito.

Marami ang nagsasabi na tiyak ng kay Nora Aunor mapupunta ang best actress award.

Pero kung papansinin natin, nauna ng naipalabas sa abroad ang pelikula ng superstar.

Nakahakot na rin ng hindi mabilang na recognitions kasama na nga ang best director kay Brilliante Mendoza at best actress naman kay Ate Guy.

Hindi pa nga ito naipapalabas sa Pilipinas pero parang hindi patas ang naging exposure nito.

Wala nga itong exclusive tv exposure para ma promote like sa ABS-CBN, GMA at TV5, naging advantage naman nito ang mga awards at pagpapalabas sa ibang bansa.

Dapat bigyan na lamang ng special award si Ate Guy at hayaan na lamang na sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes at Angel Locsin ang maglaban laban sa best actress cathegory ng MMFF 2012.

Lawakan nang mga Noranians ang utak nila, hindi laging walkout ang drama kapag hindi nananalo ang manok nila.

Syempre, hindi pang best actress ang role ni Juday sa movie niya with Vic Sotto at Bong Revilla Jr. sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO, kaya tsupi muna siya. Sa totoo lang, parang extra nga lang ang role niya at pinilit nalang isingit.

Hindi naman maghahabol ang kampo ng Sisterakas nina Kris Aquino, Vice Ganda at AiAi Delas Alas sa mga awards dahil ang gusto nila ay kumita lamang ang kanilang pelikula.

Goodluck nalang sa mga aktor at aktres na maglalaban laban.

Venus at Shamcey, nilagpasan ni Janine!

Straight 3 years na nasa top 5 finalist ang Pilipinas sa Miss Universe.

Unang nagpakita ng gilas ang kontrobersyal sa kanyang filipino citizenship na si Venus Raj noong 2010.

Pero dahil sa kagustuhan na rumampa sa pinaka bonggang beauty pageant, natupad ang pangarap ni Venus at naging Miss Universe 4th runner up.

Sumunod sa yapak ni Venus ang Bb. Pilipinas Universe 2011 na si Shamcey Supsup.

Nang dahil sa kanyang tsunami walk, umingay ang kanyang pangalan sa entablado ng bansang Brazil.

Iniuwi ni Shamcey ang titulo bilang Miss Universe 3rd Runner Up ng 2011.

At iyun ay pressure para sa susunod na nagmana ng Bb. Pilipinas Universe 2012 na si Janine Tugonon na dalawang beses sumali at naging finalist noong 2011 sa Bb. Pilipinas, dahil si Shamcey ang tumalo sa kanya last year.

At ang mga haka haka ng lahat, bukod sa may pagkakahawig sa dating Miss Universe 1998 1st Runner Up na si Miriam Quiambao, ay susundan nito ang destiny ng dating beauty queen sa Miss Universe.

Ang akala ng lahat, si Janine na ang mag uuwi ng korona na huling nakuha noong 1973.

Pero nanaig ang ganda at talino ni Miss USA sa sarili nitong bansa.

Pero isang malaking tagumpay na nagawang lagpasan ni Miss Philippines ang mga nagrereyna sa beauty pageant na sina Mexico, Brazil at Venezuela.

At nagawa ring lagpasan ni Janine ang ibinigay na karangalan nina Venus at Shamcey ngayong taon.

Congrats Miss Cobra Walk!

Daniel Matzunaga, nasa Dos na?

Nag guest sa morning talk show ni Queen of All Media Kris Aquino ang brazilian model actor na si Daniel Matzunaga na nasa tv station id ng tv5 bilang one of the faces ng nasabing network.

Parang nasabi ni Daniel sa ilang interview sa kanya na hindi siya puwedeng gumawa ng anumang proyekto sa abs-cbn dahil bawal daw.

Pero bilang kapatid star, pwede naman daw siya gumawa sa GMA ng anumang shows. Parang ang gulo. Hehehe.

Anyways, may teleserye sina Kris Aquino at Heart Evangelisa bilang mag ina noon sa abs-cbn na may pamagat na HIRAM.

Kung papansinin, ex boyfriend ni Heart si Daniel at nalilink naman ngayon si Daniel kay Kris. Parang hiniram ng Nanay ang boyfriend ng anak. Hehe.

Sana nga ay sa dos na lamang gumawa ng shows si Daniel dahil mukhang may chance ito maging ganap na leading man.

Bukod sa gwapo ay malakas talaga ang dating at karisma ng model actor.

Mariel Rodriguez, dedma kina Juday at Jolens!

Bago ang variety game show host princess na si Marial Rodriguez ay malalaking pangalan muna sa pinoy showbiz ang na link at ilan sa mga nakarelasyon ng dating Bad Boy of Philippines Cinema na ngayon ay Idol ng Masa at action super star na si Robin Padilla.

Ilan nga dito ay sina Mega Star Sharon Cuneta na nakaalitan pa si Golden Diva Vina Morales noong kasikatan pa ng mga tambalan nila noong 90's.

Nandyan din ang pagkaka link ni binoe kay Queen of All Media Kris Aquino na muntikan mapunta sa pagtatanan.

At nang pumasok ang early 2000, ang mga pangalang Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Jolina Magdangal ang tatlo sa pinakasikat na leading ladies sa pelikula at telebisyon noon.

Ang tatlo ay parehong nakasama sa pelikula ni Binoe.

Pero ang balita na kumakalat noon, na inlove daw sina Juday at Jolens sa Bad Boy.

Naging tago daw ang relasyon ni Badboy sa dalawa, pero hindi niya ito pinagsabay dahil magkakaibang panahon naman naganap ang lihim na romansahan niya sa dalawang young superstars.

May isyu pa na naging kerida si Juday habang may asawa si Binoe, pero dahil muslim nga ang action star, pwede higit sa isa ang maging asawa nito.

Ang nakakaloka pa, parehong pinakasalan daw ni Binoe ang dalawang aktres na ito, ayon sa mga tsismisan ng press.

Pero dahil puro blind items at tsismisan nga lang, dedma si Mariel sa nakaraan ng asawa kahit pa teleserye queen ( Judy Ann Santos ) at pop icon ( Jolina Magdangal ) ang mga naging ex nito.

Naku, certified Claudinian ( Claudine Barretto fan ) pa naman si Mariel, mabuti nalang hindi kinarir ni Robin ang ex ng pamangkin niyang si Mark Anthony Fernandez.

Intriga lang. Hehe.

Aljur Abrenica, gusto nang maging Kapamilya?

Next year ang expiration ng kontrata ni Aljur Abrenica sa kapuso station kung saan siya nanalo sa isang reality talent show para maging artista.

Hindi mabilang na tv shows at pelikula na rin ang nagawa ng hunk aktor bilang kapuso.

Pero mukhang hindi pang matagalan ang pagiging kapuso star ng aktor dahil nagpakita ito ng interes na lumipat ng ibang istasyon at sa karibal pa ng kanyang mother network, sa kapamilya station.

Kung si Lovi Poe na may Yesterday Bride sa panghapon at si Dennis Trillo ay may Temptation of Wife sa primetime ng GMA ay bulgar ang pagkakasabi na gusto maging kapamilya after ng kontrata nila, si Aljur pa kaya na wala namang kasalukuyang teleserye after matsugi ang hindi man lang na tumatagal na serye nito na Machete at Coffee Prince.

Mukhang nakaramdam ng inggit ang mga big stars ng GMA sa mga kapwa nila kapuso stars noon na sina Iza Calzado ( bida sa Kahit Puso'y Masugatan with Gabby Concepcion, Andi Eigenman at Jake Cuenca ) at Paulo Avelino ( mula sa phenomenal hit seryeng Walang Hanggan with Coco Martin, Richard Gomez, Dawn Zulueta at Julia Montes ) ng lumipat ay mas naging mahuhusay bilang mga aktor at aktres.

Oh well, goodluck kay Aljur kung makakalipat siya sa kapamilya at pakawalan ng kapuso na nagpasikat sa kanya.

Next Diamond Star: Sino nga ba kina Marian at Angelica?

Mukhang heredera bilang next to Diamond Star nalang ang wala pang nahahanap.

Mahirap yata talaga sundan ang isang Maricel Soriano, na kilala din bilang Taray Queen pero mahusay na aktress sa comedy at drama.

Pero matagal nang ipinatong kay Angelica Panganiban ang korona bilang Diamond Princess, dahil award winning actress both drama and comedy ang kontrobersyal ding aktres.

Parang naulit noon ang nangyari kina Vilma Santos at Maricel Soriano, pero lalakeng nag uugnay sa kanila ang dahilan ng kanilang alitan.

Tama. Si Claudine Barretto ( na siyang heredera ni Vilma Santos bilang Star For All Seasons ) ang isa sa mga nakaalitan noon at wala pang pagbabati sa pagitan nito at ni Angelica.

Pero biglang sikat ang pangalang Marian Rivera, pambato ng GMA sa mga teleserye nila, na nagbida sa remake movie ni Maria na "Super Inday" at kinukumapara sa diamond star ang pagiging maldita at mataray ng GMA primetime queen dito.

Akala naman ni Alfie Lorenzo, malalagpasan ni Judy Ann Santos ang apat na bituin na sina Nora, Vilma, Sharon at Maricel dahil lang sa napuno nito ang araneta, nagka album, naging box office queen at nagka award lang sa drama at comedy.

Pero sorry nalang for Juday, makuntento na lang siya bilang teleserye queen at heredera ni Nora Aunor bilang superstar pero sa teleserye lamang.

At bumalik tayo kina Angelica at Marian, parehong palaban ang dalawa. Pero mas malayo ang agwat ni Angelica bilang tunay na aktress kumpara sa kasikatan lamang ni Marian.

Yun na!

12/19/2012

Nasaan si Sid Lucero?

Isa siya sa maituturing na primetime drama prince sa abs-cbn noon.

Walang duda dahil mula siya sa angkan ng mga magagaling na artista gaya ni Cherry Gil.

Pero nasaan na nga ba ang isa sa mga magagaling na aktor ng kanyang henerasyon?

Mula ng lumipat si Sid sa kapuso network para maging leading man ni Marian Rivera sa epic seryeng Amaya at matapos na ito, parang biglang bumagsak sa pagiging one of those leading man nalang ang binigay na importansya sa aktor.

Mula primetime ay naging sa panghapon nalang ang kalibre ng isang Sid Lucero na kung hindi lumipat ay tiyak na mahihirapan ang isang Coco Martin na tumanggap ng mga best actor awards sa pang tv drama.

Ayon sa mga blind item ni Cristy Fermin ( siya ang source ng mga blind item via Bulgar at Bandera ), nahihilig daw sa kung anong masamang bisyo ang aktor at laging mabaho at walang ligo daw kung pumunta sa mga taipings nito. Hindi ko lang alam kung saan niya nakukuha ang mga blind item niya, hahaha!

Pero kung true man ang tsismis na nagkaroon sila ng short affair ni Heart Evangelista at dinamdam niya ang maagang paghihiwalay nila, baka isa nga ito sa mga bagay na talagang nagbigay ng malaking epekto para hindi na masyadong magbigay focus sa kanyang tv career ang aktor.

Sayang naman!

Karylle, type ni Jhong Hilario?

Lately ay parang mas lalong gumaganda at sume-sexy ang Divine Daughter na si Karylle.

Dahil kaya ito sa happy siya sa relasyon niya kay Yael ng bandang SpongeCola?

Unlike noon na naging regular host siya ng noontime show ng dos na Its Showtime, walang dating ang dalagang singer dahil natatabunan ng isang Anne Curtis pagdating sa ganda, karisma at kaalindugan.

Pero ang kuwento nga, how true na parang may something ang sample king na si Jhong Hilario sa anak ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla.

Kung mapapansin, palaging gusto ni Jhong maka iskor sa dalaga, pero agad naman itong puputulin sa pagpasok sa eksena ni Vice Ganda na may pelikula sa MMFF 2012, ang Sisteraka.

Aba, kung walang boyfriend si Karylle, may chance nga kaya si Jhong para dito?

Isang revelation ang boses ni Karylle dahil siya pala ang original o isa sa mga umawit ng Without You, ang movie theme song MMFF 2012 movie na One More Try, starring Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angel Locsin.


Dennis Trillo, balik kapamilya na?

Ilang taon ring namayagpag ang tv career ni Dennis Trillo sa kapuso network, pero mula ng lumipat siya mula sa kapamilya, wala na siyang natatanggap na anumang best actor recognitions unlike nung nasa Dos pa siya ay humakot siya higit sa dosenang best actor award sa isang pelikula kasama sina Judy Ann Santos at Raymart Santiago.

At kung sakaling hindi na siya pumirma ng kontrata next year sa GMA, inisnab niya ang TV5 dahil hindi daw kaya ng network na tapatan ang level niya bilang aktor. Baka lumamya ang kanyang tv career kagaya ng mga nagsilipatan na sina Wendel Ramos at iba pang GMA stars.

Mas pipiliin pa daw ni Dennis Trillo na bumalik sa kapamilya dahil naroon ang mga kabatch niya gaya ni John Lloyd Cruz ( sila talaga ni Bea Alonzo ang unang pinareha pero lumipat nga ang aktor ), na gaya niya ay award winning actor.

Kung aktingan ang pagbabasehan sa mga karibal ni Dennis sa syete gaya nina Dingdong Dantes at Richard Guttierez, mas mahusay talaga ang gumaganap na Marcel sa teleseryeng Temptation of Wife kung saan bida ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sana nga ay may balikan pa sa dos si Dennis dahil sayang ang husay nito, parang tinambakan lang siya ng mga tv shows gaya ni Sid Lucero na maganda na sana ang takbo ng tv career pero biglang naglaho ng lumipat din ito sa GMA.

Kris, after kay Claudine at Angelica, kay Anne naman!

Aminin man o hindi ni Kris Aquino, ang Queen of All Media ng Pinoy Showbiz, isa siyang mahusay na manggagamit na artista.

Naging super box office ang kauna unahang worth 200 million pesos na pelikulang SUKOB, isang horror suspence movie mula sa Star Cinema kung saan inuwi nga ni Kris ang korona sa box office katabla ang Philippines's Optimum Teleserye Queen na si Claudine Barretto noong nasa bakuran pa ito ng abs-cbn.

Sumunod naman ay naging number 2 sa MMFF 2011 box office ang pelikulang SEGUNDA MANO ni Kris kasama si Dingdong Dantes na nanalong best actor at Angelica Panganiban na siyang paborito ngayon sa drama at comedy.

At sa 2013 nga, isang teleserye ang gagawin muli ni Kris, kasama sina action super star Robin Padilla at 2011 Box office Queen Anne Curtis.

Kung mapapansin, mga sikat sa kanilang henerasyon ang nakakasama at gustong katrabaho ni Kris sa bawat proyekto na gagawin niya.

Kaya naman kahit semplang sa tunay na pag arte bilang actress, pinilit ata ng Queen of Talk ang sarili niya sa pang MMFF 2012 movie kasama sina Phenomenal Box Office Star Vice Ganda at Comedy Queen AiAi delas Alas.

Pero iba si Kris Aquino, manggamit man siya ng iba o hindi, tiyak na kikita at top rater ang anumang proyekto niya.

JM De Guzman, maagang malalaos?

True kaya ang balita na ang bida sa una at ikalawang yugto na katatapos lang ang Anghelito via abs-cbn noontime teleserye ay naging dahilan para magkaroon ng problema sa produksyon?

Dapat sa January 2013 pa ang ending ng teleserye pero mukhang hindi na yata pinagbigyan muli ng management ang aktor na bida pa mismo para ma extend ang serye dahil sa mga reklamo at sumbong na nakakarating sa nakakataas.

Hindi daw kasi kayang ibalanse ng aktor ang personal na problema at trabaho kaya nagkahalu-halo na ang stress niya sa mga pinagdadaanan.

Balita pa na gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang aktor, pero wala pa namang matibay na ebidensya ang mga blind item ni Cristy Fermin patungkol sa aktor.

Isa pa sa mga pinaniniwalaan na dahilan ng pagkawala ng gana ng aktor sa kanyang propesyon ay ang break up nila ni Jessy Mendiola.

Sayang naman ang pagkakataon na binigay kay JM na nagbida na sa mga hit teleserye gaya ng remake ng Mula sa Puso katambal si Lauren Young na napapabalitang nasa GMA na, at sa Anghelito na siya talaga ang iniikutan ng kuwento.

12/17/2012

Juday, laos na sa teleserye!

Ilang tv series na nga ba ang na shelved para sa Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.

Kung babalikan ang paghirang kay Juday bilang reyna ng tv drama, naganap ito ng umalis ng abs-cbn si Claudine Barretto, ( ang philippines optimum teleserye queen via IISA PA LAMANG ) at binuhay ang na shelved na teleseryeng HABANG MAY BUHAY, na ayon sa press ay pampalubag loob na lamang sa malamyang tv career nito.

After the wedding with Ryan Agoncillo at magka beybi, gumawa ng ilang malaking pelikula at indie movie si Juday pero hindi ito humataw sa takilya.

Shelved na rin ang serye na pagsasamahan nila ni Sam Milby at KC Concepcion na napunta nga kay Angeline Quinto ang primetime slot.

Bagsak sa pagiging tv host ang career ni Juday at naging 2nd choice na lamang sa role ni AiAi delas Alas sa pelikula nina Vic Sotto at Bong Revilla Jr sa darating na MMFF 2012.

Mukhang nawala na ang kinang ng young superstar lalo na at mas priority ng abs-cbn ang mga bagong talents nila like Katryn Bernardo at Julia Montes.

For sure makakabalik si Juday kung mabubuhay muli ang rivalry nila ni Claudine o ang pagbabalik tambalan nila ni Piolo Pascual ang makakapanumbalik ng kanyang movie at tv career as drama actress.

Kris Aquino, nagtaray! Vic Sotto, bumuwelta!

Parehong reyna at hari ng takilya sina Queen of All Media Kris Aquino at MMFF Box Office King Vic Sotto. Pero this coming MMFF 2012, muling magbabangaan ang dalawa, kahit balitang may nakaraan silang dalawa as lovers.

Hahaha.

This time, ibang level ang bangaan ng dalawang artista ng magkalabang network na Abs-Cbn at GMA.
Dahil nasa panig ni Vic sa pelikulang Si Agimat, si Enteng Kabisote at AKO sina Senador Bong Revilla Jr at Teleserye Queen Judy Ann Santos na katunggali din niya sa mga nakalipas na MMFF.

At sa panig naman ni Kris Aquino, malaking bagyo ang pagsasanib pwersa nina Comedy Queen Ai Ai delas Alas at Phenomenal Box Oofice Star Vice Ganda na first time sa nasabing movie festival.

Sinabi na ni Kris na sila ang tiyak na magna number 1 sa box office, pero sinagot ito ng "walang himala" ni Vic Sotto.

Im sure na magkakatapat talaga ang pelikula nina Vic at Kris sa takilya. Fantasy laban sa comedy.

Bong Revilla Jr., babangain si Coco Martin!

Kung sa mga fantasy movie every metro manila film festival naging hari si Senador Bong Revilla Jr., mukhang pati yata sa dramang pang telebisyon ay balak nitong maghari.

Pero mukhang mahihirapan ang bida ng Indio, bagong 2013 serye ng GMA dahil nariyan ang mga top rater sa primetime tv series na sina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes.

Kung super exposure ang GMA sa serye nilang INDIO for next year ( part 2 daw ito ng AMAYA ni primetime queen Marian Rivera ), hindi naman magpapahuli ang TV5 at Abs-Cbn.

After ng Enchanted Garden ni TV5 Princess Alex Gonzaga, si Derek Ramsay naman ang magbibida sa fantasy series ng TV5 sa pamagat na KIDLAT.

At ang bagong prinsipe ng teleserye na si Coco Martin, gaganap na super hero sa serye nitong JUAN DELA CRUZ kasama ang Philippine Sweetheart na si Erich Gonzales.

Magawa nga kayang ungusan ni Bong Revilla Jr sa karera sa tv series ang isang Coco Martin na siyang pinakasikat among leading man's today.

Magandang pagsalubong ang gagawin ng tatlong network dahil sa pagsasabong nang 3 nilang panglabang artista sa primetime series.

Juday Out! Angeline IN!

Kahit hindi lantarang sabihin ng mga taga Abs-Cbn na shelved na ang 2013 project ni Teleserye Queen Judy Ann Santos, ito ay sigurado ng hindi mapapanood next year. Apektado tiyak dito si Mega Daughter KC Concepcion na kasama sana sa teleserye, dahil naging kawalan din ang pagtanggi nito sa hit movie na A Secret Affair na pinagbidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Andi Eigenman na pumalit sa role niya.

Pero isa itong pagbubunyi para sa mga fans naman ni Star Power Angeline Quinto. Dahil siya ang next leading lady ni Sam Milby sa primetime tv series ng dos. Shelved man ang proyekto ni Sam kay Juday, napalitan naman agad ito.

Balita pang jackpot si John Lapus sa pagbabalik kapamilya niya dahil makakasama sa serye ang gwapong aktor na si Paulo Avelino mula sa hit teleserye na Walang Hanggan kasama sina Coco Martin at Julia Montes.

Kung medyo light box office ang unang movie ni Angeline Quinto with Coco Martin this 2012, baka bumawi naman siya sa teleserye at mas magkaroon ng chance na maging box office queen sa movie next year dahil sa tv exposure with Sam Milby.

12/14/2012

Angel at Angelica sa MMFF 2012

Kung mahuhusay na leading lady sa drama, sa kapamilya network mo sila matatagpuan.

Ika nga, nabuhay ang isang Lorna Tolentino sa katauhan ni Angel Locsin.
At sa katauhan naman ni Angelica Panganiban si Dina Bonnevie.

Ebidensya nga dito ang mga produkto nilang sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto na sinasabing sunod sa yapak nina Nora Aunor at Vilma Santos, mga alamat ng Pinoy Drama Movies.

No doubt na ang isang Angelica Panganiban dahil versatile actress nga ito. Sa comedy o drama. Award winning talaga ang kontrobersyal na aktres.

Swerte naman ang paglipat ni Angel Locsin dahil mas nahasa ang acting powers nito. Hindi lang kasikatan ang gusto ng dalaga kaya lumipat ng istasyon kundi magka award din bilang aktres.

At natupad naman ito sa kanyang paglipat dahil naging matured actress talaga siya unlike Marian Rivera na super sikat nga sa GMA ay kulelat pa rin sa mga best actress trophies sa dami na ng tv drama at pelikulang ginawa nito ng magkapangalan dahil sa paglipat nga ni Angel.

At sa pagtatapat nina Angelica at Angel sa MMFF movie nila na One More Try, sino ang mananaig sa mga manonood? Kung bibitawan lang sana ni Nora Aunor ang titulo, tiyak ang dalawang aktres na pambato ng kapamilya network ang magsasalpukan sa pagka best actress.

Malay natin, magka himala. Hahaha.

Sino ang PHENOMENAL kina Nora, Juday at Vice?

Pilit na binabawi kay Vice Ganda ang titulong Phenomenal Star dahil mas nababagay daw ito sa nag iisang Superstar ng Pinoy Showbiz na si Nora Aunor.

Kung tutuusin nga naman, wala pang social networking at pahirapan pa ang mga pag promote ng mga tv, movie at mall shows sa panahon ni Nora pero naging hit ang pangalan nito at talagang nakilala sa buong Pilipinas at saan man may Pinoy sa mundo dahil sa husay nitong artista at mang aawit ng kanyang panahon.

Dumating ang panahon ng soap opera, telenovela hanggang sa teleserye at ang pangalang Judy Ann Santos ang isa sa mga naging paboritong panoorin sa bawat tv drama noong panahon na yun. Nakilala at nagkapangalan man sa pelikula, tv commercials at saan man ay mas naging tahanan ni Juday ang drama sa telebisyon.

At sa bagong henerasyon kung saan uso ang social networking, isang kapatid sa lgbt na si Vice Ganda ang isa sa mga nakoronahan na mabenta sa lahat ng uri ng tao dahil sa kakaibang talino sa pagbibiro nito na naging dahilan para hawakan niya ang korona sa Pinoy Movie Box Office History bilang 300+ worth million pesos box office star.

Ika nga, kung si Kris Aquino ay nakuntento na lamang sa pagiging supernova o Queen of All Media na korona, hindi naman ito naging fair sa mga fans nina Nora, Juday at Vice.

Kahit na sabihin pang pinakasikat si Nora sa karibal nitong si Vilma Santos, si Juday ang nakoronahang reyna ng tv drama laban sa karibal nitong si Claudine Barretto, sa ngayon ay nag iisa pa lamang si Vice Ganda sa kanyang titulo.

Opo. PHENOMENAL box office star ang ibinigay sa kanya at hindi Box Office King.

12/09/2012

El Presidente at Supremo, magkatapat!

Aasahan na next year na ang dalawang historical movie nina ER Ejercito at Alfred Vargas ang maghahakot ng mga awards next year sa mga award giving bodies.

Puno ng kontrobersya ang talambuhay ng dalawang bayani sa usaping kabayanihan ng mga ito.

Gaganapan ni ER Ejercito ang buhay ng dating presidente na si Emilio Aguinaldo sa El Presidente para sa MMFF2012 at si Andres Bonifacio naman ang papapelan ni Alfred Vargas na kapapalabas lamang na Supremo nitong kakatapos lamang na Bonifacio Day.

Isyu na pang MMFF 2012 sana ang Supremo pero nag back out ang produksyon dahil nga sa pang indie cathegory ito ihehelera.

Parehong pulitiko ang dalawang aktor at hindi maiwasang hindi ikumpara sila sa isat isa lalo na sa kanilang mga pelikula na may kaugnayan.

Kaya next year, tiyak na ang dalawang pelikula na ito ang magkakabanggan sa mga awards.

Vice Ganda, tatapatan ni Willie ng hindi umubra si Bossing Vic!

Ilang beses na bang naungusan ng Its Showtime, noontime show ng Abs-Cbn ang long running noontime show na Eat Bulaga kung saan host ang hari ng komedya na si Vic Sotto.

Hindi man consistent na number 1 sa rating ay patunay lamang na mas maraming pinoy ang nakasubaybay sa Its Showtime dahil pinagsama sama sina Vhong Navarro, Anne Curtis at Vice Ganda na kahit ulanin ng intriga sa mga jokes nito on national tv ay naroon pa rin ito na magpasaya ng mga manonood.

At sa darating na MMFF2012, magkakasagupaan ang Sisteraka ni Phenomenal Box Office Star Vice Ganda at Bossing Vic Sotto sa Si Agimat, Si Enteng at AKO.

Pero ang mas aabangan ng mga televiewers ay ang pagbabalik sa noontime slot ni Willie Revillame via Wow Wow Willie na katunog lamang ng Wowowee. At papagitnaan siya ng dalawang higanteng game show ng bansa.

Magkakaiba naman ang tema ng tatlong tv show pwera sa pagbibigay ng mga papremyo, the more the merrier ika nga.

Magawa nga kayang ungusan ni Willie ang show ni Bossing Vic? O matabla ang entertainment ng show ni Vice Ganda?

12/06/2012

Nora Aunor, ilalampaso sina Angel, Cristine at Angelica!

Ano pa nga ba ang aasahan ng tatlo sa pinakamahuhusay sa kanilang henerasyon na artistang sina Angel Locsin, Cristine Reyes at Angelica Panganiban sa darating na awards night ng MMFF 2012?

 for One More Try
 for One More Try

 for El Presdidente

Eh di hindi na sila aasa na makuha ang pagka best actress sa movies festival dahil for sure na hawak na ito ng Superstar na si Nora Aunor dahil na rin sa mga exposure ng THY WOMB nito na humahakot ng awards abroad kabilang na nga ang titulong best actress.



Pero kung hindi nakasama ang movie ni Ate Guy, for sure na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban ang magbabangaan. Sayang nga lang at hindi na ito mangyayari. Himala nalang kung hindi ito ibigay sa Superstar at ibalato sa mga bagong drama actress.

Luv U ng Dos, babanggain ng TV5 at GMA7.

Wala na ngang aatras sa pagitan ng Teen Gen sa GMA7 at Forever Barkada ng TV5 na hindi tapatan ang award winning na comic youth oriented show ng Abs-Cbn na kapapanalo lamang sa PMPC Star Awards for TV na LUV U.



Pauusuhin muli ng GMA7 ang ginawa nitong puro kilig moments ng mga teenager noon sa TGIS. Remake kung baga ito ng show dati nina Angelu De Leon at Bobby Andrews.



Ganun din ang TV5, hindi ganun ka click ang tv adoption nila ng movie na Bagets kung saan nagbida sina Aga Muhlach at Herbert Bautista kaya naman umaasa pa rin sila sa bago nilang pang bagets na tv show na Forever Barkada. Abangan nalang kung alin sa tatlong pang bagets na show ang tyak na tatangkilikin ng mga manonood na bagets.

Willie Revillame sa Tanghali Ulit?

Dahil sa mga pahiwatig ng Multi Millionaire host na si Willie Revillame ng Wiltime Bigtime sa malaking pagbabago ng show nito next year ( Wow Wow Willie? ), ay muli na namang mabubuhay ang tapatan nila ng mga Eat Bulaga hosts na sina Senator Tito Sotto o mas kilala bilang Copy Cat King, Joey De Leon at Bossing Vic Sotto na bagong hari ng komedya ng pinoy showbiz.



Syempre, dahil maugong ang balita na sa tanghali na ang bagong timeslot ng show ng milyunaryong host, nagdiwang naman ang mga bida sa kasunod na show sa primetime.

Isa na nga dito si Paolo Bediones na may primetime tv news show na laging late ng nai-ere dahil sa palaging overtime ng nakakabagot ng gameshow ni Willie. Kung hindi dahil sa ginagawa niyang pananakam sa mga kababayan natin sa "instant money" ng show niya, hindi naman ito talaga magandang gameshow ever. Unlike sa Eat Bulaga na hindi basta-basta gagawing mukhang pera ang mga tagapanood nito. May entertainment ika nga.

Hindi naman nababahala sina Phenomenal Box Office Star Vice Ganda, Philippine Sweetheart Anne Curtis, International Pop artist Billy Crawford, Kim Atienza at Dancing Comedy Prince Vhong Navarro ng Its Showtime sa muling paghilera sa oras ng bagong gameshow ng tv5. Atleast mas maraming bagets ang televiewers ng Its Showtime.

Goodluck sa pagbabalik tanghali ni Willie, tutal sa ganung oras naman nag boom ang career niya bilang tv host at dapat tumanaw siya ng utang na loob simula sa Sang Linggo nAPO na sila, MTB at Wowowee ng Abs-Cbn.

Korte, pabor kina Claudine at Raymart.

Lumabas na kamakailan lang ang resulta ng imbestigasyon ng korte tungkol di umano sa pagbabanta ng magkakapatid na Tulfo na sina Ben, Raffy at Erwin sa mag asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago on national tv sa programa nilang T3 ( ma suspinde ) sa TV5 na pagmamay ari ng super exposure na business tycoon na si Manny V. Pangilinan.



Ang pinagmulan ng pagbabanta ng tatlong beteranong investigative tv journalist ay ang ginawang pambubugbog di umano ng grupo nina Raymart sa nakakatandang Tulfo na si Ramon Tulfo.



At itong si Mon Tulfo, mula ng maganap ang insidente, nag guest pa sa Gandang Gabi Vice, for exposure? Dumami bigla ang tv guestings at tv exposure ng lolo mo.

At dahil pakiramdam nga ni Ramon Tulfo na dahil daw sa impluwensya ng Barretto at Santiago sa lipunan, mabagal daw ang desisyon ng korte sa kasong isinampa niya sa mga ito. Pero hindi yata tama na magbanta muli ang matandang Tulfo sa column nito sa tabloid na Bandera na ipapahamak ang mag asawa sa mga kilala nitong Heneral ng pulisya o sa mga katropa nitong nagkalat sa kanto na di umano ay natulungan niya sa kanyang serbisyong pantao. Ano yun? Bakit may ganun Ginoong Tulfo? Nang dahil sa pagka bitter mo sa kaso, gagawa ka nalang ng maruming paraan? Wala ka na yatang pinagkaiba sa mga tinutuligsa mo na umaapi kamo sa mga maliliit na tao sa lipunan.



Sana hindi puro hangin ng kayabangan ang nasa utak ng mga Tulfo brothers. Sayang ang tv career nila. Actually, si Erwin lang ang kilala ko sa kanila sa mukha noon pa man nung nasa Abs-Cbn pa ito naghahari.

Piolo Pascual, Hot pa rin sa 2013!

Sa kabila ng mga makahulugang pagsagot ni mega daughter Kc Concepcion sa mga tanong sa paghihiwalay nila noon ni Piolo Pascual ay marami ng pagbabagong naganap sa mga career nila.

Nabigyan ng bagong reality singing tv contest bilang host si Kc sa Star Factor Philippines at balitang kasama sa bagong teleserye ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Tinanggihan ng actress at host ang box office film na A Secret Affair kung saan ang Heires of Drama na si Andi Eigenman ang pumalit sa kanyang role.



Si Piolo Pascual naman ay nagpatuloy bilang leading man sa natapos na teleseryeng Dahil sa Pag Ibig kasama sina Cristine Reyes, Jericho Rosales at Christopher De Leon via Abs-Cbn primetime. Nakasama din siya sa Star Magic movie na 24/7 Inlove. Sa 2013 ay muling magbibida ang aktor sa isang teleserye na may pamagat na Apoy sa Dagat at gagawa ng isang action movie drama kasama si Gerald Anderson.

Kung nalalagas man ang mga endorsment ng Ultimate Hearthrob, hindi dahil sa nalalaos ito at naaapektuhan ng mga negative news sa pagkato niya kundi dahil sa expiration ng mga kontrata at hindi na muling pag renew ng both side.

Malakas pa rin sa masa ang isang Piolo Pascual at mananatili pa rin siyang artista na hinahangaan ng lahat sa kabila ng mga pagkabitter ng iba.

12/01/2012

Sen. Bong Revilla, masyadong Kumpiyansa!


Malamang na mag number 1 in a while ang movie ng senador sa MMFF 2012 kasama sina Bossing Vic Sotto at Teleserye Queen Judy Ann Santos pero hindi ito magna number 1 for sure till last.



Yung pinagmamalaki niyang PANDAY before ay naungusan sa totoong kita interms of true box office ng I LOVE YOU GOODBYE na bida ang kontrobersyal na si Angelica Panganiban.

Aminin man o hindi, lugi ang kinita ng PANDAY sa dami ng maghahating film outfit dito compare sa movie ng Star Cinema na walang effort sa mga special effects sa movie nila.



Huwag siya masyado bilib sa movie niya dahil pangbata nga ito pero syempre mas maraming adult ang gusto ay hindi pang batang presyo ang panonoorin nila sa pinaghirapan nilang bonus na matatanggap.

Tiyak ko na ang Sisteraka nina Comedy Queen AiAi Delas Alas, Phenomenal Box Office Star Vice Ganda at Queen of All Media Kris Aquino ang magiging contender sa pagiging #1 this coming MMFF 2012.

Cristy Fermin BITTER kay Julia Montes?

Bakit nga ba laging binibida ni Cristy Fermin sa kanyang mga sinusulat ang paninirang blind item niya sa sikat na sikat ngayon na si Julia Montes?


 May dahilan ba para gawin ito ng dating Queen ng Talk ng Abs Cbn?
O baka naman kasi dahil hindi natural na masayahin ang mukha ni Julia Montes kaya laging nasasabing isnabera at nakasimangot ang batang aktres.


Kung sinu-sino pang mga multo ang ginagamit ng manunulat para patunayan daw ang pangba blind item niya.
Sabagay, nakilala si Cristy Fermin bilang Libelo Queen, Blind Item Queen at Papansin Queen. Hahaha.


 Bakit hindi niya nalang pansinin yung pagka laocean deep niya mula ng lumipat siya sa tv5. Wala naman nagtatagal na show kung saan naroon siya.


At dahil updated ako sa tv career niya, para lang may maramdaman siyang pagkaawa din sa sarili niya, natsugi na pala ang JUICY, Star to Real Confession at itong bago niyang show kasama sina Tsang Amay, Fu at Cong. Torres, for sure, isa ito sa mga manganganib sa bagong taon. Hahaha.


Kailangan na rin siguro tanggapin ni Cristy Fermin na hindi na niya muling maaagaw ang pagiging Queen of Talk kay Queen of All Media Kris Aquino na inaaway away at bida rin sa mga sinusulat niyang blind item.


Sana umingay ang tv career ng lola mo sa pangba blind item niya. Hahaha.

11/29/2012

Si Bea Alonzo nalang ang Alas!

Nasaan na nga ba ang mga mukha ng teleserye na sina Judy Ann Santos, Kristine Hermosa at Claudine Barretto?

 Kung mapapansin mo, puro sina Kim Chiu at Marian Rivera nalang ang nakikita sa mga teleserye ng magkalabang istasyon. Minsan ay sasahugan nina Anne Curtis at Angel Locsin.

 Pero hindi talaga ganun kahibang ang mga pinoy viewers unlike before na talagang tumatak sa isipan nila ang bawat eksena ni Juday na inaapi at si Claudine na palaban sa mga kontrabida nila.



 Mabuti na lamang at may Bea Alonzo na hindi nakakasawang panoorin bukod sa maganda ang mukha ay may husay talaga sa pagdadrama.

 Siya na nga ang humalili sa koronang iniwan ni Claudine Barretto sa Star Magic at kasalukuyang paborito sa primetime. O mas kilala na primetime drama princess.

 Pero sabi nga, iba pa rin daw talaga ang mga classic. Sana nga sa mga susunod pang teleserye ng dos, muling magkakasunod ang mga primetime tv series nina Juday, Kristine at Claudine.

Dyamante ni Maria, kayang pakinangin ng ABS-CBN!

Kung si Gretchen Barretto ay nakabalik tru MAGKARIBAL ( mas big hit sana kung sila ng kapatid niyang si Claudine ang bida ) at nanalo pa ng 2 times best actress sa PMPC for tv, at si Dawn Zulueta sa mga phenomenal teleserye gaya nang remake ng "Mula Sa Puso" at katatapos lang na "Walang Hanggan" nang dahil sa tulong ng STAR NETWORK ang abs-cbn, ang lumamya pa kayang kinang ng dyamante ni Maricel Soriano?



 Hindi na dapat pagdudahan ang kapasidad ng mga taong nasa likod ng istasyon dahil kahit ang mga naglipatang sina Cristine Reyes, Jake Cuenca at Paulo Avelino ay biglang humusay sa craft nila at nagkapangalan kumpara sa dati nilang istasyon na pangsuporta ang role at mga bano pa umarte.

 Kaya sa muling pagbabalik teleserye ni Maria sa dos, tiyak na boom na boom muli ang career nito lalo pa at siya naman talaga ang original na primetime drama queen (followed by Juday and Claudine) ng abs-cbn mula noong 90's hanggang 20's.

 Welcome back sa iyong kaharian Diamond Star!

Claudine; Namimiss na ng mga manonood!

Sa kabila ng mga kontrobersya at isyu na kinasangkutan ng Optimum Star, hindi pa rin nawawala ang pag asam ng mga sumubaybay sa career nito na mapanood muli na nagdadrama sa mga teleserye at pelikula.

 Sila lamang ni Juday na kanyang karibal sa pagrereyna sa teleserye ang gustong mapanood ng mga may taste sa tunay na kalibre ng isang teleserye mula pa noong Ezperanza at Mula sa Puso. Sila kasi ang makabagong Nora at Vilma na pang telebisyon.



 Ilang beses na napabalita na gagawa ng isang horror drama movie ang aktress pero hanggang ngayon, wala namang updates. At kailan lang ay napabalitang plano ng VIVA ni Boss Vic del Rosaurio na isang mala "secret affair" ang tema na gusto nila sa pagbabalik pelikula ng dating reyna ng Abs-Cbn sa kanilang primetime. Balita na makakasama pa ng 2times Famas actress sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

 Sana nga ay matuloy kahit sa pelikula para naman muling maipakita ng pang limang BITUIN (superstar, star for all seasons, mega star, diamond star at siya ang optimum star) ng Philippine Showbiz ang husay nito sa pag arte.

NORA AUNOR; Humahataw na naman!

Trulaley! Sa kanyang pagbabalik ay parang uhaw at gutom makatanggap ng mga bagong awards at recognitions ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula nitong Thy Womb.



Kung baga ay hindi pa rin busog ang reyna noon sa mga ganung pagkilala. Hanggang ngayon ay reyna pa rin sa pagtanggap ng best actress titles sa ibat ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa.



At tiyak na sa susunod na taon ay muling mabubuhay ang rivalry nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa pagiging best actress dahil sa pelikula nila nitong taong 2012.

"Juday, pang 2nd Choice nalang!"

Teleserye Queen tagasalo ng para sa Comedy Queen?


Parang first time in Judy Ann Santos movie career history na maging 2nd choice para sa isang proyekto.
Ang title pala dapat ng movie ay "Si Agimat, Si Enteng Kabisote at ang Tanging Ina" pero hindi nagmaterialized kaya AKO nalang isiningit ng hindi na si AiAi delas Alas ang leading lady sa pang MMFF 2012 movie nina Bossing Vic Sotto at Senador Bong Revilla nag tandem na rin sa isang MMFF movie.

 Pero syempre, kulang ang MMFF festival kung wala ang Comedy Queen na pang entry. Napasali siya sa movie ng dalawa pang box office stars na sina Queen of All Media Kris Aquino at Phenomenal Star Vice Ganda in Sisteraka na comedy naman ang genre. Tiyak na magiging maganda ang labanan ng dalawang higanteng movie na kinabibilangan ng pinagsanib pwersa ng mga hari at reyna ng takilya.

11/17/2012

Silver ni Regine Velasquez, Sinalo ni Lani Misalucha

How true na isang malaking pagkadismaya ang natanggap ng mga manonood sa naganap na major concert ng Asia's Song Bird na si Regine Velasquez kagabi sa malaking tanghalan sa Mall of Asia. Isang malaking insulto yata ito sa professionalism ng isa sa pinakasikat na mang aawit sa Asya.



Hindi naman siguro ito ang dramang sinasabi ng kilalang singer at ng mga press release na tiyak na iiyakan ng mga manonood ng concertm actually napaiyak pala sila sa sobrang panghihinayang kahit na sabihin pang babawi sa free concert niya ang maybahay ni Ogie Alcasid.

Sa intro palang ay pinakitaan na ng hindi talaga maganda ang simula ng konsyerto.
Nang dahil sa sipon lamang ay hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni ate Reg ang pagbirit dahil alam niyang pipiyok na siya.



Mabuti na lamang at naroon si Asia's Nightingale Lani Misalucha na sumalo kahit papaano sa oras na nasayang sa mga naghintay na mga manonood.

11/11/2012

Claudine Barretto, Derek Ramsay & Cristine Reyes in One movie

Claudine Barretto, Derek Ramsay & Cristine Reyes in one movie?
Plano nga nang VIVA Entertainment na gawan ng isang movie project ang tatlo sa susunod na taon.
Dahil nga nauuso ang mga pelikula tungkol sa mga 'other woman', 'mistress' o kerida ay naging big decision ng film outfit na pagsamahin ang tatlong malalaking artista ng kani-kanilang henerasyon.



Napatunayan ni Claudine Barretto na isa siya sa maituturing na reyna ng mga linya mula sa teleseryeng "Iisa Pa Lamang" noong nasa abs-cbn pa siya. Isa din siya sa mga naka eksena ng diamond star na si Maricel Soriano sa pelikulang "Soltera" at ni Anne Curtis sa "In Your Eyes". Kung baga, dati pa nakagawa na ng mga pelikula ang optimum star tungkol sa mga pangangaliwa at pangangabit ng mga karakter. Kung mapapansin ay ilan sina Jericho Rosales at Diether Ocampo sa "Nasaan Ka Man" at Aga Muhlach At John Lloyd Cruz sa "Dubai" ang mga karakter na nag agawan din sa isang babae. Yun nga lang, mas naging big deal ang mga pelikula ng pangangaliwa ngayon dahil sa may mga kasamang matataray, matitindi at nakakagimbal na mga linyang patama ng legal sa kabit.



Isa na si Cristine Reyes sa maituturing na pinakasikat dahil sa pelikulang "No Other Woman" kasama ang kapwa box office queen nitong si Anne Curtis. Kung makakagawa siya muli ng temang ka secret affair, mas bagay talaga sa kanya ang maging kerida ang role.



Siya na ang maituturing na leading man ng mga kabit. Dalawang beses nang tinatak sa pangalan ni Derek Ramsay iyun mula sa kanyang pelikulang "No Other Woman" at "A Secret Affair". Balita na sana siya ang sumalo sa role ni Sam Milby sa "The Mistress" kung saan kapareha si Bea Alonzo na napunta naman kay John Lloyd Cruz kaya gumawa ng halos parehong tema ang VIVA at ito nga ay ang  katatapos na movie niya kina Anne Curtis at Andi Eigenman.

10/07/2012

Anne, Maja and Angel for Best Actress 2011

No Doubt na sa tatlong Prinsesa ng ABS-CBN mapupunta ang mga major awards for best actress ng mga kilalang body award sa bansa.

Nakuha ng lead star na si Maja Salvador sa movie 2011 na  "THELMA" ang Best Actress sa Gawad Urian 2011 at FAP/Luna Award 2011. At muling masisilayan ang husay sa pagganap ng aktres sa bago nitong primetime tv series sa dos na "Ina Kapatid Anak" kasama ang Primetime Princess na si Kim Chiu.





No Other Woman but Anne Curtis, the box Office Queen 2011 ang isa sa mapapalad na aktres na nabigyan ng isang kilalang best actress award mula sa FAMAS 2011 at sa Gawad Pasado 2011. At muling magniningning ang pangalan ng aktres sa primetime tv series ng dos na may pamagat na " Kaylangan Ko'y Ikaw " kasama ang Queen Of All Media na si Kris Aquino, Pinoy Movie Action Super Star Robin Padilla at ang award winning child star na si Xyril Manabat.



Sinong mag aakala na sasayawan ng best actress award ang isang Angel Locsin mula sa kanyang pelikulang " In The Name of Love ". Nasungkit ng Lobo, Imortal at Darna lead star ang 28th PMPC Star Awards for Movies Movie Actress of the Year, 14th Gawad PASADO Pinakapasadong Aktres kapantay si Anne Curtis43rd Box-Office Entertainment Awards Film Actress of the Year, 2nd Yahoo OMG! Awards Movie Actress of the Year. At balita sa apat na sulok ng pinoy showbiz na gaganap itong " Elsa ", na dating lead role ng super star na si Nora Aunor sa " Himala " na dating pelikula na gagawing teleserye sa primetime ng dos.



-------------------------------------

10/05/2012

Philppines Top's Leading Man of 2012

No doubt na siya pa rin ang itinuturing ng ultimate leading man sa kanyang henerasyon. After ng so-so box office romantic comedy movie niyang Every Breath You Take with Angelica Panganiban ( Famas best supporting actress 2011 ) ay sa produced film sequel niyang "kimi dora" na pinagbibidahan ng Award Winning Comedian na si Eugene Domingo bumawi sa box office bilang producer ang actor. At after nga nga hit niyang teleserye na nagtapos ang Dahil Sa Pag Ibig kasama ang hari ng drama na si Christopher De Leon, muling bibida sa 2013 entilted Apoy Sa Dagat ang aktor. At muling masisilayan din ang actor sa 20th Anniversary movie ng star magic kasama ang kanyang mga kapwa malalaking bituin sa bakuran ng dos.



Piolo Pascual

Siya ang itinuturing na Hari ng Pinoy Teleserye, Hari ng Pinoy Movie at Hari ng Takilya ng kanyang henerasyon. Ilang beses na itong napatunayan ng aktor at kahit sinong makapareha ay talagang nagmarka ang kanyang karakter at hindi matatawarang pagpupuri sa kanyang angking husay at galing. Mula sa teleseryeng Imortal at pelikulang Unofficially Yours kasama ang isa sa pinakasikat na aktres na si Angel Locsin, muling binasag ng aktor ang katahimikan ng takilya sa pelikulang The Mistress kasama ang kanyang 10 years on screen partner na si Bea Alonzo at muli silang magsasama sa isang bagong teleserye, ang A Beautiful Affair this 2012.



John Lloyd Cruz

Siya ang Pinoy Indie Prince at ang bagong Pinoy Teleserye Prince ng kanyang henerasyon. At bilang Aktor ng Dekada ay napatunayan ng aktor na ito na isa siya sa mga itinuturing na pinaka importanteng aktor sa panahon ngayon ng kanyang mother network. Mula sa kanyang mga award winning teleserye, pelikula ( isa dito ay ang Born To Love You kasama ang Star Power Diva na si Angeline Quinto ) at independent films ( Sta. Ana ) ay tunay na hindi maitatatwa ang husay ng baguhang aktor.



Coco Martin

Universal Leading Man. Napatunayan ito sa hit na pelikulang No Other Woman kasama sina Cristine Reyes at Anne Curtis na parehong box office queen 2011 ng dating kapamilya hunk actor. At muling kinabog ang box office kasama ang sikat na si Vice Ganda sa Private Benjamin. At bilang kapatid hunk actor na, muli kayang maging box office king ang aktor sa pelikulang A Secret Affair kasama muli ang Famas Bes Actress 2011 na si Anne Curtis at ang Heires of Drama na si Andi Eigenman. At soon ay magbibida sa kanyang teleserye na Kidlat at magho host sa kanyang Amazing Race ang hunk actor.



Derek Ramsey



"Ako Budoy" mula sa hit teleserye na Budoy ang nakilalang tag line ng PBB graduate at Action Drama Prince ng Pinoy Teleserye na si Gerald Anderson. Ang gwapong aktor ay nakilala dahil sa pagkakaroon ng relasyon at pagkaka linked sa magkatapat na sikat na bituin ngayon na sina Pop Star Princess Sarah Geronimo at Tween Drama Queen Kim Chiu. Pero pinatunayan ng aktor na kaya niyang dalhin ang sariling pangalan sa kasikatan ng hindi umaasa sa mga sikat na nakapareha niya.


Gerald Anderson

Isa siya sa maituturing na indemand leading man ng kanyang henerasyon gawa ng pareho niyang pinagbibidahan ang dalawang hit drama teleserye sa dos ngayong 2012. Ito ay ang noontime drama na "kung ako'y iiwan mo" katambal ang noontime drama princess na si Shaina Magdayao at " puso ma'y masugatan " sa primetime kapareha ang bagong kapamilya star na si Iza Calzado. At sa kanyang kakaibang pag-ganap sa pelikulang "in the name of love" noong 2011 kasama sina Angel Locsin at Aga Muhlach.

  Jake Cuenca
 
Incomparable. Iyan ang maitatawag sa award winning actor at matinee idol na aktor. Hindi yata lingid sa mga nakasabayan niya gaya ni Richard Gomez na tinuturing na Philippines Adonis ng Pinoy Movie, na napanatili ng aktor ang kanyang pagiging "leading man" sa mga pelikula kasama ang ilang mga sikat at batang aktres na nagsimula kay Optimum Star Claudine Barretto, Primetime Goddess Kristine Hermosa, Famas Best Supporting Actress 2011 Angelica Panganiban, Famas Best Actress 2011 Anne Curtis at ang huli nga ay si Primetime Super Star Angel Locsin. At kahit hindi man gumawa ng teleserye ang aktor sa ngayon, ay hindi maikakaila na sikat pa rin ang crush ng bayan sa kanyang mga pelikula..

Aga Muhlach


--------------------------