2/25/2012

STAR MAGIC SUPER STARS : Claudine, Kristine, Bea and Kim.



Since 1992 pa nabuo ang institution nang "star magic" na talent armed ng dos. At sa loob ng mahabang panahon na dumadaan, maraming mga artista o pangalan ang nakikilala dahil sa kaharian ni Johnny Manahan. At sa dami ng mga naglalaban para sumunod sa mga yapak ng mga "reyna" ng industriya sa pag-aartrista, masasabi ko na apat na pangalan pa lamang sa kasalukuyan ang nakilala sa bakuran ng dos hanggang sa labas ng kaharian ni Mr. M.


Claudine Barretto.

ang reyna ng Philippine Primetime Drama o TV Drama Queen.
isa sa mga institusyon ng Pinoy Soap Opera.
reyna sa takilya nang Pelikulang Pilipino.


Kristine Hermosa.

ang may pikamagandang mukha ng Philippine Primetime..








 

Bea Alonso.

ang prinsesa at heredera ng Philippine Primetime Drama.









Kim Chiu.

ang prinsesa at bagong mukha ng Philippine Primetime.
isa sa mga may pinakamaraming "fans club" sa buong bansa.










Ika nga, tanging silang apat na henerasyon ng Philippine Primetime Drama Series ang pwedeng itapat sa mga kasalukuyang kilala at sikat na mga pangalan din sa industriya. sila ay hinubog ng Star Magic at kumawala sa bakuran ng dos upang makipagsabayan sa mga kakumpitensya nila sa ibang kaharian, bakuran o istasyon.


Kung dati ay may Sharon Cuneta ang Viva Films ay may Maricel Soriano naman ang Regal Films.

Mayroong Super Star Nora Aunor na tinapatan ng Star For All Season Vilma Santos hanggang ngayon.

Judy Ann Santos kay Alfie Lorenzo at may Claudine Barretto si Johnny Manahan.


So far, only "four names" palang ang masasabing pwedeng ipagmalaki ng dos na artistang naging mga prinsesa at reyna nila.


at aabangan na lamang ng mga susunod na henerasyon ang pagkakataon nila na mapabilang sa mga pangalan mula sa "star magic" na super star sa telebisyon at pelikulang pilipino.


( sayang nga lamang at nawala sa listahan sina Jolina Magdangal at Heart Evangelista na bet for stardom din ng dos noon. hanggang ngayon ay nagbibida pa rin ang dalawang sikat na aktres sa ibang istasyon. )
( hindi rin na-push ang career nina Kaye Abad, Jodi Sta.Maria, Paula Peralejo at Desiree Del Valle, na sinasabing heredera sana nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ng teleserye ika nga ni Queen of All Media Kris Aquino. )



No comments:

Post a Comment