Nang lisanin ng unang hinirang na teleserye queen na si Claudine Barretto o " Philippines Optimum Teleserye Queen " ng ABS-CBN President Charo Santos-Concio, hindi na tumigil yata ang medya na makuha ang lahat ng detalye sa ginagawang defense mechanism ng dos para hindi maapektuhan sa pagkawala ng nag iisa pa lamang na talent nila na masasabing de kalibreng aktress na kayang ilaban sa mga pangalang Nora Aunor at Vilma Santos sa larangan ng pag arte in terms of awards. Biglang binuhay ang nasa kumunoy na teleserye ni Judy Ann Santos at pinasa dito ang korona bilang " Soap Opera Queen " at " Mukha ng Pinoy Soap Opera ".
Syempre, umingay sa buong sulok ng industriya ng mga artista ang bagong pagpatong ng korona sa alaga ni Alfie Lorenzo na gigil na gigil palagi sa mga banat nito sa mga sulatin nito sa pahayagan laban nga sa "optimum star" na ito ay paborito ng dos kumpara sa karibal nitong si Juday. At pati ang Queen of All Media na si Kris Aquino talagang sinabi pang " nag iisang teleserye queen " upang lalong umingay at masuportahana ang paghirang kay Juday na alam ng lahat sa entertaiment press na malapit ito kay Claudine.
At nanalo si Alfie Lorenzo kay Johnny Manahan na dating manager ni Claudine na dating "reyna ng Star Magic" na ngayon ay pinasa naman kay Bea Alonso, na balitang paborito ni Claudine at pinagpilitan na ito lamang ang "prinsesa" ng dos mula ng lumipat ang "primetime goddess" na si angel Locsin. Naki-eksena pa si Angelika Panganiban na " primetime gem " naman ng dos ng gumawa ito ng mga balita laban sa "optimum teleserye queen" na sa ending ng kuwento ay tahimik at ayaw panindigan ang mga matatapang na paninira nito. Syempre kampi si Mr. M sa bagong paboritong alaga niya na panakip butas lamang sa nararamdamang panghihinayang sa pagkawala ng "tunay niyang paborito".
At ang bwelta ng dos, sa paglisan ng "iisa pa lamang" na reyna nila, tinapatan ang unang episode ng " CLAUDINE " weekend series ng kapatid ng bida dito na si Gretchen Barretto na balitang makakasama sana ni Claudine sa isang soap ng dos na binigay kay Bea kung hindi ito nag-transfer ng network. Syempre nayanig naman ang kampo ng " primetime queen " na si Marian Rivera na nangungunang artista ng syete ng dito nga tumapak si Claudine.
Then sunod-sunod na ang mga korona na binibigyan ng dos sa mga talents nito. May " primetime princess " kay Kim Chiu, may " empress of drama " kay Empress Schuck at " heiress of drama " kay Andi Eigenman.
Nariyan din ang mga kritiko ni Claudine sa press gaya ni Cristy Fermin na halatang "plastikada" at wala nang alam kundi ang manira ng pangalan ng mga artistang naging mabuti sa kanya at magagandang komento at panulat lamang ang ginagawa kapag kinikilala siya. Si Cristy Fermin ang dating "reyna" ng mga Showbiz Talk Shows ng dos na napalitan ni Queen of Talk Kris Aquino na malapit kay Claudine. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ganun din ang mga hindi magagandang panulat nang manunulat kay Claudine.
Very dissapontment talaga ang move na ginawa ni Claudine sa GMA 7 kahit tinawag pa siyang " TV Drama Queen " , kasi wala naman silang naibigay na pwedeng masabing sa kanila nagmula ang pangalan na yun sa mga tv series ni Claudine. Yung " CLAUDINE " lang ang drama anthology ang masasabing maganda kahit poor sa ratings.
Panalo rin ang comeback movie ni Claudine na " In Your Eyes " kasama ang " primetime goddess " na si Anne Curtis at ang banong umarte na " primetime super hero " ng syete na si Richard Gutierrez.
At kapag natuloy ang wish ni Direk Wenn Deramas na nakasama ni Claudine noon sa mga teleserye na nagpasikat sa kanya : sa Viva Films na pagsamahin sa isang drama movie sina Drama Prince John Llloyd Cruz at Claudine Barretto, isa itong malaking pagbabalik muli ng Drama Queen sa pelikula ngayong taon.
May nillulutong bagong primetime series ang syete sa pagbabalik ni Claudine sa primetime, at sana ay matuloy na ito, hindi kagaya noong unang taon ni Claudine sa syete ay puro "press release" lamang ang alam sabihin ng istasyon.
At etong 2011 matatapos na ang kontrata ni Claudine sa syete, at nag open ng door ang dos sa pamamagitan ng pag feature muli nila kay Claudine sa Star Studio na pagmamay-ari ng dos.
Mukhang magagamit na ni Claudine ang linya niya sa " Iisa Pa Lamang " na huling nagawa niyang teleserye sa dos bago siya nag fly kapag bumalik siya sa kanyang kaharian.
" Tumabi-tabi ka na diyan! Magbabalik na ang TUNAY NA REYNA! "
PAK!!! Sino kaya ang tatamaan. Hahahaha!
No comments:
Post a Comment