2/28/2012

its Jaya againts Jessa Zaragoza in 90's

during 90's, hit ang mga tagalog songs like "bakit pa" at "dahil nga ba sa kanya".
at hindi maitatanggi na during that time ay powerful ang mga tila malalaking boses sa pagbirit.
at during that time, ang pangalang JAYA at JESSA ZARAGOZA
ang nagre-reyna sa lahat ng istasyon ng radio, pag awit sa telebisyon at pagbenta ng mga hit songs nila.
lahat ay nakaka-relate ika nga.


"Soul Diva" and "The Asia's Queen of Soul" 


"Madonna of the Philippines" and "Phenomenal Diva"

-tweet me @akosichardee-

2/25/2012

Philippines Showbiz 90's "big four"


Angelu De Leon
the Lucky Star, Viva Princess and Movie Princess of the 90s


Jolina Magdangal
Pop Icon, Pinoy Barbie of the '90s


Judy Ann Santos
Young Superstar and Queen of Philippine Soap Opera and Teleserye


Claudine Barretto
Philippine TV Drama Queen and Optimum Star

Dos, hindi maka-move kay Claudine!


Nang lisanin ng unang hinirang na teleserye queen na si Claudine Barretto o " Philippines Optimum Teleserye Queen " ng ABS-CBN President Charo Santos-Concio, hindi na tumigil yata ang medya na makuha ang lahat ng detalye sa ginagawang defense mechanism ng dos para hindi maapektuhan sa pagkawala ng nag iisa pa lamang na talent nila na masasabing de kalibreng aktress na kayang ilaban sa mga pangalang Nora Aunor at Vilma Santos sa larangan ng pag arte in terms of awards. Biglang binuhay ang nasa kumunoy na teleserye ni Judy Ann Santos at pinasa dito ang korona bilang " Soap Opera Queen " at " Mukha ng Pinoy Soap Opera ". 


Syempre, umingay sa buong sulok ng industriya ng mga artista ang bagong pagpatong ng korona sa alaga ni Alfie Lorenzo na gigil na gigil palagi sa mga banat nito sa mga sulatin nito sa pahayagan laban nga sa "optimum star" na ito ay paborito ng dos kumpara sa karibal nitong si Juday. At pati ang Queen of All Media na si Kris Aquino talagang sinabi pang " nag iisang teleserye queen " upang lalong umingay at masuportahana ang paghirang kay Juday na alam ng lahat sa entertaiment press na malapit ito kay Claudine.


At nanalo si Alfie Lorenzo kay Johnny Manahan na dating manager ni Claudine na dating "reyna ng Star Magic" na ngayon ay pinasa naman kay Bea Alonso, na balitang paborito ni Claudine at pinagpilitan na ito lamang ang "prinsesa" ng dos mula ng lumipat ang "primetime goddess" na si angel Locsin. Naki-eksena pa si Angelika Panganiban na " primetime gem " naman ng dos ng gumawa ito ng mga balita laban sa "optimum teleserye queen" na sa ending ng kuwento ay tahimik at ayaw panindigan ang mga matatapang na paninira nito. Syempre kampi si Mr. M sa bagong paboritong alaga niya na panakip butas lamang sa nararamdamang panghihinayang sa pagkawala ng "tunay niyang paborito".


At ang bwelta ng dos, sa paglisan ng "iisa pa lamang" na reyna nila, tinapatan ang  unang episode ng " CLAUDINE " weekend series ng kapatid ng bida dito na si Gretchen Barretto na balitang makakasama sana ni Claudine sa isang soap ng dos na binigay kay Bea kung hindi ito nag-transfer ng network. Syempre nayanig naman ang kampo ng " primetime queen " na si Marian Rivera na nangungunang artista ng syete ng dito nga tumapak si Claudine.


Then sunod-sunod na ang mga korona na binibigyan ng dos sa mga talents nito. May " primetime princess " kay Kim Chiu, may " empress of drama " kay Empress Schuck at " heiress of drama " kay Andi Eigenman.


Nariyan din ang mga kritiko ni Claudine sa press gaya ni Cristy Fermin na halatang "plastikada" at wala nang alam kundi ang manira ng pangalan ng mga artistang naging mabuti sa kanya at magagandang komento at panulat lamang  ang ginagawa kapag kinikilala siya. Si Cristy Fermin ang dating "reyna" ng mga Showbiz Talk Shows ng dos na napalitan ni Queen of Talk Kris Aquino na malapit kay Claudine. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit ganun din ang mga hindi magagandang panulat nang manunulat kay Claudine.


Very dissapontment talaga ang move na ginawa ni Claudine sa GMA 7 kahit tinawag pa siyang " TV Drama Queen " , kasi wala naman silang naibigay na pwedeng masabing sa kanila nagmula ang pangalan na yun sa mga tv series ni Claudine. Yung " CLAUDINE " lang ang drama anthology ang masasabing maganda kahit poor sa ratings.


Panalo rin ang comeback movie ni Claudine na " In Your Eyes " kasama ang " primetime goddess " na si Anne Curtis at ang banong umarte na " primetime super hero " ng syete na si Richard Gutierrez.

At kapag natuloy ang wish ni Direk Wenn Deramas na nakasama ni Claudine noon sa mga teleserye na nagpasikat sa kanya : sa Viva Films na pagsamahin sa isang drama movie sina Drama Prince John Llloyd Cruz at Claudine Barretto, isa itong malaking pagbabalik muli ng Drama Queen sa pelikula ngayong taon.


May nillulutong bagong primetime series ang syete sa pagbabalik ni Claudine sa primetime, at sana ay matuloy na ito, hindi kagaya noong unang taon ni Claudine sa syete ay puro "press release" lamang ang alam sabihin ng istasyon.

At etong 2011 matatapos na ang kontrata ni Claudine sa syete, at nag open ng door ang dos sa pamamagitan ng pag feature muli nila kay Claudine sa Star Studio na pagmamay-ari ng dos.

Mukhang magagamit na ni Claudine ang linya niya sa " Iisa Pa Lamang " na huling nagawa niyang teleserye sa dos bago siya nag fly kapag bumalik siya sa kanyang kaharian.

" Tumabi-tabi ka na diyan! Magbabalik na ang TUNAY NA REYNA! "


PAK!!! Sino kaya ang tatamaan. Hahahaha!

Cold War? : Angel to Bea and Heart to Marian!


Thursday, June 23, 2011

Cold War? : Angel to Bea and Heart to Marian!

Malapit nang pagsamahin ang dalawang naglalaban bilang "primetime queen" ng dos na sina Angel Locsin at Bea Alonso. Balita nga ay gagawin nila ang 2nd movie version ng MAALAALA MO KAYA na dating pinagbidahan nina Chin Chin Gutierrez at AikoMelendez. Bago pa man pagsamahin ang dalawang ito, mukhang magkakatotoo ang linya ng dating Drama Queen ng Dos na si Claudine Barretto na dapat kay Bea Alonso mapunta ang korona bilang "prinsesa ng drama" ng dos dahil kung hindi, magwawagi ang "primetime goddess" na si Angel Locsin.


Pang promo nga lang ba ang tarayang "primetime socialite" Heart Evangelista at "primetime queen" Marian Rivera? May movie kasi sila tilted "temptation island" na remake din. Mukhang nagiging true ang balita na unprofessional at nagiging tabingi ang career ni Heart  kapag may "dyowa" siya. Bakit kasi hindi nalang sila ang pagsabungin ng syete para may rivalry sa istasyon nila. PALENGKERA LABAN SA SOSYALERA. Sila ang talagang magka-level sa popularidad ng primetime ng syete.  Pero mas angat sa galing sa pag arte si Heart dahil sa may best actress award na ito. Panalo naman sa usapang ratings ang mga tv series ni Marian kumpara dito.


Alam nyo ba ang history ng apat na ito? Si Heart talaga ang itinapat ng dos kay Angel sa syete. Nag exchange ng talent ang dalawang istasyon. Sinalo ni Marian ang korona ni Angel sa syete. May rivalry naman noon sina Bea at Heart sa bakuran ng dos at ginawan pa sila ng isyung dedmahan. Pero syempre mas panalo ang beauty at acting wise ni Angel sa tatlo. Natalo ni Angel si Bea sa salpukan ng mga movie nila. Si Bea ngayon ang reyna ng Star Magic at reigning primetime queen ng dos.

Hindi na nahabol ni Heart ang popularidad ni Angel kahit sa mga tv commercials. At kahit si Marian ang reigning queen ng syete, hindi pa rin naiiwasan na sabihing 2nd rate lang din siya sa tronong iniwan ni Angel.

( parang Claudine na iniwan ang kaharian at sinalo ni Judy Ann. PAK! ).

Philippine TV Primetime Goddess








STAR MAGIC SUPER STARS : Claudine, Kristine, Bea and Kim.



Since 1992 pa nabuo ang institution nang "star magic" na talent armed ng dos. At sa loob ng mahabang panahon na dumadaan, maraming mga artista o pangalan ang nakikilala dahil sa kaharian ni Johnny Manahan. At sa dami ng mga naglalaban para sumunod sa mga yapak ng mga "reyna" ng industriya sa pag-aartrista, masasabi ko na apat na pangalan pa lamang sa kasalukuyan ang nakilala sa bakuran ng dos hanggang sa labas ng kaharian ni Mr. M.


Claudine Barretto.

ang reyna ng Philippine Primetime Drama o TV Drama Queen.
isa sa mga institusyon ng Pinoy Soap Opera.
reyna sa takilya nang Pelikulang Pilipino.


Kristine Hermosa.

ang may pikamagandang mukha ng Philippine Primetime..








 

Bea Alonso.

ang prinsesa at heredera ng Philippine Primetime Drama.









Kim Chiu.

ang prinsesa at bagong mukha ng Philippine Primetime.
isa sa mga may pinakamaraming "fans club" sa buong bansa.










Ika nga, tanging silang apat na henerasyon ng Philippine Primetime Drama Series ang pwedeng itapat sa mga kasalukuyang kilala at sikat na mga pangalan din sa industriya. sila ay hinubog ng Star Magic at kumawala sa bakuran ng dos upang makipagsabayan sa mga kakumpitensya nila sa ibang kaharian, bakuran o istasyon.


Kung dati ay may Sharon Cuneta ang Viva Films ay may Maricel Soriano naman ang Regal Films.

Mayroong Super Star Nora Aunor na tinapatan ng Star For All Season Vilma Santos hanggang ngayon.

Judy Ann Santos kay Alfie Lorenzo at may Claudine Barretto si Johnny Manahan.


So far, only "four names" palang ang masasabing pwedeng ipagmalaki ng dos na artistang naging mga prinsesa at reyna nila.


at aabangan na lamang ng mga susunod na henerasyon ang pagkakataon nila na mapabilang sa mga pangalan mula sa "star magic" na super star sa telebisyon at pelikulang pilipino.


( sayang nga lamang at nawala sa listahan sina Jolina Magdangal at Heart Evangelista na bet for stardom din ng dos noon. hanggang ngayon ay nagbibida pa rin ang dalawang sikat na aktres sa ibang istasyon. )
( hindi rin na-push ang career nina Kaye Abad, Jodi Sta.Maria, Paula Peralejo at Desiree Del Valle, na sinasabing heredera sana nina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ng teleserye ika nga ni Queen of All Media Kris Aquino. )



Mukhang nakahanap na nga ng mga heredera ang VIVA ni Vic Del Rosario.

From Mega Star Sharon Cuneta to Pop Star Sarah Geronimo in terms of  talent :

-Magaling kumanta at mahusay umarte.
-Parehong reyna ng box office sa pelikula.
-Parehong reyna sa concerts at commercials.
-At parehong reyna sa kanilang mga tv shows.

From Nanette Medved to Anne Curtis in terms of popularity :

-Ang mga dyosa ng kanilang henerasyon.
-Ang mga hot leading ladies ng kanilang bawat pelikula.
-Ang mga half pinay na talagang nag-marka sa showbiz industry.

From Dawn Zulueta to Cristine Reyes in terms of acting power :

-De-kalibreng aktress nang kanilang panahon.
-Bida sa mga mada-dramang pelikula at sa telebisyon.


Pansin nyo ba? Si Sharon ay may Richard Gomez before na naging boyfriend ni Dawn Zulueta. Si Sarah ay may balitang naging boyfriend si Rayver Cruz na ngayon ay karelasyon ni Cristine. Si Nanette ay isang sosyal na half pinay leading lady at si Anne ay isang sosyal na half pinay leading lady sa kanyang henerasyon.

Hindi naman sa lahat ng bagay ay magiging magkapareho ang kanilang mga buhay. Nagkataon lang na mukhang may pagkakatulad ang mga career path nila. At patunay na talagang nakita na ng mga taga VIVA Entertaiment ang mga heredera nila.









-------------------



ABS-CBN with their new Sharon & Claudine!!!


Dahil sa paglipat ng nag iisang mega star na si Sharon Cuneta sa fast rising tv network, ang TV5 ayplano na nila itong palitan agad sa trono nito.

True na walang ibang pwedeng pumalit dito ay ang sunod sa yapak nitong si Sarah Geronimo na kilala bilalang Philippines Pop Star.

Ang dating dalawang dekada ni Mega Star sa kapamilya network bilang reyna ng isang variety talk/musical show ay tuluyan na ngang naglaho dahil sa pansamantalang pag upo sa timeslot dito ng tinagurian namang ALL TIME BOX OFFICE King so far na si Vice Ganda.

At dahil limang taon naman na magre-reyna si ate Shawie sa kapatid network ayon sa kontrata nito ay tuluyan namang ipapasa ng kapamilya network ang iniwan nitong korona sa bagong super star ng kanyang henerasyon na si Sarah nga.

Halos pareho ang konsepto lamang ng primetime show ni Sarah sa dating show ni Mega sa dos. Ito na nga ba ang simula ng bagong rebolusyon o pagpapasa ng korona sa pagitan ng dalawa?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagsimula na nga ang pinakabagong soap opera ng dos na "WALANG HANGGAN" na ang akala ng lahat ay konsepto ng dating teleserye ng Optimum Teleserye Queen ng dos noon na nasa kapamilya pa ang aktres, ang SA DULO NG WALANG HANGGAN.

Balita rin na si Julia Montes ang bagong bini-build up na pang primetime na leading lady ng mga teleserye sa dos.

Ang batang aktres din ang sinasabing Claudine in the making ng dos.

 Magawa nga kaya nitong matapatan man lang o malagpasan ang nagawang pagre-reyna ng isang Claudine sa mundo ng teleserye?

NO Teleserye yet for Teleserye Queens?



Nasaan na nga ba ang mga original primetime queens na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto?

Nasa magkaibang network na nga sila pero parang hindi na sila masyadong nabibigyan ng pansin sa mga pang gabing programang palabas ng kapamilya at kapuso network.

Tuluyan na nga bang naglaho ang rivalry ng dalawang orihinal na teleserye prime stars ng mahigit isang dekadang namayagpag sa mundo ng telebisyon?

Ang akala ng lahat na sa paglipat ng Optimum Star na si Claudine Barretto sa kapuso network ay mabubuhay na muli ang rivalry nila ng Primetime Super Star na si Judy Ann Santos.

Marami na ang nasasabik na sila ay muling makita sa mga heavy drama ng primetime tv series.

Isang inaapi ( Juday ) at isang palaban ( Claudine ).

At kahit sino pa ang umusbong na bagong pangalan sa mundo ng teleserye, walang pwedeng tumapat sa dalawang reyna na inabangan at tinangkilik ng mga Pilipino ng kanilang henerasyon.

Sana buhayin ang walang kupas na pamamayagpag na rivalry sa teleserye ng dalawang aktres na ito.

Kumpirmado naman na sila ang makabagong Nora at Vilma ng kanilang henerasyon.

Sharon get insecure to Kris?

Sa tuwing mapag uusapan ang mga projects ni Mega Star Sharon sa kapatid network ay hindi maiiwasang hindi ito ikumapara sa mga proyekto ni Queen of All Media Kris Aquino sa kapamilya network.

Noong una ay naging usap-usapan na ang dahilan ng paglipat ni Shawie ay hindi daw ito natuwa sa treatment ng dating network sa pagitan nila ni Krissy na parehong talent naman sila.

Lagi nitong sagot sa mga interview na ang dahilan ng paglipat nito ay dahil mas nabigyan siya ng tamang respeto ng kapatid network mula sa napapaloob ng kontrata nito.

Pero ayon sa pag aanalisa, hindi nagkakalayo ang mga haka-hakia ng mga press sa paligid nila. Una dahil mas mataas daw ang TF ni Kris kay Shawie.

2nd mas mabenta ang mga album at magazine ni Kris sa merkado kumpara kay Shawie na nilalangaw muna bago maging mabenta sa pagdaan ng ilang buwan. Kung tutuusin hindi naman si Kris ang kumakanta sa mga album nitong platinum talaga in a short time.

Mula sa movie, commercials at tv series ay di hamak na angat talaga si Kris kay Shawie.

At ngayon ng na nasa kapatid network na si Shawie, isang daily show, soap opera/sitcom at weekly show ang inilatag sa kanya ng kumpanya ng kamag anak ng asawa niya. TRUE. Unkel ni Sen. Pangilinan si MVP.

At ito nga ang simula ng tunay na rivalry ng dalawang malaking aktres sa telebisyon. Maiangat nga kaya ni Sharon muli ang sarili mula sa pagiging 2nd rate sa rivalry nila ni Kris noon na nasa kapamilya network pa siya?

Napatunayan na muli ni Kris na she can be a box office star again in her last movie "segunda mano". Top rater din ang daily show nitong KRISTV. At nalalapit na muli ang bagong teleserye nito sa dos with primetime goddess Anne Curtis.

At sa muling pagbabalik telebisyon ng nag iisang Mega Star, muli nga kaya nitong matapatan o mahigitan pa ang Queen of All Media?