11/13/2013

Julia Barretto, bubuwagin ang KathNiel tandem!

Sa nalalapit na pagpapakilala bilang bagong primetime princess ng kapamilya, marami na ang nangangamba sa kapasidad ni Julia Barretto na maungusan ang mga naunang prinsesa sa kanya ng kapamilya network, na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Hindi lingid sa mga manonood ng telebisyon at pelikula at saan mang sulok ng pinoy showbiz ang impluwensya na dala ng apelyedong Barretto, bukod sa kontrobersya, ay kinikilala bilang pinagmulan ng may magagandang mukha sa showbiz na sina Gretchen, Marjorie at Claudine.



Hindi rin lingid sa lahat ng mga nakasaksi sa career ng tatlong naunang Barretto ang mga naiambag nila sa mundo ng pinoy showbiz, lalo na ang pinakabunso nila na si Claudine Barretto na dating reyna sa primetime soap opera ng kapamilya network at naging box office queen ng mga classic films ng star cinema.

At sa balitang pagpasok nga ni Julia Barretto sa mundo ng pinoy showbiz, marami ang nagsasabi na siya ang magiging dahilan ng pagbuwag ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga susunod na mga tv shows at pinoy movies.

Banta ito sa kasikatan na tinatamasa ni Kathryn habang kapareho sa Daniel Padilla, dahil posibleng makatambal din ni Julia Barretto ang nasabing Teen King ng henerasyon ngayon sa pinoy showbiz.

Kung maaalala ng ilan, si Kathryn Bernardo ang tinatawag na bagong Judy Ann Santos sa bakuran ng dos at si Julia Barretto ang sinasabing susunod sa yapak ng kanyang tita Claudine Barretto para gumawa ng sarili nitong pangalan sa primetime ng dos.

Hindi maiiwasan na pagkumaparahin ang dalawang batang aktres dahil na rin sa mga fans na sumusunod sa mga career nila.

11/04/2013

LaGreta, sikat sa paninira!

Mukhang hindi pa nga tapos si LaGreta sa kanyang mga paghihiganti sa pamilya Barretto.

Tuloy ang mga pasabog ng 'beautiful girl" ng Philippine showbiz laban sa kanyang pamilya, partikular sa kanyang mga magulang.

Marami itong rebelasyon na talaga namang pinagpipiyestahan ng mga tagasunod sa bawat detalye niya tungkol sa kanyang pamilya.

Hindi pa ito nakuntento sa pagsira sa pangalan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto, target naman nito ngayon ang kanyang ina na si Inday Barretto.

Kinalkal talaga ni LaGreta ang mga nakaraan na pwedeng ilaban niya sa kanyang mga tinuturing na kaaway sa buhay.

Hindi baq naisip ni LaGreta na sa bawat pagpatol niya sa kanyang mga bashers, pangalan niya rin ang nasisira?

Sabagay, noon pa man ay sirang-sira na siya at nalinis lamang ito ng sumikat ang kanyang kapatid sa mundo ng pelikula at teleserye.

Totoo man o hindi ang mga binabato sa kanya, kagaya ng scam sa pagbigay ng award noon, panlalalaki habang karelasyon ang isang Cojuanco, photo kiss scandal sa isang aktor, pagwawala sa isang restaurant dahil hindi gumana ang kanyang credit card at pagbabalik showbiz dahil wala ni singko siyang makukuha sa kinabitan niyang negosyante, patunay lamang na hindi nga naging maganda at magiging maganda ang buhay ni LaGreta kung patuloy siyang magiging masama sa kanyang mga magulang.

Ika nga, hindi gaganda ang buhay kung hindi ka mabuti sa iyong mga magulang.

Bea Alonzo, bagong MOVIE QUEEN

Mukhang ang drama princess ng kapamilya network na si Bea Alonzo ang bagong paboritong leading lady sa mga higanteng pelikula ng star cinema.

Kaya naman hindi naman siguro mamasamain ng mga kasabayan niya na siya ang tanghaling bagong Queen of Philippine Movies ng kaqnyang henerasyon.

Kahit sabihin pang si Sarah G. ang may pinakamalaking kinita sa pelikula ngayong taon ay walang duda naman na si Bea A. ang may magkakasunod na pelikulang tumabo sa takilya.

Hindi rin naman pwedeng ipilit na sina Angel Locsin at Anne Curtis ang magmay ari ng titulo dahil kung ikukumpara ang mga last movie nila sa movies ni Bea A., wala nang dapat pang ipagkumpara.

----------------

Sa balitang magiging kapamilya na ang nakilala sa bakuran ng kapuso network na si Richard Guttierez, isa si Bea Alonzo sa papalarin o vice versa na makakapareha nito.

Mukhang may hatak rin ang dalawa, dahil napatunayan naman ito ng star cinema kay DingDong Dantes na nakasama ni Bea A. sa pelikulang She's the One.

At kung sakali, magbabalik din ang dating tambalan nina Angel Locsin at Richard Guttierez.

Toni G., naungusan na naman si Sarah G.

Mukhang shelved na nga ang weekly drama anthology ng pop star princess na si Sarah Geronimo, ang Sarah G. Presents sa abs-cbn na kapalit sana ng kanyang nawala na rin sa ere na musical tv show.

Naging isa sa mga mentor ng The Voice of the Philippines si Sarah kasama sina Bamboo, Lea Salonga at Apl de Ap, pero hindi pinalad ang kanyang manok na naging kalaban niya rin noon sa isang tv singing contest, 10 years ago.



At ang malaking intriga nga ay bukod sa hindi siya ang naging tv host ng The Voice of the Philippines ay naagawan na naman di umano siya ng tv sitcom ng ultimate multimedia na si Toni Gonzaga, at naging host ng nasabing katatapos lamang na The Voice.

Matagal ng kinukumpara ang dalawang multimedia stars, mula sa mga pelikula na halos pareho ang kanilang forte, lamang nga lang ng ilang puntos si Toni G. sa pagiging natural nito sa mga karakter.

Si movie drama king John Lloyd Cruz ang makakapareha ni Toni G. sa nasabing sitcom na may pamagat na Home Swettie Home, na balitang kay Sarah G. unang inalok.

Walang regular tv show si Sarah G. bukod sa mga guestings nito sa ASAP ng kapamilya network, kung saan naman ay si Angeline Quinto ang tinuturing na bagong prinsesa ng musical tv show.

---