8/23/2013

Regine at Jaya, waley kay ZsaZsa Padilla!

Sa bawat episode every sundays ng ASAP18, ang musical variety show ng kapamilya network ay madalas napapanood at napapansin ng mga manonood ang VIP treatment sa divine diva na si Zsa Zsa Padilla, mula sa lagi itong huli sa mga magpe-perform at pang reyna talaga ang mga costumes nito sa introduction ng nasabing noontime show every sundays.



Kaya naman hindi naman mapipigilan ng ilang mga manonood at tagahanga ng nasabing tv shows na ikumpara ang level ni Zsa Zsa sa dalawang reyna din sa kantahan sa kapuso network.

Ilang musical tv shows every sundays na ang sabay na pinag-reynahan nina songbird Regine Velasquez at soul queen Jaya sa kapuso network pero waley pa rin ito sa tv ratings kahit ilang reformat na ang ginawa, kaya ang ending ay parang naging pang thats entertainment nalang ang show at naging judge nalang si Jaya, samantalang si Regine ay naging cooking show host nalang.


8/16/2013

Juday at Marian, parehong kulang sa pansin?

Mukhang parehong agaw exposure sa media ang dalawang reyna ng kapamilya at kapuso network dahil sa mga natapos nilang kontrata at pagpaparamdam sa mga mother network nila sa mga ginagawa nilang eksena na kesyo may balak na nga nilang lumipat ng ibang istasyon at kung anu-ano pang isyu para lang mapag usapan sila at habulin ng kanilang mga network.



Magkaiba man sila ng estado dahil mas senior nga si Judy Ann Santos at kilala bilang Queen of Pinoy Soap Opera at Primetime Queen naman ang titulo ni Marian Rivera, ay hindi naman magkaiba ang gimik ng parehong kampo sa ginagawa nilang pagdedesisyon kung saang istasyon nga ba sila tutungo after ng contract expiration ng mga career nila sa mga ito.

Balik GMA7 pa rin si Marian after nito pumirma muli ng kontrata at wala pang balita kung tuloy-tuloy na ba ang pananatili ni Juday sa istasyong nagpasikat sa kanya ng 20years.

Angel, Bea at Toni, tuloy ang sapawan!

After ng successful movie nilang Four Sisters and a Wedding ay tuloy muli ang banggaan ng tatlong movie box office leading ladies ng kapamilya network.

Balitang may pelikulang gagawin si Angel Locsin kasama si Vhong Navarro. Magtatambal naman sa kauna-unahang pagkakataon sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. At sa muling paggawa ni Dingdong Dantes ng pelikula sa ilalim ng star cinema ay makakatambal naman niya dito si Bea Alonzo.

Marami ang nakapansin sa tagisan sa pag-arte at agawan ng mga eksena sa nakaraang pelikula nila ang tatlong box office leading ladies, at muli itong magpapatuloy sa kanya-kanya nilang mga pelikula sa kapamilya network.



Nauna nang na-isyu sina Toni at Bea, dahil napunta nga kay Bea sina Robin Padilla ( Gun & Roses na teleserye ) at Vic Sotto ( Pak Pak My Dr. Kwak movie ) na parehong naunang napabalitang makakasama sana ni Toni sa mga pelikula.

Naging magkaribal din sa kanilang kasikatan sina Bea at Angel noong nasa kapuso network pa ang huli. Matatandaang pinagkumpara ang mga pelikula nila.

Naungusan pareho ni Bea sa takila sina Toni at Angel sa mga pelikula nila noong nakaraang taon kaya naigawad kay Bea Alonzo ang box office queen title 2012.

Angel-Anne, ang bagong Juday-Claudine rivalry?!?

Marami ang nakakapansin na mukhang hindi na nga maiiwasan nina Angel Locsin at Anne Curtis ang isat-isa dahil mga ginagawa nilang mga proyekto sa kapamilya network na halos magkakatulad at magkasunod lamang na naipapalabas sa telebisyon.

Pinagsama ang dalawa sa noontime show na Its Showtime kung saan ay main host si Anne at guest host si Angel, lalo na kung wala nga si Anne sa nasabing noontime show ay si Angel ang nagiging kapalit niya.



Napapabalitang may pelikulang gagawin si Angel kasama si Vhong Navaro under star cinema at lumabas na rin ang balitang may balik tambalan sina Anne at Sam Milby under viva at star cinema itong taon.

Hindi lang sa pelikula at tv shows pinagkukumpara ang dalawa, pati sa mga tvc nila ay talagang nag-aagawan sila ng eksena sa mga manonood.

Sila na nga ba ang bagong Juday-Claudine sa kapamilya network?

8/13/2013

Serye ni Julia Barretto, shelved!

Paulo Avelino, inagawan ni JC de Vera.

Sa paglipat ni JC de Vera sa kapamilya network ay mabilis nitong inagaw ang atensyon ng mga kapamilya viewers sa angkin nitong kagwapuhan at kaseksihan.

Pero ang mas naging agaw eksena nito sa pagpasok sa kapamilya network ay ang balitang pagkuha nito sa role na sana ay kay Paulo Avelino kung saan magbibida sa isang teleserye si Angel Locsin sa primetime nang nasabing network.

Serye ni Julia Barretto, shelved!

Hindi na matutuloy ang sanang launching teleserye ni Julia Barretto gawa ng may masabing racism issues ang mga matatalinong manonood.

Papalitan na lamang ito ng isang bagong serye pero wala pang kumpirmasyon sa nasabing istayon kung kailan ito ipapalabas.

Julia Montes, secured na sa titulo!

Sa pag ere ng kanyang Muling Buksan ang Puso na teleserye sa primetime ng kapamilya network, iginawad na agad ang titulo bilang teleserye sweetheart sa sikat na batang aktress.

Empress Schuck, taob kay Andi Eigenman!

Mukhang naungusan ng heir of drama Andi Eigenman ang kasabayan nito sa titulong si empress of drama Empress Schuck sa pagkakaroon ng sarili nitong entilted name na teleserye, ang Galema, na isang fantaserye na ipapalabas soon sa kapamilya network at naging pelikula noon.



Kabilang man sa cast ng seryeng Huwag Kalang Mawawala ng pinoy soap opera queen Judy Ann Santos ay hindi nabigyan ng magandang exposure si Empress at malapit na rin itong mawala sa ere.

Juday, takot ma-flop ang teleserye sa dos!

August 13, 2013 - Marami ang nagsasabing matutulad sa mga nauna niyang teleserye na Habang May Buhay at Ysabella ang Huwag Kang Mawawala kung hindi na ito tsutsugiin sa primetime slot sa kapamilya network.

Aminado ang pinoy soap opera queen Judy Ann Santos na hindi malayong maging katulad nga sa mga huli niyang serye ang mangyari sa teleserye niyang HKM kung pahahabain pa ang istorya nito.

Ang 13weeks na itatagal ng kuwento ay magiging 12weeks nalang, dahil na rin sa kahilingan niya na tapusin na ito habang nagre-rate pa.

Pero base sa obserbasyon ay noong July 14, 2013 pa natapos ang kontrata niya sa kapamilya network, at balitang makikipaga meeting siya sa karibal na istasyon ng kanyang mother network.

Pinabulaanan naman ito ng kanyang kampo, sa katunayan ay bago matapos ang buwan ng August ay pipirma mula ng kontrata ang prime drama actress sa kapamilya network.

Hindi naman daw masama ang loob ni Juday sa isyu na kaya aalisin na sa ere ang kanyang maikling serye ( sa kasaysayan ng pagbida niya sa teleserye ) dahil sa pagpasok ng Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.




Kathryn Bernardo, patatalsikin na si Juday

Dahil siya na nga ang pinaka-mabentang young star sa henerasyon ngayon, at isinusunod sa yapak ni pinoy soap opera queen Judy Ann Santos, hindi naging madali ang mga isyung ibinabato sa Teen Drama Queen na si Kathryn Bernardo na tawaging mang-aagaw ng korona sa nauna sa kanya.

Pero itinanggi ni Kathryn na may kinalaman siya sa desisyon ng abs-cbn managemanet sa pagpasok ng kanilang serye ni Daniel Padilla sa primetime slot at alisin na ang Huwag Kalang Mawawala ni Juday.

Hindi rin naman magtatagal ay sa kanya ipapasa ang korona kung sakaling magtagal siya sa industriya at sa kapamilya network.

Claudine-Piolo sa "Eternally" movie

August 13, 2013 - Nabalita sa TV PATROL ang muling pagbabalik tambalan sa pelikula nina ultimate heartthrob Piolo Pascual at Optimum Teleserye Queen Claudine Barretto.

Ito ang matagal ng napapabalitang ETERNALLY movie ni Claudine under viva films at automatikong co-produce ng star cinema ng abs-cbn.


Hihintayin nalang ang mga free schedule ng dalawang prime actors na huling nagsama sa pelikulang Milan at teleseryeng Walang Kapalit sa abs-cbn.

Uunahin pa kasi ni Piolo ang pelikula kay ultimate multimedia star Toni Gonzaga at Iza Calzado.

Mukhang mauunahan pa ni Claudine ang pinoy soap opera queen na si Judy Ann Santos na makatambal ang dati rin nitong ka-loveteam sa pelikula sa ilalim ng star cinema.

---------------

Tom Rodriguez, mas feel ang bakla kesa tomboy!

Sa paglipat ni Tom Rodriguez mula kapamilya network to kapuso network ay mas nabigyan siya ng pansin sa kanyang role bilang Vincent na isang discreet gay guy sa teleserye ng kapuso network sa primetime na My Husband's Lover.


Sa Be Careful w/my Heart ng kapamilya network ay supporting role lamang ang napunta sa kanya pero kung mapapansin ay may love interest siya kay Aiza Seguerra na isang lesbian na ina ng kanyang anak.

Pero mukhang mas gusto ni Tom ang kapwa lalake ( Dennis Trillo na gumaganap na kanyang lover sa serye ) kesa sa isang nagpapakalalake na babae.

8/06/2013

Huwag Ka Lang Mawawala, tsugi agad-agad?

Mukhang hindi nakatulong ang titulo ni Judy Ann Santos bilang soap opera queen para mapatagal man lang ang kanyang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa primetime slot ng kapamilya network.



Hindi rin nakatulong ang parang minor role ng empress of drama na si Empress Schuk sa nasabing serye, hindi rin nahila sa mas matagal pang pagpapalabas nito sa tambalan nila ni Joseph Marco.

Wala ring nagawa ang exposure ni Amalia Fuentes na kilala pa naman bilang movie queen noong panahon niya.

At kahit sa pagpasok ni Gretchen Barretto ay tuluyan na ngang hindi nakatulong para ma-extend pa ito.

Hindi naman siguro ito isisisi kay KC Concepcion na may isyung "jinx" sa mga hindi kumikitang proyekto ng kapamilya network.

Maganda naman ang takbo ng kuwento, mabilis ika nga ang mga pangyayari, nakatulong para mas abangan ng mga manonood, pero yun nga lang, mukhang hindi na panahon ni Juday para maging reyna ng primetime slot, dahil mas nagtagal pa nga sa ere ang serye ng ilang batang kapamilya stars, na kung tutuusin ay wala naman talagang maibubuga sa reyna ng soap opera.

May isyu na magtatapos na kasi ang kontrata ni Juday sa kapamilya at balitang naghihintay na lamang ito matapos para lumipat at makipagkita kay MVP ang may ari ng tv5.

Yun na!

8/02/2013

Gretchen Barretto, ginamit si Claudine!

Mukhang wala na yatang pagkakataon si La Greta na magbida sa isang teleserye ng kapamilya network sa primetime slot after ng phenomenal hit na Magkaribal.


Dahil after nga ng Magkaribal ay naging major support nalang ang role niya sa Princess and I na pinagbidahan ng kapamilya Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Pagkatapos ay naging guest character na lamang sa Juan Dela Cruz ang Primetime drama King na si Coco Martin.

At after nga ng kanayang pinagmamalaking Cinemalaya indie film na Diplomat Hotel, ay isiningit na lamang siya sa Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos na kilala bilang Pinoy Soap Opera Queen.

Sa totoo lang ay umingay ang Magkaribal na serye na sana ay pagsasamahan ni La Greta at ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto na Optimum Teleserye Queen ng kapamilya network bago ito lumipat ng kabilang istasyon.

At ang Alta na sana ay pagsasamahan nina La Greta, KC Concepcion at Angelika Panganiban ay tuluyan ng na-shelved.

Kaya huwag ng umasa si La Greta na tawagin pa siyang reyna dahil hindi niya malalagpasan man lang ang isang institusyon ng pinoy soap opera ng kapamilya network at yun ay walang iba kundi sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos lamang.