6/27/2013

Julia Montes at Kathryn Bernardo, tuloy ang Banggaan!

Sa darating na Hulyo taong 2013 ay tuloy ang tapatan sa primetime ng dalawa sa pinakabagong prinsesang nagbabanggan sa bakuran ng kapamilya network.

Magpapakilig sa Got To Believe ang serye ni Kathryn Bernardo at muling magpapaiyak si Julia Montes sa Muling Buksan ang Puso.

Walang duda, sila na nga ang makabagong Juday at Claudine ng abs-cbn primetime tv drama.

Julia Barretto, sumisikat ng dahil kay Claudine!

Hindi man nakikita o naririnig sa telebisyon ang pagsuporta o pagpuri ng Optimum Star Claudine Barretto sa pamangkin niyang si Julia Barretto sa pagpasok nito sa pinoy showbiz sa bakuran ng abs-cbn at sa pamamahala ng star magic ay parang ang mga sinasabi ng ilang mga taga media at kapwa nasa showbiz ang tumutulong para sumikat ng husto ang anak ni Marjorie Barretto dahil sa mga pagkumpara ng mga ito sa pwedeng kahinatnan ng career ng bagong Barretto sa showbiz.

Hindi pa man nai-ere ang sarili nitong teleserye at may mga tv drama guestings gaya sa Maalaala Mo Kaya ay tinuturing na siyang bagong prinsesa ng kapamilya network.

Isa rin sa mga nakakaimpluwensya sa kasikatan ng dalagitang Barretto ay ang mga magagandang komento sa kanya ng kanyang tita Gretchen Barretto sa harap ng kamera.

Nakatulong rin sa kasikatan ngayon ng dalagita ang mga exposure nito at gandang taglay na tunay na tatak ng kanilang pamilya.

6/18/2013

3 Box Office Queen ng Kapamilya, sanib pwersa!

Sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang  4 Sisters and the Wedding na pagbibidahan ng malalaking pangalan mula sa kapamilya network ay hindi ito naging madali sa movie production dahil nga bihira ang ganitong pagkakataon na pagsamahin sa iisang pelikula ang mga REYNA nila.

Una sa listahan ang award winning drama actress, 2012 Box Office Queen at primetime tv drama princess na si Bea Alonzo.

Ikalawa ang award winning tv host at RomCom Box Office Queen na si Toni Gonzaga.

Ikatlo ang primetime tv goddess at best actress of 2012 na si Angel Locsin.

Naging isyu ang billing, kung sino nga ba dapat ang mauna at sino ang may "and" .

Kasama rin sa nasabing pelikula ang tv drama sweetheart na si Shaina Magdayao at Enchong Dee.

6/04/2013

Sina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching ang gaganap na Ana, Karen at Nina sa bagong primetime tv show ng GMA7 na Anna Karenina.

Ito ay isa sa mga longest weekend drama ng GMA7 noong 90's na pinagbidahan nina Antonette Taus, Sunshine Dizon at Kim Delos Santos.

Magawa nga kayang maiangat ng nasabing bagong serye ang mga pangalan ng mga young stars ng kapuso network ang dating teleserye na nagpasikat sa mga dati nilang young stars?

bagong teleserye ni Juday, walang dating?

Magbabalik teleserye ang reyna ng soap opera na si Judy Ann Santos sa kapamilya network.

Sa loob ng 3 taon ay muli ngang magre-reyna sa primetime ang drama actress.

Nakasuporta sa pagbibida ng aktress ang mga pangalan nina Sam Milby, John Estrada at KC Concepcion.

Sa trailer palang ay mukhang suspence drama ang bagong palabas ng teleserye queen na may pamagat na Huwag Ka Lang Mawawala.

Pero marami ang nakapansin na hindi ganun kalakas ang dating nito sa mga nakapanood ng trailer.

Kahit paulit-ulit ang kuwento ng mga serye sa kapamilya network ay hindi naman talaga matatawaran ang husay nila sa mga tv drama shows.

Muli nga kayang mabawi ng reyna ng soap opera ang kinang nito sa primetime ng kapamilya network?

Amalia Fuentes, hindi feel ang teleserye?

Akala ng kanyang mga tagahanga ay muling mapapanood muli ang husay sa pag arte ang movie queen na si Amalia Fuentes sa telebisyon sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso sa kapamilya network kung saan ay makakasama sana nito muli ang kanyang kapwa reyna at kasabayang si Susan Roces.

Wala pang malinaw na dahilan ang pagbitaw ng movie queen sa role niya sana sa nasabing teleserye, na maganda sanang comeback niya sa showbiz.

Pero ganun pa man, tiyak na aabangan pa rin ang nasabing serye dahil pagbibidahan din ito ng mga baguhan at hinahanggan sa kanilang henerasyon na mga batang aktor na sina Enchong Dee, Enrique Gil at bagong optimum primetime princess na si Julia Montes.

Vice Ganda, binangga ang pader ng GMA7 News Head

After ng 10days mula sa araw ng concert ng phenomenal star na si Vice Ganda sa Araneta, umingay ang isang TWEET mula sa twiter account ng batikang mamamahayag ng GMA7 na si Arnold Clavio.

Tungkol di umano ito sa isang joke ng sikat na komedyante sa kanyang show para sa isang bigating mamamahayag ng kapuso network.

Bukod sa timbang at malusog na pangangatawan ni Jessica Soho na naging paksa sa biruan, ay naging headline din di umano ang ginawang katatawanan ni Vice Ganda sa mga rape victims.

Pero mabilis din itong sinagot ni Vice Ganda sa kanyang noontime show na Its Showtime sa kapamilya network. Nagpaliwanag ang komedyante ang ilan nga sa mga sinabi niya ay sana ay pinanood ng buo ang naturang concert show at hindi nag highlight lamang ng ilang eksena na tumutukoy di umano sa pambababoy niya sa pangalan ng isang bigating mamamahayag.

Ipinaliwanag din ni Vice Ganda na hindi lamang si Ms. Soho na taga GMA7 ang kanyang mga binanggit sa kanyang concert show para maging umpukan ng biruan at katatawanan. Nariyan ang mga sikat na pangalan gaya nina Queen of All Media Kris Aquino na nasa concert at nanonood, King of Talk Boy Abunda at mga bagong senadora na sina Grace Poe at Nancy Binay.

Sa huli ay humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa lahat ng manonood kahit na nakatanggap siya ng " I dont think so!" na sagot mula sa bigating mamamahayag ng ito ay kanyang personal na tinawagan.

Sa huli ay tinanggap ni Ms. Soho ang public apology ng komedyante at sinabing huwag na gawing biro ang tungkol sa rape. Ang isyu pa nga, kaya tinanggap na ito ng bigating mamamahayag para hindi na makalkal ang isang programa na mula sa kapuso network na ginawa ring katatawanan ang isyung rape.