5/08/2013

Angel Locsin, 2taon ng tigang!

Ilang beses ng napabalita na may gagawing teleserye muli ang 2012 Famas Best Actress na si Angel Locsin sa taon na ito sa kapamilya network.

Ang huli nitong ginawa ay ang Imortal, katambal ang Box Office King na si John Lloyd Cruz.

Sa loob ng dalawang taon na tigang sa paggawa ng teleserye, 2 taon rin nabigyan ng mga best actress award ang primetime goddess mula sa mga pelikula nito sa star cinema, ang huli nga ay ang One More Try sa MMFF 2012.

May bagong movie mula sa star cinema si Angel ngayon taon, kasama sina ultimate media star Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Drama Princess Bea Alonzo.

Kahit nagpoprotesta ang mga fans ni Angel, dahil sa tagal ng comeback teleserye nito, nariyan naman ang hit nitong sitcom kasama sina action superstar Robin Padilla, Pokwang at comedy prince Vhong Navarro.

Balita na kasama sa kontrobersyal na seryeng Alta ang aktres pero wala pang final na press release tungkol dito.

Alex Gonzaga, star magic talent na!

Ang akala ng ilan, magiging abs-cbn talent lamang ang nakababatang kapatid ni ultimate media star Toni Gonzaga, gaya nito, pero ng ipinakilala na si Alex Gonzaga sa ASAP18, isa na pala siya sa bagong mukha ng star magic, ang tahanan ng malalaki at sikat na pangalan sa ibat ibang larangan ng showbiz industry.

Ngayon na nasa ilalim na ni Johny Manahan ang dating prinsesa ng kapatid network, magawa nga kayang lagpasan pa isang Gonzaga ang mga achievedment nito sa dating home network?

Kung si Toni, mula sa tv hosting sa noontimeshow na Eat Bulaga, mas nakilala at lumaki ang pangalan niya sa ginawang paglipat sa kapamilya network, ganun din kaya ang magiging kapalaran ni Alex Gonzaga?

Julia Montes, sunod kina Claudine, Kristine, Bea at Kim!

Ang teleserye sa primetime ang sinasabing pinakamagandang exposure ng mga artistang kasama sa mga palabas na iyun.

Kaya naman nang simulan ng kapamilya ang pag gawa ng mga de kalibreng teleserye sa gabi, ilan sa mga pinakasikat na pangalan ngayon ay doon nagsimula.

Mula sa magkakasaunod na teleserye na Mula sa Puso, Saan ka man Naroroon at sa Dulo nang Walang Hanggan, kinilala bilang optimum teleserye queen ang optimum star na si Claudine Barretto.

Mula sa Sandaling Kailangan Mo Ako at Pangako Sayo, nagkapangalan si Kristine Hermosa.

Ang drama princess na si Bea Alonzo, nagmula sa seryeng Kaytagal kang Hinintay hanggang sa The Beautiful Affair, ngayon ay Box Office Queen ng pinoy movies.

Mula sa reality show na PBB, hindi na napigilan ang pagiging primetime princess ni Kim Chiu mula sa Sana Maulit Muli, Tayong Dalawa, My Girl at Ina Kapatid Anak.

At ang bagong mukha ng kapamilya network primetime teleserye, mula sa Mara Clara remake, phenomenal Walang Hanggan at ngayon ay magbibida sa bagong malaking serye na Muling Buksan ang Puso na si Julia Montes.


Indio ni Bong, tsutsugiin na!

Mukhang wala ng extention ang fantaserye ni Senator Bong Revilla Jr sa kapuso network.

Ang akala ng mga manonood, isang makasaysayan na palabas ang handog ng kapuso network, pero isa pala itong kuwento na umiikot sa isang indio na pinalilibutan ng mga diwata.

Nawala ang tunay na kahulugan ng salitang INDIO sa panahon ng mga kastila base sa kasaysayan dahil pinaglaruan lamang ito ng mga manunulat ng nasabing tv serye.

Tama lamang na tapusin na ito dahil hindi makatotohanan ang kuwento kung ibabase sa kasaysayan ng bansa.

Naging katawa-tawa lang sa mga eksperto ng kasaysayan ang programang pinalabas ng GMA7.

5/03/2013

Mga Aswang, bida sa mga teleserye!

Sa tv seryeng Aso ni San Roque na ipinalabas ng kapuso network, ilan sa kontrabida dito sina Eddie Garcia at Paolo Contis bilang mga aswang.

Sa superserye naman na Juan Dela Cruz ng kapamilya network, gumaganap naman na mga aswang sina Albert Martinez at Zsa Zsa Padilla.

At sa ipapalabas na bagong fantaserye ng kapatid network na Cassandra; Warrior Angel, bida si Eula Caballero, ay mga aswang pa rin ang magiging mortal na kalaban niya dito.

Mukhang sinauna at tradisyunal na mga nakakatakot na goons ang madalas ng mapanood sa telebisyon.

5/02/2013

Juday, ayaw pakabog kay Claudine!

Sa awayan ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, lumabas ang balita na hindi OK ang relasyon mag asawa ng Optimum Star kay Raymart Santiago.

Hindi na muna daw nagsasama sa iisang bubong ang mag asawang Barretto at Santiago.

On the other side, may balita naman na nag file na daw ng annulment ang teleserye queen na si Judy Ann Santos sa asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Ang dahilan daw ay ang pagkaka link nito sa socialite at anak ni beauty queen Gloria Diaz na si Isabelle Daza, na co-host din ng actor tv host sa noontime show na Eat Bulaga.

Todo deny daw ang teleserye queen sa blind item at isyu about sa paghihiwalay nila ng asawa dahil wala naman daw itong basehan.

Hanggang sa kontrobersya, hindi talaga hindi pwedeng pagtapatin ang dalawang regal teleserye queens.

Tv serye ni Derek Ramsay, hindi click sa advertisers!

Wala ng extension ang fantaseryeng KIDLAT ni Derek Ramsay mula sa TV5.

Hindi naging mabenta sa mga advertisers ang nasabing tv show kaya hindi na ito pahahabain pa ng tv5 dahil tiyak na malulugi na naman sila.

Sa mga manonood ay naging number 1 ang serye, pero hindi naman ang mga ito ang nagpapasahod sa istasyon ppara patagalin pa ang pagpapalabas nito.

Nauna ang serye ni universal leading man Derek Ramsay sa serye nina Titanic Superstar Bong Revilla Jr. at teleserye prince Coco Martin, kaya hindi naging isyu kung mauna itong mawala sa ere.

Ayon sa mga promotions ng tv5, mataas ang tv ratings ng tv serye, pero hindi iyun nakatulong para madagdagan ang mga commercial na sumusuporta dito.

Papalitan ang KIDLAT ng bagong fantaseryeng Cassanda; Warrior Princess na pagbibidahan ng tv5 princess na si Eula Caballero.

Julia Montes, makakasama sina Susan Roces at Amalia Fuentes!

Muling magbabalik telebisyon ang movie queen na si Amalia Fuentes kasama ang kapwa reyna niyang si Susan Roces.

Sa pinakabagong malaking teleserye ng kapamilya network na pagbibidahan muli ni Julia Montes katambal si Enrique Gil, muling magkakatapatan ang dalawang movie queens noong dekada 60.



Mukhang si Julia Montes na nga ang sunod sa yapak ni Claudine Barretto na may mga de kalibre, malaki at magandang teleserye sa primetime ng kapamilya network.

At si Enrique Gil ang bagong bini build up na leading man ng kapamilya network, mag click kaya ang tambalan nila ng pinakabagong optimum primetime teleserye drama princess ng kapamilya network.

Mukhang nakatagpo na ng bagong ibi build up na drama actress ang kapamilya network sa katauhan ni Julia Montes.

Ang titulo ng tv serye ay Muling Buksan ang Puso.

Julia Montes, posible makatambal si John Lloyd Cruz.

Dahil si Julia Montes ang bagong nex big thing at important star ng kapamilya network, marami ang nagsasabi na siya na nga ang bagong henerasyon ni Claudine Barretto.

Kung matatandaan, isa si Claudine sa mga nagreyna sa mga primetime tv shows ng abs-cbn noong nagsisimula palang ito.

Nakatambal nito ang ang mga alamat sa pelikula gaya nina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Vilma Santos, Robin Padilla at Aga Muhlach.

Kaya naman hindi posible na makatambal din ni Julia ang mga haligi ng bagong henerasyon ng pinoy movie gaya ni John Lloyd Cruz, ang unbeatable box office king.

At sa ikatlong tv serye ni Julia na may titulong Muling Buksan ang Puso kapareha si Enrique Gil at kasama sina Amalia Fuentes at Susan Roces.

Mapapanood ang bagong serye sa primetime ng kapamilya network.