4/29/2013

Julia Montes at Julia Barretto, para sa titulo.

Sino nga ba ang dapat sumunod sa legacy ng una at nag iisang most successful talent pagdating sa pag arte ng star magic na si Claudine Barretto?

In 20 years, isa si Claudine sa mga binansagan na bagong Vilma Santos, at binigyan ng titulong Optimum Star, mula sa pagiging best actress, teleserye queen at box office queen.

Sa paglisan nito sa tahanang nagpasikat sa kanya, ang abs-cbn, marami ang pumila para pumalit sa kanyang naiwanang titulo sa star magic.

Nandyan sina Bea Alonso at Angelica Panganiban.

Pero umangat ang pangalan ng isa sa bagong prinsesa ng drama ng kapamilya network, si Julia Montes.

Idolo ng bagong paborito ng dos ang magaling na aktres, at marami ang nagsasabi na magkapareho sila ng istilo sa sa pag arte.

Mula sa hit remake tv serye na Mara Clara, nakuha ni Julia Montes ang atensyon ng manonood sa phenomenal tv serye na Walang Hanggan.

Nasundan ng ilang mga pelikula hanggang sa magkaroon ng sariling pangalan sa industriya.

Pero sa pagpasok ng bagong Barretto, pamangkin ni CLAUDINE, si Julia Barretto, bukod sa magkahawig ang dalawa, marami din ang nagsasabi na ito na ang bagong Claudine Barretto ng kapamilya network.

Wala pa naman sariling tv serye na pinagbibidahan ang bagong star magic talent, pero hindi malayo na ito ay maging prinsesa ng mga kapamilya tv serye.

Sino nga ba ang nararapat sa iniwang pangalan ng Optimum Star sa naging tahanan nito ng 17years.

4/26/2013

Pamilya Barretto, nagkakasiraan na!

Marami ng nabuksan na isyu na dapat ay sa loob ng pamilya lamang, pero dahil sa pagiging taklesa na naman ni Gretchen Barretto sa cyberworld, sa twitter at katulong pa nito ang kapatid na si Marjorie Barretto.

Dahil api sa pakiramdam ni Inday Barretto ang bunsong anak na si Claudine Barretto sa dalawa pa niyang anak, naglabas na rin ito ng maaanghang na salita laban sa panganay na anak na si Greta.

Kung nag iisip muna sina Greta at Marjorie, pinag isipan nila agad na si Claudine lamang ang pwedeng manira tru twiter sa bagong pasok sa showbiz na si Julia Barretto, bilang kapamilya sa abs-cbn.

Kesyo gumawa ito ng ibang account, eh kahit silang dalawa o sinuman sa kamag anak nila, lalo na sa side ng partner niyang si Tonyboy Cojuanco, posible gumawa at manira, siraan at pag awayin silang mag anak eh.

Nandoon na mas kakamihan ni Inday Barretto ang bunso dahil na rin sa pinagdadaanan nito, sa mga isyu na hiwalay na sila ng asawang si Raymart Santiago, at nagkaroon ng depresyon.

Kung mas malawak at matino ang pag iisip nina Gretchen at Marjorie, hindi sana sila pumayag pumasok sa isang relasyon na ang tingin sa kanila ay mga kabit, kerida at mga mukhang pera dahil na rin sa estado ng buhay ng mga karelasyon nila.

Dumaan rin sila sa depresyon, dapat sinusuportahan nila ang kapatid nila.

Umepal pa yung kapatid nilang lalake, na kesyo si Gretchen daw ang halos bumuhay sa kanila noon, hindi naman yata tama na isumbat ang ginawa ng isang tao kung bukal sa puso ang pagtulong niya talaga.

Tama si Inday, wala na dapat pang patunayan si Claudine, dahil naging sikat itong artista dahil mahusay ito, hindi lang ito naging sikat dahil sa mga kontrobersya na nagpasikat kay Gretchen sa mga kinasangkutan nito.

Hindi nagkukulang ang isang Ina na makiusap at pag ayusin ang mga nag aaway na mga anak, pero kung isang mayabang at ma pride na tao ang anak, kahit magulang, isusuka siya.

Julia Barretto, marami pang kakaining bigas!

Tinawag ni Gretchen Barretto ang pamangkin niya na "teleserye princess", na si Julia Barretto, anak ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Pero wala pa naman sariling teleserye ang bagong Barretto sa mundo ng pinoy showbiz.

Bago ipagyabang ni Greta ang pamangkin sa titulo, dapat muna nitong ihilera sa mga tunay na prinsesa ng teleserye sa henerasyon ng pamangkin niya, gaya nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Ang daming mga patutsada ni Gretchen sa kapatid niyang si CLAUDINE, kesyo laos na daw ito at wala ng career sa pelikula at telebisyon. Kailan lang naman siya nagkaroon ng matinong tv career sa kapamilya network.

Hindi porket nasa abs-cbn ka Greta, reyna ka ng ituring ng network.

Kay Claudine, ibinigay ang mga titulong best actress, box office queen at teleserye queen, magawa nga kayang makuha kahit isa doon ni Julia Barretto sa maikling panahon gaya nung nagsisimula sa batang edad si Claudine?

Panahon lang ang magsasabi kung sikat ka o laos.

Kailangan muna ito patunayan ni Julia Barretto, maganda siya at mukhang matalino, pero wala pa siyang napapatunayan pagdating sa pag arte.

At kay Gretchen, kung hindi dahil sa mga kontrobersya kung saan ito nasasangkot, mag matured ka na sana lagreta, mas mahirap na tanggapin kung ang ibubuwelta sayo ay kabit at kerida ng partner mo.

Yun na!

Alex Gonzaga, prinsesa sa Hosting!

Sina Queen of All Media Kris Aquino at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang dalawa sa mga pinakamagagaling at nangunguna pagdating sa mga tv shows na may hosting job.

Proven na sa mga talk shows si Kris, at sa reality shows naman si Toni.

Mula sa kapatid network, bilang prinsesa ng dati niyang istasyon, nagbabalik kapamilya si Alex Gonzaga.

Pero ang hula ng ilan sa showbiz at manonood ng abs-cbn, mukhang malabong maging prinsesa ng teleserye si Alex, dahil nariyan na sina Kim Chiu at Erich Gonzales na prinsesa ng teleserye ng istasyon sa edad ng mga ito ibabase.

Dapat ibuild up si Alex bilang host ng mga programa ng kapamilya network, dahil nakuha nito ang husay sa pagsasalita sa ate Toni nito.

Doon siya nahuhulaan na aangat dahil na rin sa career nito na iniwan sa tv5.

Hindi man directly na sinagot ang tanong na si Wilma Galvante ang humarang sa kanyang career sa kapatid network, thankful a rin ang si Alex dahil nakabalik siya sa tahanan ng mga tunay na sikat na bituin.

Show ni Willie, buminggo sa MTRCB.



Sasailalim sa 3month probation ang noontime show ni Willie Revillame sa tv5 kung saan siya ang main host at producer nito.

Ilang araw na ang dumaan, puro double meaning ang mga biro ng tv host tungkol sa mga dancers at co-host nito.

Hindi talaga maitago sa mga kinikilos ni Willie ang pagiging bastos nito.

Nariyan na "paaalugin" niya si Nina at ibang dancers dahil sa mga suot nito na halos makita na ang mga boobs nito.

Nariyan ang mga pasimpleng hawak niya sa mga parte ng katawan ni Grace Lee dahil sa suot nito.

Nariyan yung mga tingin niya sa mga maseselang parte ng katawan ng mga dancers at mga contestants niya, sasamahan pa ng mga birong hindi maganda sa pandinig ng mga bata lalo na sa paningin ng mga ito.

Naging isyu na ang mga pananamit ng mga dancers noon sa noontime show na Eat Bulaga, at ngayon lang ito muli naulit sa show naman ni Willie, kung saan siya ang producer.

Teleserye ni Nora, tsugi na!

Isa sa kulelat sa tv ratings ang teleseryeng Never Say Goodbye ng superstar na si Nora Aunor sa tv5.

Wala pa yata in 1 month ang character ni ate Guy, naligwak na dahil sa mga commitments nito local at abroad., pero ibabalik din bago matsugi ang nag iisa niyang tv show sa nasabing tv network.

Hindi nakatulong ang pinasok na character ni Rita Avila. Hindi rin nakatulong ang kontrobersya na dala ni Cecar Montano at sa pagiging primadona sa oras at taiping ni Alice Dixson.

Mukhang wala ring naitulong ang tambalan ng bagong alaga ni Wilma Galvante na sina Vin Abrenica at Sophie Albert para mahila pataas ang tv ratings ng teleserye na pinagmamalaki ng kapatid network.

Senyales na nga ito, na mahuhusay ang mga gumaganap pero walang hatak sa manonood at advertiser

Titulo ni Claudine Barretto sa Dos, pinag aagawan

Mukhang mas mabenta na pinag aagawan ang titulo ng pangalan ni Claudine Barretto sa abs-cbn kesa kay Judy Ann Santos sa mga bagong sumisibol na teleserye princess.

Nauna nang nagsabi si Kim Chiu na gusto nito gumawa ng teleserye na gaya ng nagawa ni Claudine na may tatlong character sa Saan Ka Man Naroroon.

Ang huli nga ay si Julia Montes na sinasabing susunod sa yapak ni Claudine, dahil na rin sa balitang paborito nito ni Mr. M, ang isa sa mga taong tumulong para sumikat ng husto sa bakuran ng dos ang Optimum STAR.

Ngayon na nasa bakuran na rin ang bagong Barretto, na si Julia, marami ang nagsasabi na ito ang bagong Claudine ng Dos dahil na rin sa pagkakahawig nito sa tiyahin niya.

Ilan din sina Anne Curtis at Mariel Rodriguez ang nagsabi na gusto nila maging isang Claudine Barretto sa pag arte lalo na sa mga teleserye.

Angel Locsin, naka 2 points na!


Mukhang blessing ang 2014 kay Angel Locsin dahil bukod sa pagkakahirang bilang star awards for movie bilang actress of the year sa pelikulang One More Try, nasungkit din nito ang kilalang Famas award bilang best actress.

Muli na naman niyang nilampaso sina star for all season Vilma Santos at superstar Nora Aunor.

Pati sina Anne Curtis via A Secret Affair, Bea Alonso sa The Mistress at Angelica Panganiban sa One More Try, ay tuluyan na niyang tinalo sa kilalang Famas.

Wala man siyang teleserye sa ngayon, almost 3 years na, mukhang bonus na ang mga best actress trophy sa mga de kalibreng binibigay sa kanya ng kanyang home network.

Serye ni Richard Guttierez, walang dating!

Mukhang pang afternoon prime tv series ng GMA ang nag iisang tv show ni Richard Guttierez sa primetime, ang Love and Lies kasama ang mga hindi kasikatan na sina Michelle Madrigal at Bela Padilla.

Mukhang natabangan na ang kapuso network sa aktor, bukod sa hindi ito ginastusan ng bongga unlike sa fantaserye ni Bong Revilla Jr. na bongga ang mga costumes at visual effects.

Dahil sa balitang hindi na ito magpapatali sa home network nito pag natapos ang kontrata, mukhang pinaramdam na ng mga bosses ng istasyon ang hindi na nito pag obliga na ibida pa ang action serye ng aktor.

Ang movie sana na ipapalabas na, kasama si Marian Rivera ay biglang nawala na, dahil sa takot ng mga ito na tapatan ang 2nd highest grossing film of alltime nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na nasa kapamilya netwrok naman.

Napag iiwanan na si Richard ng mga kasabayan nito, hindi naman siya habang buhay na gwapo at may apil sa manonood, kailangan din ng talent para magtagal sa industriya.

4/07/2013

Alex Gonzaga, balik Kapamilya na!

Nakilala si Cathy Gonzaga bilang Alex sa isang weekend tv sitcom at sa nakasama sa isang tv series kasama ang primetime princess ng abs-cbn na si Kim Chiu.

Nang maging kapatid star ang bunsong kapatid ni Toni Gonzaga, 5 years ago, at naging tv5 network star princess ito.

Binigyan ng variety shows, talk shows at sariling mga teleserye si Alex dahilan para makilala siya ng mga manonood ng tv5 network.



At makalipas ang 5 taon, nagulat ang lahat sa pinoy showbiz sa desisyon nito na bumalik sa unang tahanan nito, sa kapamilya network nga, kung saan talent din sa nasabing tv station ang kanyang ate na kilala bilang ultimate multimedia star at box office rom-com movie queen.

Totoo nga kaya na hinarang ng dating GMA executive na si Wilma Galvante na ngayon ay hepe ng entertainment ng tv5, ang mga proyekto ni Alex Gonzaga dahilan para hindi na ito muli pang pumirma ng kontrata kahit na pinapahabol siya ni Manny Pangilinan, ang may ari ng tv station.

Malaki ang utang na loob ni Alex sa kapatid at isa siya sa maituturing na mukha ng istasyon.

Ngayon na balik kapamilya na nga ang dating kapatid star princess, balita na isang light drama romance ang serye na pagbibidahan nito kasama si Jericho Rosales at isang pelikula under star cinema.

Rosanna Roces, nagpapaka-kontrobersyal?

May naganap daw na sakitang pisikal sa agitang ng mag inang Osang at Onyok kamakailan.

Pero ang isyu talaga, ikinumpara ng dating sikat na sexy star ang sitwasyon niya sa queen of all media na si Kris Aquino sa mga interviews nito tungkol naman sa karapatan nito sa anak at laban sa ama nitong basketball star na si James Yap.



Kesyo wag na daw gawing national news ang nangyari sa kanila ng anak, dahil mas marami pa daw na isyu ang dapat ibalita gaya ng ekonomiya ng bansa.

Pero sinopla si Osang ng kanyang anak na si Onyok na kung ayaw nito maging publiko ang naganap na insidente sa pagitang nilang mag ina, hindi sana ito nagpo-post sa isang public social network na Facebook ng mga nangyari.


Tama nga naman!

Actually, matagal ng insecure si Osang kay Tetay kaya ito na naman parang nagpapasaring na naman siya dito.

http://www.pep.ph/news/38081/rosanna-roces-gets-into-a-physical-fight-with-son-onyok

Ejay Falcon, Bida na ulit!

Muling magbabalik teleserye si Ejay Falcon sa Dugong Buhay na kasama sa kapamilya gold sa panghapong programa ng abs-cbn.



Kaya pala nagpahaba ng kulot niyang buhok ang teen big winner ng bahay ni kuya, dahil ganito pala ang mismong itsura niya sa nasabing teleserye na dating sikat na istorya sa komiks na gawa naman ni Carlo J. Caparas.

Marami ngayon sa mga kritiko at nambabatikos sa gwapong batang aktor ang naka nganga sa mga balita nila na kesyo daw nagbebenta na ng laman ang aktor ng palihim o pinabayaan na ng kapamilya dahil sa dami na rin ng tv talents nila.



Itong teleserye ni Ejay Falcon ang magiging kapalit sa nagtapos ng PARAISO nina Jessy Mendiola, Denise Laurel at Mateo Guddeceli.