2/28/2013

Booba & Ate Gay, Tsugi na sa Wowowillie?

Sa totoo lang, without Ethel Booba at Ate Gay, boring ang remake noontime show na Wowowillie ni Willie Revillame.

Wala naman ito pinagkaiba sa mga segments na games sa mga dati nitong programa. Aminin man niya o hindi, wala talagang dating ang show kung hindi lang dahil sa mga halos naghuhubad na niyang babaeng dancers at perang pinapatakam niya sa mga manonood. Nakakatulong siya, pero sa huli, sinusumbat niya yan kapag tinitira na siya.

Hindi propesyunal ang tiyak na ibabanat ng mga bayarang writers gaya ni Cristy Fermin na nakatanggap ng kotse sa mayabang na host ng nasabing noontimeshow.

Wala naman laban ang dalawang komedyante dahil isang BOSSY PRODUCER ang kakalabanin nila kapag umangal sila ng husto.

Kaya naman hindi na hinabol pa ng dos si Willie dahil ayaw nga nito sumunod sa tamang rules and regulations ng management.

Mahilig mag public ng issues si Willie, at ilang beses na siyang ngumawa on national tv para kumuha ng simpatya.

Sa totoo lang, nakakasawa na!

Optimum Star Claudine Barretto, remain as A Queen!

Gaya nina diamond star Maricel Soriano, star for all season Vilma Santos, mega star Sharon Cuneta at superstar Nora Aunor, hindi rin naiwasan na lumamlam ang career ni Claudine Barretto.

Mula ng iwan niya ang titulo bilang Philippine Optimum Teleserye Queen sa abs-cbn ng lumipat siya sa GMA, tuluyan na ngang nawala ang kinang ng kanyang bituin sa mga sumunod pang taon.

Hindi rin niya naiwasan ang mga kontrobersya na lalong nagpapalubog sa kanyang pangalan bilang sikat na aktres.

At sa kanyang pagbabalik kapamilya, ituring pa kaya siyang reyna ng kapamilya network gayung mas priority na ng mga ito ang bagong Juday at Claudine na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Kung dati ay siya ang panlaban sa mga de kalibreng teleserye, mukhang naagaw na ito ni Angelica Panganiban na talaga namang napakahusay sa drama.

Hindi nalagpasan ni Bea Alonzo, bilang prinsesa at heredera niya sa star magic ang kanyang nagawa, kaya naman wala pa rin talagang nakagawa na siya ay pantayan.

Sa pagbabalik niya, muli kayang mabuhay ang natutulog niyang tv career at box office sa movie. Mabuhay din kaya ang rivalry nila ng teleserye queen na si Judy Ann Santos.

Sabagay, isa na siyang superstar sa pangalang OPTIMUM STAR.

Piolo Pascual, bumabaga ang career.

Successful ang primetime tv series ng abs-cbn ang Apoy sa Dagat na pinagbibidahan ng 3 sa mga original star magic talents na sina Ultimate Hearthrob Piolo Pascual, Diether Ocampo at Bida-kontrabida Angelica Panganiban.

Naging dagdag kasikatan din siguro ng show ang pagbabalik kapamilya ni Patrick Garcia at balik tambalan nina Empress Schuck at Nikki Gil sa unang episode ng nasabing teleserye.

At bumabaga na nga muli ang tv career ni Piolo Pascual, dahil ang tagal din na aandap-andap ang tv career nito, kahit na may serye ito last year kasama sina Cristine Reyes at Jericho Rosales.

-----
Speaking of bumabagang tv career, muling susugalan ng abs-cbn ang pop star princess na si Sarah Geronimo sa isang tv series, sa sarili nitong weekend drama anthology.

Ang Sarah G Presents ang kapalit ng natsuging musical tv show na Sarah G Live, na umingay sa mga huling araw nito dahil sa mga pagpaparinig ni Sarah sa ex rumor boyfriend nitong si Gerald Anderson.

-----
Speaking of Gerald Anderson, na ex ng primetime princess na si Kim Chiu, nakuhaan ng kamera ang pagyayakapan nina Kim at Sarah sa isang dressing room.

Ang dating magkaribal sa lalake at magkaribal sa kasikatan sa bakuran ng dos, may chance nga bang maging bestfriends? At pagtutulungan nga ba nila ang dancing drama princess na si Maja Salvador na ex bestfriend ni Kim at rumor boyfriend ng ex boyfriend niya?

Optimum Star Claudine Barretto, kapamilya na ulit?

Kailan kaya kumpirmado after ng mga balitang nakikipag ugnayan at may nakakita na nasa bakuran ng abs-cbn ang aktres na si Claudine Barretto?


Kung totoo man ito, marami na agad ang nag-react sa social media.

Ang ALTA, isang malaking teleserye daw ang comeback show nito sa primetime ng dos.

Mababalewala na naman ang muntikan na ma-shelve na serye ni Judy Ann Santos kasama sina KC Concepcion at Sam Milby.

Magre-reyna na naman siya sa star magic, so far, siya palang talaga ang award winning actress ng talent agency.

Magkakasalubong tiyak ang mga landas nila nina Angelica Panganiban at Angel Locsin, na mga nakaaway niya noon.

Balitang may movie siya under VIVA Films co-produce ng Star Cinema.

Welcome back if ever Optimum Star.

2/26/2013

Angeline Quinto, Isyung Tibo?

Bakit ayaw pang pangalanan ng mga blind item writers ang iniisyu nila kay song siren diva Angeline Quinto.



Na isang tomboy, tibo o silahistang babae ang sumisikat na singer na ngayon ay isa ng movie at tv star.

Dahil wala pa ngang nali-link sa singer-actress na boylet sa pagsabak nito sa showbiz, hindi na nga mawala-wala ang isyu sa kanyang sekswalidad.

Aminado naman ang song siren diva na hindi siya mahusay na umarte sa harap ng camera, siguro hindi pa naman siya ganun katagal sa showbiz para masabing magaling na siya.

Puwede kasing pag aralan ang pag arte, at maaaring yun ang kailangan ng song siren diva, ang mga acting workshop. May mga inborn naman na mahusay talaga umarte.

Patunay lamang na talagang nakatutok na ang ibat-ibang klase ng kamera sa song siren diva dahil sikat na siya.

Sarah G. from Live to Presents.

Ang bilis ng bagong tv show ni Sarah mula ng matsugi ilang linggo palang ang kanyang musical tv show na Sarah G Live, ay ito ngang Sarah G Presents ang kapalit.



Hindi pa kumpirmado kung isa itong musical tv show ulit o isang tv drama gaya ng mga weekend drama nina diamond star Maricel Soriano at teleserye queen Judy Ann Santos noon na nagpasikat sa mga ito ng husto.

Pero kung gaya ito noon ng tv show ni mega star Sharon Cuneta na ilang beses nagpalit ng pangalan, isa pa ring tv musical show ito.

Knowing naman na mahusay sa isang drama show ang abs-cbn, baka mabigyan ng chance si pop star princess Sarah Geronimo na maipakita ang kanyang versatile side as an actress.

Sa kanyang natsuging tv musical show, naipamalas na niya ang kanyang versatile as a singer.

Hindi yata magiging competetive ang tv show ng pop star princess kung walang kasabayan. Dapat na talagang pagtapatin sila ni primetime princess Kim Chiu sa mga solo nilang tv show.

Mukhang hindi pa mahahabol ni song siren diva Angeline Quinto ang haba ng panahon na tinagal ni Sarah sa pinoy showbiz, para mabigyan ng sariling tv show, although mayroon itong teleserye Kahit Konting Pagtingin ( with Sam Milby and Paulo Avelino ) at movie na Born To Love You ( with Coco Martin ) sa ngayon at VIP treatment sa ASAP.

Goodluck nalang sa bagong tv career ng pop star princess.

Kim at Maja; bagong Heart at Anne ng Dos!

Sa teleseryeng HIRAM ng abs-cbn, nagsimula ang kasikatan ng tv career nina Heart Evangelista at Anne Curtis. Sila ang mga panlabang prinsesa sa primetime ng dos sa sumisikat ring si Angel Locsin sa GMA7 noon.



At ngayon naman, ang tambalan nina Primetime Princess Kim Chiu at Dancing Drama Princess Maja Salvador sa primetime ang tinatangkilik ng mga manonood.

Dati rati ay pinipilit na pagkumparahin ang tisay at inglesera na si Anne sa morena at tsinitang si Heart sa leadingman nilang si Geoff Eigenman.

Ngayon, nasa personalan naman ang tapatan at iringan nina Maja at Kim sa aktor na si Gerald Anderson.

Pero sa buod ng kuwento, hindi lang ang tambalang Juday-Gladys, Heart-Anne at Kathryn-Julia ang nagawang buhayin ni dos bilang mga bida-kontrabida na parehong pantay ang mga role sa mga teleserye ng mga ito, naipagpatuloy nila ito sa tambalang Kim at Maja.

2/12/2013

Sarah Geronimo, talo kay Toni Gonzaga.

Proven na sa box office sina Pop Star Princess Sarah Geronimo at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, pero mas senior sa popularidad ang huli.

Sa balitang nakuha nang abs-cbn ang right sa Pinoy version ng singing show na The Voice, nakuha ni Toni G. ang korona, bilang host ng nasabing bagong tv show.

Uupo naman bilang judge si Sarah G. kasama ang iba pang judges. Kung baga, siya ang magiging Cristina Aguilera sa panel of judges.

Naisyu man na hinaharang ni queen of all media Kris Aquino ang pagho-host ni Toni G. sana sa ilang bagong tv show, hindi naman ito naging maingay sa loob ng bakuran ng kapamilya network.

----------

 
Regine Velasquez at Sharon Cuneta, lilipat na!


Maingay sa bawat sulok ng Pinoy Showbiz na may tampo ang dating dalawang reyna ng VIVA Entertainment na sina mega star Sharon Cuneta at asia song bird Regine Velasquez sa kanilang mga home network.

Dahil dedma na sa kanyang birthday, mukhang nabawasan na ang kinang ni Ate Shawie dahil walang special event na ginawa para sa kanya ang tv5 at natsugi pa ang kanyang tv show nang wala man lang special farewell, malayong-malayo sa treatment sa kanya ng dating home network, ang abs-cbn.

May balitang gusto nang bumalik ni ate Shawie sa kapamilya netwrok, dahil doon, tiyak ka-level niya sa treatment si Kris Aquino. May balita rin na susubukan niya ang kapalaran niya sa kapuso network, na wala namang big stars ang naroon kundi ang mga palipat-lipat na sina drama queen Lorna Tolentino at drama king Christopher De Leon.

Dahil on probihation ang Party Pilipinas sa MTRCB, mukhang nanganganib na matsugi ang tv musical show ni Regine Velasquez sa isang pagkakamali pa.

Balitang mataas na talent fee na inaalok ng tv5 ngayon ang basehan ng asia songbird para iwan ang kapuso at lumipat sa kapatid network.

----------

 Sarah Geronimo, aagawan muli si Angeline Quinto!


Kahit na sinasabing nagawang talunin noon ni pop star princess Sarah Geronimo sa isang singing show si Angeline Quinto, hindi dahilan yun para sabihin na ang una na ang tanging magaling lamang sa pagkanta. Hindi naman lahat ng Pinoy ang naging judge, nadala lamang sa press exposure kung bakit nakilala at sumikat ng husto ang pangalan nga ni Sarah.

Dahil tsugi na nga ang tv musical show ni Sarah, balitang babalik ito sa ASAP, kung saan naging paborito siya pero natuon na ang pansin ng buong produksyon kay Angeline Quinto, ang queen of teleserye theme song at tinawag na bagong pop superstar ni asia songbird Regine Velasquez.

Kung magka ganoon nga, aagawin muli ni Sarah ang trono niya kay Angeline sa nasabing tv show, pero dati na silang pinagtatapat sa show at laging kulelat sa biritan si Sarah dahil hindi talaga pang diva ang boses nito. Unlike Angeline na normal ang taas ng boses nito kaya no doubt na balang araw, mabansagan naman itong asia song siren.

Kung ipu-push ng abs-cbn kung saan talent ang bidang babae ng teleseryeng Kahit Konting Pagtingin, tiyak na maihihilera kina Lani Misalucha at Regine Velasques ang boses at husay nito sa buong asya.

Back to Sarah, matagal ng naiisyu na ililipat ito ng VIVA sa TV5, pero hindi pa napapatunayan ng kapatid network na kaya nila gumawa ng superstar sa bakuran nila, kahit na nasa kanila ang mga mamalaking pinoy celebrities na hindi naman nagtatagal at bumabalik sa mga dating home network ng mga ito gaya nina Diamond Star Maricel Soriano at Drama Queen Lorna Tolentino. Kaya baka maburo lang ang tv career ng pop star princess dito.

2/07/2013

Tv Show ni Sarah Geronimo, tsugi na!

Mataas naman daw ang tv ratings ng Sarah G. Live ng pop star princess Sarah Geronimo, pero mawawala na ito sa ere.



At dahil nga hindi napantayan ni Sarah ang tagal ng mga musical tv show nina superstar Nora Aunor at megastar Sharon Cuneta na sinusundan niya ang mga yapak, mukhang malabo na siya ang maging tagapagmana ng kasikatan ng mga ito.

May mga kapalit naman daw ang pagka tsugi ng tv show ng pop princess.

Nariyan ang balik tambalan nila ni movie box office king John Lloyd Cruz sa pangatlong movie at planong ipush muli ang tandem niya kay teleserye prince Coco Martin. Una na silang nagsama sa teleseryeng IDOL na super flop sa Philippine TV Series.

Balita rin na uupo bilang judge si Sarah sa Philippine Franchise ng The Voice.

May balita ring gagawa ito ng isang tv series na may temang kilig kagaya ng hit serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng Be Careful w/my Heart at kina Sam Milby, Paulo Avelino at Angeline Quinto sa Kahit Konting Pagtingin.

Goodluck sa 2013 career ng pop star princess.

Kim Chiu at Maja Salvador, tuloy ang dedmahan!

Mukhang patuloy pa rin ang pang iintriga sa dating bestfriends na sina Maja at Kim dahil kay Gerald Anderson.

Sa teleserye nila na Ina Kapatid Anak, mahahalatang totohanan ang mga sakitan nila sa isat-isa at batuhan ng mga linya. Magandang pagkakataon para mas mapag usapan at dumami ang mga manonood na inaabangan ang bawat bangaan nila.



Marami ang nagsasabi, sila na ang magkatapat sa popularidad pero mukhang hindi iyun mabenta dahil ang kalevel ni Kim Chiu ng kasikatan ay ang dati ring nalink sa ex boyfriend niya, si Sarah Geronimo.
Matatandaan na kung may Sarah Geronimo si Manny Villar noong nakaraang eleksyon, may Kim Chiu naman si PNoy.

Mabalik kina Maja at Kim. Dahil nga sa mas tumitinding eksena nila sa serye, walang duda na mas lalong lalalim ang hindi nila pagkakaunawaan dahil agawan din sa mga karapatan ang takbo ng mga kuwento ng kanilang serye.

Pero malay natin, kapag nagkabati ang mga karakter nila sa IKA, ay magkaayos na rin ang dalawang batang aktres.

2/01/2013

Bukas Nalang Kita Mamahalin, itatapat sa Pahiram ng Sandali?

Noon pa man sa mga pelikula at telenobela, hindi na bago ang mga kuwento sa mga may edad ng karakter na nagkakaroon ng relasyon sa mas bata ang edad na karakter.

Isa na dito ang teleserye nina Lorna Tolentino at Dingdon Dantes sa GMA7. Pero hindi gaanong binigyan ng kuwento ang ugnayan nila, kundi isang lihim lamang sa maikling bagay na namagitan sa kanila.
 Pero dahil sa malapit na ngang ipalabas ang bagong teleserye ng Abs-Cbn ang Bukas Nalang Kita Mamahalin, mukhang magbabago ang takbo ng kuwento ng Pahiram ng Sandali. Mas magpo pokus na ito kina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes.
 Isang bawal na relasyon ang magiging ugnayan ng mga karakter nina Dawn Zulueta at Gerald Anderson sa bagong serye ng dos. Magiging iba tiyak ang atake nito dahil sa pagkakatanggal na ni Maricel Soriano na pinalitan nga ni Dawn Zulueta na aminadong bumalik ang sigla ng tv career niya mula noong ginawa niya ang Mula sa Puso at Walang Hanggan na sinasabing remake at part 2 ng mga ginawang teleserye ng teleserye queen na si Claudine Barretto.
Sayang nga lamang, dahil muli sanang magtatagisan sina Lorna Tolentino at Maricel Soriano sa pag-arte kung natuloy ang serye ni Maria with Gerald.
Makakasama sa BNKM nina Dawn at Gerald sina Cristine Reyes at Dina Bonnevie kung hindi nagbago ang itatakbo ng kuwento.

Si Vice Ganda ang most watched movie star ngayon!

Hindi lang sa tv inaabangan ang isang Vice Ganda, kundi pati na rin sa mga pelikula.

Aminin man o hindi ng mga kritiko niya, walang duda na isa si Vice Ganda sa mga magbibigay yaman sa mga movie producers dahil sa hindi maitatanggi na nasa 100million pesos o higit pa ang kinikita ng bawat pelikula nito.


Mula sa mga solo movie na Petrang Kabayo at Private Benjamin, hanggang sa pakikipag tandem niya kina ultimate multimedia star Toni Gonzaga, queen of all media Kris Aquino at comedy queen AiAi Delas Alas, hindi na talaga mapaawat sa box office ang pangalan nito.

Kahit na ano pang blind item ang gawin ni Cristy Fermin, paninira ni Jobert Sucaldito at pasaring ni Willie Revillame, hindi na talaga nila basta-basta mapapalaos ang isang komedyanteng kinalolokohan kahit ng mga bata.

Tao lang din naman si Vice Ganda. May pangit siyang ugali, pero tingnan din nila yung pagiging mabuting tao niya.