1/30/2013

Willie Revillame, tinira si Vice Ganda patalikod!

Nagsimula na nga ang bagong noontime show ni Willie Revillame sa tv5, ang Wowowillie na reformat lamang ng kanyang primetime game show sa parehong istasyon, pero originally ay mula sa konsepto ng Wowowee mula sa abs-cbn na nagbigay ng malaking pangalan sa milyunaryong host.



Maraming technical problem ang unang episode ng nasabing bagong noontime show, kaya umabot ito ng alas kwatro ng hapon noong sabado ng magsimula ito ng 11:30 ng umaga.

At araw ng martes, nagparinig agad-agad ang aruganteng host nang sinabi nitong hindi daw nangungutya si Ate Gay, isang sumisikat na komedyante na ang exposure ay madalas sa tv5.

Parang gusto naming matawa kay Willie, dahil kung ito ay patungkol niya sa super sikat na Vice Ganda ng Its Showtime, katapat ng show nila sa oras at araw, huwag niya kalimutan ang sarili niya sa mga taong kinukutya din ang ibang contestant sa show niya noon pa man hanggang sa nandyan pa siya, kaya dagsa siya ng kontrobersya.

Pagsikapan nalang niya na iangat ang pangalan niya at ang show hindi dahil sa mga babaeng hosts at mga babaeng dancers na ginagawa niyang bentahe para makapang akit lamang ng manonood.

Sa totoo lang, boring na ang format ng shows niya sa ibat-ibang pangalan.

Kaya naman, no wonder na ang Eat Bulaga ang nananatiling nangunguna sa pagbibigay kasiyahan hindi dahil sa pera lang.

Ang Its Showtime naman ang nagbibigay sigla at aliw sa makabagong konsepto nito.

Kaya naman, goodluck sa show ni Willie.

1/21/2013

Pokwang, ayaw tantanan nina Cristy fermin atbp!

Ang mga patutsada ng libel queen na si Cristy Fermin at mukhang avatar na si Jobert Sucaldito sa star magic prized talent na si Pokwang ang ilan yata sa mga dahilan kung bakit pinagpapala ng nasa Itaas ito..

Korek. Sa mga blind item at paninirang sinusulat nila sa kanilang mga column at tv show nila, walang epekto para bumagsak ang isang Pokwang.





kesyo lumaki na ang ulo, walang utang na loob sa mga dating katrabaho, hindi lang naman siguro si Pokwang ang ganun sa showbiz.

baka naman gusto lang manggamit ng dalawang manunulat kasi hindi na sila napapansin, sa totoo lang.

Ilang beses na nilang pinagmamalaki na galing sa kanilang mga multong sources ang mga nalalaman daw nila sa komedyana.

Eh obyus naman na bitter sila. Hindi kasi nila type ang isang Pokwang.

Sorry nalang sa isang Cristy Fermin na ilang shows na ang natsugi kung nasaan siya at oras ng mga shows niya, kung saan-saan nalang nilalagay.

At kay Jobert, teh, pangit din naman ang ugali mo. Ikaw yung baklang nanlait sa mga batang basurero sa show ni Willie Revillame in Wowowee time. Mayabang na nga si Willie, pero nakakatulong naman, eh ikaw? Basta gwapo, tinutulungan mo. Mga talents mo, i-quest mo sa show ni Willie at baka sumikat pa. Hindi lang pang comedy bar ang venue ng mga shows.

Makikita naman yan kung sino ang pinagpapala talaga. Kung pangit ang ugali ni Pokwang, dapat kasing malas siya ng mga negatibong nangyayari sa inyong dalawa.

Ayusin nyo muna mga kaso nyo, kapag malinis na ang mga pangalan nyo, dun kayo bumunganga ng baho ng iba.

1/19/2013

Claudine, absuwelto! Juday, pinagmumulta!


Hanggang sa mga personal nilang isyu sa batas, talagang magkatapat ang balita sa dalawang reyna ng teleserye.



Ibinasura na ng korte ang kasong isinampa ng brodcaster journalist na si Mon Tulfo sa aktress na si Claudine Barretto. Wala daw kasing matibay na ebidensya na may dahilan na pagtangkaan ng aktres ang buhay ng matapang na journalist dahil nga ito ang naunang gumawa ng dahilan para siya labanan ng pisikal ng aktres sa unang pananakit nito, sa pisikal din ayon sa kuwento noong rambulan ng Santiago at ni Tulfo.

Si Juday naman, taong 2002 ay kinasuhan ng BIR ng tax exavation dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. Inalis na ang kriminal na kaso dito, pero pinagmumulta pa rin ng higit sa tatlong milyong piso.

Sana malagpasan na nang dalawang reyna ang mga negatibong isyu sa kanila ngayong bagong taon dahil sa totoo lang, sayang ang mga career nila dahil sa mga isyu.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Angeline Quinto, jackpot kina Sam Milby at Paulo Avelino


Isa na yata sa pinakamaswerteng leading lady ng pelikula at teleserye itong si star power grand winner Angeline Quinto dahil bukod kay teleserye prince Coco Martin na nakasama nito sa 2011 movie na Born To Love You under Star Cinema, makakasama niya sa bagong teleseryeng panghapon ang 2 sa pinakagwapong leading man ng henersayon ngayon, ito ay sina Paulo Avelino at Acoustic Hearthrob Sam Milby.


Hindi lang yata bilang Queen of Teleserye Theme Song ang gustong korona ng look a like di umano ng asia song bird Regine Velasquez, gusto din maging reyna ng panghapong teleserye.
Goodluck kay Angeline.

1/16/2013

Bela Padilla, dapat Pasikatin!

Hindi maitatanggi na isang Padilla si Bela. Dahil sa husay nito sa kanyang karakter sa pang hapong teleserye ng GMA7 na Magdalena.
Naging kontrobersyal man siya sa nakaraang taon dahil sa isang magazine, hindi ito nakaapekto sa kanyang kakayahan na ipakita sa iba na may nag eexist na gaya niya.


Kung tutuusin, nagsimula din naman si Marian Rivera, ang primetime queen ng GMA7 sa panghapon at naging supporting role, as in Nanay role ang ginampanan niya, pero hindi pa naman gumanap na Nanay si Bela, sa pagkakaalam ko.
At kahit in character siya, makikita mo na isang mabuting tao ang kamag anak ni Binoe ( Robin Padilla).
Di hamak na maganda ang pagdedeliber ng mga dialouges at umaarte ang mga mata ni Bela sa mga eksenang mabibigat sa kanyang teleserye.
Sana nga ay mabigyan ng importansya ang aktres na ito, sa totoo lang, kung sina Heart Evangelista at Marian Rivera ang mga pambato sa ngayon ng kapuso network, sana hindi mabalewala ang isang Bela Padilla.

1/12/2013

Claudine-Anne noon, Kris-Anne ngayon!

Parang same theme lang ang GMA Films 2010 movie na In Your Eyes sa ipapalabas na primetime teleserye ng ABS-CBN na Kailangan ko'y Ikaw.


Sa pelikula ay magkapatid ang karakter nina optimum star Claudine Barretto at viva entertainment sweetheart Anne Curtis.


Sa bagong teleserye ay magkapatid rin ang gagampanang role nina Anne at queen of all media Kris Aquino.
Sa pelikula, si Richard Guttierez ang pumagitan kina Claudine at Anne.
Sa teleserye, si Robin Padilla ang pag aagawan nina Kris at Anne.

Nagkasama na rin noon sa box office horror movie sina Claudine at Kris bilang magkapatid.
Magkaiba nga lang ang kuwento ng dalawang obra

1/10/2013

Kim Chiu tinalo ni Maja Salvador.

Kung sa primetime teleserye na Ina Kapatid Anak ay may mga eksenang nag aagawan ng karapatan bilang anak, at sa pag ibig ng isang lalake, mukhang magiging totohanan na ang sagupaan sa totoong buhay ng mag bestfriend na Maja Salvador at Kim Chiu dahil sa gwapong si Gerald Anderson.
Si Gerald ang rumor boyfriend noon ni primetime princess Kim Chiu at balitang nagkahiwalay na nga dahil na-linked pa ang aktor kay Pop star Princess Sarah Geronimo at si Kim naman ay kay Xian Lim.
Si Maja naman, ang two time 2011 movie best actress via Thelma, ay isa sa mga kilala sa pinoy showbiz na matalik na kaibigan ni Kim.
Pero mukhang hindi lang sa teleserye nila magkakaroon ng hidwaan ang mga karakter nila.
Dahil ng napapabalitang may relasyon na sina Gerald at Maja.
Syempre, hindi pa move on ang primetime princess at bestfriend pa niya ang ipinalit di umano sa kanya ng ex boyfriend.
Kung dati ang karibal niya sa kasikatan na pop star princess ang nali link at niligawan din di umano ni Gerald Anderson ay parang ok lang, dahil nga hindi naman sila ganun ka close ni Sarah Geronimo, na ilang beses nagpasaring sa aktor na womanizer sa tv show nito

Si Coco ang hari, si Daniel ang prinsipe!


Mukhang tuluyan ng natabunan sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz na mga tinuturing na haligi ng star magic-abs cbn.
Panahon na yata nina Coco Martin at Daniel Padilla dahil sa dami ng mga fans at magagandang programang nagre rate kung saan sila ang gumaganap na mga bida.
Tuluyan na ngang nalagpasan ng Indie Prince na ngayon ay Teleserye Prince na si Coco Martin ang hiyawan ng mga taong binibigay kay Piolo Pascual.
Kahit sa mga awards, ay hindi nagpatalo ang bida ng Juan Dela Cruz sa bida ng Apoy sa Dagat.
Sa kabilang banda naman, maituturing na panghakot ng televiewers ng abs cbn si Daniel Padilla dahil sa taglay nitong lakas ng karisma.
Nalagpasan na ng pamangkin ni Binoe ang kasikatan ni John Lloyd Cruz, pero hindi bilang pinakamahusay na aktor at box office king ng makailang beses.
Pero hindi pa naman nalalagpasan nina Coco at Daniel ang mga senior sa kanila. Siguro ilang taon pa para masabing sila na nga ang maituturing na most important stars ng abs cbn dahil mas bankable pa rin sina Piolo at John Lloyd.

Kidlat, hango sa Volta ang kuwento.


Maganda ang review sa unang episodes day ng fantaseryeng KIDLAT ng TV5 na pinagbibidahan ni universal leading man Derek Ramsay.
Pero kung susuriin ang pagkaka narate at tema ng kuwento, parang other version lang ito ng pelikula ni comedy queen AiAi Delas Alas, ang VOLTA.
Ito nga ba ay tadhana o sumpa?
Ang pinagkaiba lang ng dalawang palabas, comedy ang dating ng VOLTA at drama naman ang KIDLAT.
Babae ang nasa VOLTA at lalake naman ang nasa KIDLAT.

1/06/2013

Pelikulang "One More Try", kinukuwestyon?

Uso sa Pilipinas ang magsabi ng DINAYA. Kahit saang bagay, basta nakakaungos ang isang tao o isang bagay sa iba, sasabihan ng DINAYA sila.

Mahirap yata talaga sa Pinoy tumanggap talaga ng pagkatalo, kasi gusto nila sila lang ang magaling at nakakalamang sa mga kasabayan nila.

Gaya ng pelikulang ONE MORE TRY ng Star Cinema kung saan bida sina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban.

Dahil nga talunan sa pagka BEST PICTURE sa MMFF 2012 ang El Presidente at Thy Womb, nariyan na ang mga pambabanat ng mga detractors ng pelikula ni direk Ruel Bayani.

Kesyo mas historical ang movie ni ER Ejercito, kesa award winning abroad ang pelikula ni Nora Aunor.

Pero naisip ba ng mga mahilig lang pumuna na hindi lang pelikula nila ang pinalabas sa mga sinehan?
Napulutika man o hindi, kung talagang deserving ang movie nila, huwag nila iasa sa MMFF ang pagbibigay lang ng mga awards.

Nandyan pa ang FAMAS at URIAN.

Bawat panahon, nag iiba ang panlasa ng mga naghuhurado.

Hindi porket isang bayani ang ginampanan na role, pang best actor na. Hindi porket superstar ay laging best actress na. Hindi porket historical movie o pang international ang pelikula, pang best picture na.

Kesyo ginaya sa isang chinesse movie ang pelikula, eh halos lahat naman ng pelikula sa buong mundo magkakatulad. Hindi naman siguro nagkakaiba ang mga ideya ng writers dakung reyalidad sa totoong buhay ang pagbabasehan nila.

Its more fun in the Philippines talaga.

Judy Ann Santos, hindi na Reyna?

Pumangatlo lamang ang pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at AKO sa MMFF 2012 kung saan nagbida sina Vic Sotto, Bong Revilla Jr at Juday. Hindi man lang umabot ng 100M sa one week na pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Naungusan na sila ng drama movie na ONE MORE TRY at nagwaging best picture at 2nd MMFF 2012 movie na naka abot sa 100M+.

Mukhang pangalawang MMFF movie na ito ni Juday na semplang sa box office.

Kung tutuusin nga naman, kung walang tulong ng Star Cinema ay semplang talaga sa box office ang mga pelikula ni Juday, aminin man niya o hindi.

Makabawi pa kaya ang Teleserye Queen na pang independent film nalang daw sa pag arte.

Dati pa naman, kapag sa labas ng Star Cinema gumagawa ng movie si Juday, hindi talaga naghi-hit, kagaya ni Nora Aunor na superstar nga dahil sikat pero hindi ibig sabihin na lahat ng ginagawa nito ay nasa takilya.

Mukhang mawawalan ng korona sa box office ang dating young superstar.

1/02/2013

Angelica Panganiban, MMFF Princess???

Her MMFF via I Love You Goodbye under Star Cinema, na nag #1 in the end ng kinita at tumalo sa takilya ng movie nina Bossing Vic Sotto at Senador Bong Revilla Jr..

Her 2nd box office movie with Queen of All Media Kris Aquino and that time are the MMFF 2011 Best Actor Dingdong Dantes was Segunda Mano. Naging #2 sa box office, sunod sa pelikula nina Comedy Queen AiAi Delas Alas at Bossing Vic Sotto.

At ito ngang MMFF 2012 movie niya titled One More Try with Angel Locsin, Zanjoe Marudo at hinirang muling MMFF 2012 Best Actor Dingdong Dantes ang nag #2 muli sa box offfice sunod sa Sisterakas nina Queen of All Media Kris Aquino, Comedy Queen AiAi Delas Alas at Phenomenal Box Office Star Vice Ganda.

Kung sina Vic Sotto at Bong Revilla Jr ang mga hari at sina AiAi Delas Alas at Kris Aquino ang mga reyna ng MMFF every year sa box office, no doubt na isa si Angelica Panganiban sa ituturing na prinsesa lalo sa MMFF box office.

Although Judy Ann Santos, the teleserye queen was crowned box office queen ng ilang beses sa movie festival, iba pa rin ang genre ng kanilang mga pelikula kung bakit ito tinangkilik at pinanood.

More on comedy kasi ang kay Juday like sa Kasal, Kasali, Kasalo, isang heavy drama naman ang kay Angelica.

No doubt na pang Maalaala Mo Kaya ang drama ng movie ni direk Ruel Bayani, pero mahuhusay talaga sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa pelikula.

Isa na nga siyang maituturing na MMFF Princess, at muli pang babalik ng primetime teleserye via Apoy sa Dagat with Piolo Pascual ang Diamond Star Princess at Bidang Kontrabida.