12/21/2013

LaGreta, nagpaawa effect sa media!

Totoo nga kayang pinalitan na ni Gretchen Barretto si Dawn Zulueta na makakasama ni Richard Gomez sa pelikula nito under star cinema?

Base sa mga binigay na pahayag ni Greta sa media na kesyo mahal niya ang kapatid niya at may threat siyang natatanggap mula sa kanyang ama, hindia kaya bago na naman niya itong gimik para mapunta sa kanya ang simpatya ng mga tao?

To think na isang Cojuanco ang kanyang partner, kaya ba hindi rin magawang humiwalay ng mga Santiago lalo na si Raymart kay Greta dahil sa kaya nitong baligtarin ang kaso at impluwensya ng pamilya nito?

Hindi ba nila matinag ang kampo ni Claudine dahil rin sa kakayahan nito at impluwensya sa media bilang kilala at malaking artista?

Mukhang mahihirapan na si Greta na makuha ang panig ng mga manonood dahil na rin sa wala nitong habas na masasakit na rebelasyon, totoo man o hindi laban sa mga magulang at bunsong kapatid sa kanyang mga social network account?

Pero ni minsan ay hindi yata nagbigay ng mga pahayag na masasakit si Claudine sa kanyang ate Greta dahil kinukunsidera nito ang mararamdaman ng kanyang pamangkin na si Dominique.

Iyun ang wala ang kay Greta, ang tamang pag iisip kung siya ang nasa katinuan,ang isipin ang mararamdaman ng ibang kapamilya dahil gusto lamangibida ang sarili at kumuha ng ingay sa mga sasabihin niya.

Dapat ay magpasalamat siya sa kanyang bunsong kapatid, dahil kung si Claudine ay tuluyan ng mawalan ng respeto sa kanya, baka ang matitinding baho niya noon at sa kasalukuyan ang gawing baraha ni Claudine para paghigantihan siya.

12/17/2013

Claudine, gagawa ng pelikula sa 2014!

Hindi pa kumpirmado mula sa VIVA Films na kung saan ay kasalukuyang naka-kontrata si Claudine Barretto kung gagawin nito ang isang heavy drama movie kasama sina Gabby Concepcion at Derek Ramsay.



Nauna na rin ang balitang gagawin muna nito ang comeback movie sa star cinema kasama ang viva films kung saan ay makakapareha nito muli si Piolo Pascual.

Matagal-tagal na rin ang huling pelikula na nagawa ng optimum star at unang nahirang na reyna ng teleserye sa kapamilya network. Kaya naman marami na rin ang gustong makita siyang umaarte sa pelikula at tv series.



12/08/2013

Julia Montes to Julia Barretto

Mukhang may bago na namang paborito ang kapamilya network sa magbibida sa mga teleserye nila sa mga susunod na araw. Dahil balita ngang nilunsad ng bagong prinsesa ng abs-cbn si Julia Barretto, ito na rin ba ang pagwawakas ng kasikatan ni Julia Montes na sinasabing iiwanan na ang teen generation na viewers at si Kathryn Bernardo na nga ang matitira para hindi iwa ang korona sa bagong prinsesa?

Hindi pa man naipapalabas ang Mira Bela ay naroon na agad ang pagkukumpara kina Julia Barretto at Kathryn Bernardo na sinasabing pagsasabungin ng kapamilya network dahil sila ang mas bagay na pagtapatin.

Mabuhay nga kaya ulit ang rivalry sa bakuran ng abs-cbn kung saan nagdala kina Claudine Barretto at Judy Ann Santos sa tugatog ng tagumpay bilang mga orihinal na reyna ng mga teleserye.

12/03/2013

Anne Curtis at Marian Rivera, mga alta primadona!

Noong una ay na-blind item ang isang primetime queen di umano ng isang tv network na nagsungit at nag iwan ng linyang " Kaya kong bilhin ang mall na ito! " sa isangh sales lady dahil sa hindi nito nagustuhan ang mga pangyayari sa araw na yun.


Nakumpirma sa kumalat na blind item ang pangalan ni Marian Rivera, ang bukod-tanging reyna ng kapuso network bilang bituin nila.

At sa kasalukuyan ay ang bulung-bulungan naman sa isang primetime tv goddess ng isang malaking tv network ang napag alaman na sa sobrang kalasingan ay nakapanakit ng ibang tao sa kanyang kapaligiran at may mga linyang " I can buy you! I can buy your friends! I can buy this club! ", at yun nga ay walang iba kundi si Anne Curtis.

Hindi na bago ang mga nega na isyu kay Marian Rivera in real life sa dami ba naman ng mga naririnig talaga sa katarayan nito at hindi rin naman nakakagulat ang nangyari kay Anne Curtis sa ikinilos nito sa isang bar dahil sa mga role nito sa mga pelikula na pakawala at bad girl talaga.

Tao lang din sila, at hindi natin sila masisisi doon.

11/13/2013

Julia Barretto, bubuwagin ang KathNiel tandem!

Sa nalalapit na pagpapakilala bilang bagong primetime princess ng kapamilya, marami na ang nangangamba sa kapasidad ni Julia Barretto na maungusan ang mga naunang prinsesa sa kanya ng kapamilya network, na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Hindi lingid sa mga manonood ng telebisyon at pelikula at saan mang sulok ng pinoy showbiz ang impluwensya na dala ng apelyedong Barretto, bukod sa kontrobersya, ay kinikilala bilang pinagmulan ng may magagandang mukha sa showbiz na sina Gretchen, Marjorie at Claudine.



Hindi rin lingid sa lahat ng mga nakasaksi sa career ng tatlong naunang Barretto ang mga naiambag nila sa mundo ng pinoy showbiz, lalo na ang pinakabunso nila na si Claudine Barretto na dating reyna sa primetime soap opera ng kapamilya network at naging box office queen ng mga classic films ng star cinema.

At sa balitang pagpasok nga ni Julia Barretto sa mundo ng pinoy showbiz, marami ang nagsasabi na siya ang magiging dahilan ng pagbuwag ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa mga susunod na mga tv shows at pinoy movies.

Banta ito sa kasikatan na tinatamasa ni Kathryn habang kapareho sa Daniel Padilla, dahil posibleng makatambal din ni Julia Barretto ang nasabing Teen King ng henerasyon ngayon sa pinoy showbiz.

Kung maaalala ng ilan, si Kathryn Bernardo ang tinatawag na bagong Judy Ann Santos sa bakuran ng dos at si Julia Barretto ang sinasabing susunod sa yapak ng kanyang tita Claudine Barretto para gumawa ng sarili nitong pangalan sa primetime ng dos.

Hindi maiiwasan na pagkumaparahin ang dalawang batang aktres dahil na rin sa mga fans na sumusunod sa mga career nila.

11/04/2013

LaGreta, sikat sa paninira!

Mukhang hindi pa nga tapos si LaGreta sa kanyang mga paghihiganti sa pamilya Barretto.

Tuloy ang mga pasabog ng 'beautiful girl" ng Philippine showbiz laban sa kanyang pamilya, partikular sa kanyang mga magulang.

Marami itong rebelasyon na talaga namang pinagpipiyestahan ng mga tagasunod sa bawat detalye niya tungkol sa kanyang pamilya.

Hindi pa ito nakuntento sa pagsira sa pangalan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto, target naman nito ngayon ang kanyang ina na si Inday Barretto.

Kinalkal talaga ni LaGreta ang mga nakaraan na pwedeng ilaban niya sa kanyang mga tinuturing na kaaway sa buhay.

Hindi baq naisip ni LaGreta na sa bawat pagpatol niya sa kanyang mga bashers, pangalan niya rin ang nasisira?

Sabagay, noon pa man ay sirang-sira na siya at nalinis lamang ito ng sumikat ang kanyang kapatid sa mundo ng pelikula at teleserye.

Totoo man o hindi ang mga binabato sa kanya, kagaya ng scam sa pagbigay ng award noon, panlalalaki habang karelasyon ang isang Cojuanco, photo kiss scandal sa isang aktor, pagwawala sa isang restaurant dahil hindi gumana ang kanyang credit card at pagbabalik showbiz dahil wala ni singko siyang makukuha sa kinabitan niyang negosyante, patunay lamang na hindi nga naging maganda at magiging maganda ang buhay ni LaGreta kung patuloy siyang magiging masama sa kanyang mga magulang.

Ika nga, hindi gaganda ang buhay kung hindi ka mabuti sa iyong mga magulang.

Bea Alonzo, bagong MOVIE QUEEN

Mukhang ang drama princess ng kapamilya network na si Bea Alonzo ang bagong paboritong leading lady sa mga higanteng pelikula ng star cinema.

Kaya naman hindi naman siguro mamasamain ng mga kasabayan niya na siya ang tanghaling bagong Queen of Philippine Movies ng kaqnyang henerasyon.

Kahit sabihin pang si Sarah G. ang may pinakamalaking kinita sa pelikula ngayong taon ay walang duda naman na si Bea A. ang may magkakasunod na pelikulang tumabo sa takilya.

Hindi rin naman pwedeng ipilit na sina Angel Locsin at Anne Curtis ang magmay ari ng titulo dahil kung ikukumpara ang mga last movie nila sa movies ni Bea A., wala nang dapat pang ipagkumpara.

----------------

Sa balitang magiging kapamilya na ang nakilala sa bakuran ng kapuso network na si Richard Guttierez, isa si Bea Alonzo sa papalarin o vice versa na makakapareha nito.

Mukhang may hatak rin ang dalawa, dahil napatunayan naman ito ng star cinema kay DingDong Dantes na nakasama ni Bea A. sa pelikulang She's the One.

At kung sakali, magbabalik din ang dating tambalan nina Angel Locsin at Richard Guttierez.

Toni G., naungusan na naman si Sarah G.

Mukhang shelved na nga ang weekly drama anthology ng pop star princess na si Sarah Geronimo, ang Sarah G. Presents sa abs-cbn na kapalit sana ng kanyang nawala na rin sa ere na musical tv show.

Naging isa sa mga mentor ng The Voice of the Philippines si Sarah kasama sina Bamboo, Lea Salonga at Apl de Ap, pero hindi pinalad ang kanyang manok na naging kalaban niya rin noon sa isang tv singing contest, 10 years ago.



At ang malaking intriga nga ay bukod sa hindi siya ang naging tv host ng The Voice of the Philippines ay naagawan na naman di umano siya ng tv sitcom ng ultimate multimedia na si Toni Gonzaga, at naging host ng nasabing katatapos lamang na The Voice.

Matagal ng kinukumpara ang dalawang multimedia stars, mula sa mga pelikula na halos pareho ang kanilang forte, lamang nga lang ng ilang puntos si Toni G. sa pagiging natural nito sa mga karakter.

Si movie drama king John Lloyd Cruz ang makakapareha ni Toni G. sa nasabing sitcom na may pamagat na Home Swettie Home, na balitang kay Sarah G. unang inalok.

Walang regular tv show si Sarah G. bukod sa mga guestings nito sa ASAP ng kapamilya network, kung saan naman ay si Angeline Quinto ang tinuturing na bagong prinsesa ng musical tv show.

---

10/08/2013

Ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen, nagsalita na!

" Kung kinakahiya nila ang apelyedong Barretto, palitan na nila! "

ang mga katagang iniwan ng Ama ni Claudine sa isang press ambush interview after ng press conference last week. Patunay lamang na ito ang paraan ng ginagawang pagtulong ng ama ng mga Barretto para sa aktres na si Claudine.

Laging linya sa mga interviews nina Raymart Santiago, Marjorie Barretto at Gretchen na tulungan daw sana ng mga magulang ni Claudine ang aktres dahil nga sa kakaibang ugali nito, pero hindi ba nila naisip na iyun ang pamamaraan ng dalawang matandang Barretto para tulungan ang kanilang anak sa pinagdadaanan nito sa kasalukuyan?

Kung kinakahiya ni Marjorie ang kanyang kapatid, bakit hindi ba niya kinakahiya ang ginawa niya na maging kabit ng isang pulitikong tao? Balitang nagpabuntis at nanganak pa? Nakipaghiwalay sa asawang komedyante dahil hindi masuportahan ang luho na kagaya ng ate Greta niya? Kaya umaasang sisikat at mapapantayan ng kanyang anak na si Julia Barretto ang kasikatan ng kanyang bunsong kapatid sa larangan ng pag arte? I doubt it na kayang ungusan ng sino man ang achievement sa pamilya Barretto ang nagawa ng isang Claudine.

Saka wag masyadong magmalinis si Gretchen na pagkatapos sumikat ang Magkaribal na teleserye niya dahil sa panggagamit sa pangalan ng kapatid niya, tuluyan na naman siyang nawala sa ere.

Tama ang ama ng mga Barretto, nakakaduda nga naman na ibigay ni TonyBoy ang apelyedo nito sa kerida lamang niya.

At hindi gagamitin ni Marjorie ang apelyedo ng dati niyang asawa dahil aminin man niya o hindi, wala talagang pag asa na sumikat pa siya. Ni hindi nga yata nakaranas ng awards ang Marjorie na yan. Hindi lang ganda ang puhunan sa pag aartista. Puhunan sa pangangabit, pwede pa!

At kahit siraan at tuluyan nilang pabagsakin ang kapatid nila, ang institusyon sa mundo ng showbiz babangon at muling magre-reyna! Yun na!

10/04/2013

Claudine laban kina Gretchen at Marjorie!

Kung magiging bias man ako sa magiging opinyon ko, yun ay dahil Claudinian ako.

Una, tama naman si claudine, bakit hindi palitan nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto ang mga apelyedo nila? Dahil ba sa hindi sila magawang pakasalan ng mga partner nila sa kasalukuyan?

Si Gretchen, hindi magawang iharap sa altar ng isang Cojuanco dahil nga siya ay certified na kerida lamang.
Walang karapatan magmalaki at maging legal dahil sa estado ng relasyon niya sa isang mayamang negosyante. Pilit na kumakapit at hindi mabitawan ang ginhawang buhay na binibigay sa kanya, kung magsalita sa pagiging tao ay hindi naman nababagay sa kanya. Saan ka nakakita ng rosaryo na ginawang polseras lamang ng isang nagpapakontrobersyal na aktres na sa ngayon ay wala ng anumang tv project o pelikula man lang na kikita sa takilya. Siya ang panganay pero siya ang unang nagdala sa kahihiyan ng kanyang pamilya Barretto.

Maganda na sana ang imahe ni Marjorie bilang may bahay ng isang Padilla pero mukhang nahawa ng pagiging mukhang pera ng kanyang ate Greta. Naisyung kabit ng isang pulitikong tao, nagpabuntis pa. Kung makapagsalita naman ng kabutihan niya bilang Nanay, maganda bang imahe yun sa mga anak niya?

Bago sila magkomento ng laban sa kapatid nila, dapat nga ay malaman nila na walang patutunguhan ang mga buhay nila kung pati magulang nila ay kakalabanin nila.

Nagrerepleka daw sa anak kun paano sila pinalaki ng mga amgulang nila, may mga isip na sina Greta at Marjorie, so kung paano sila nakikita ng mga anak nila, ganun ds rin ang mga tio sa paglipas ng panahon? Magiging kerida?

Iyan ang opinyon ko!

9/12/2013

Juday at Claudine, battered wife?

Sa huling tv show ni Claudine Barretto sa tv5 kung saan ay gumanap itong maybahay na binubugbog ng kanyang asawa.

Sa huling teleserye ni Juday sa abs-cbn2 ay isang maybahay din ang role nito na sinasaktan ng kanyang asawa.

Sa totoong buhay ay nagawang saktan si Claudine ng kanyang asawa.

------
Anne, pag-aagawan nina John Lloyd at Piolo!

Balitang magsasama sa isang teleserye ang tatlo sa mga indemand actors sa pelikula at teleserye ng abs-cbn pero wala pa itong malinaw na kumpirmasyon.

Gretchen, bitter kay Claudine!

After magbida sa successful na teleseryeng Magkaribal noon sa abs-cbn sa primetime, ay mukhang mahihirapan na si La Greta na magbida muli sa mga telserye ng abs-cbn dahil sa mga sumunod na proyekto niya sa kapamilya ay mga pang support role at guest na lamang siya.

Umingay lang naman noon ang teleseryeng Magkaribal dahil napabalitang magkakasama sila ng kapatid niyang si Claudine na dating nagrereyna sa teleserye ng dos pero lumipat ito sa kalabang istasyon.

At ngayon nga na may mga isyung kinakaharap si Claudine sa kanyang pamilya at sa asawang si Raymart Santiago, hindi pa rin tumigil si La Greta sa pang aasar sa kapatid mula sa mga komento niya laban dito at sa mga pictures niya sa mga Tulfo brothers at kay Randy Santiago na ilan sa mga taong umuugnay sa pagkasira ng career sa industriya ni Claudine.

Pero kahit anong gawin ni LaGreta na pang-aasar ay hindi nakatulong sa kanya para muling magbida sa teleserye dahil naging guest lamang siya sa natsuging telserye ni Judy Ann Santos, ang mahigpit na kalaban sa korona ni Claudine bilang teleserye queen.


-----

Judy Ann Santos, ayaw malaos!

Pumirma na muli ng 2 taong kontrata si Judy Ann Santos. Natapos na ang pag iingay tungkol sa paglipat niya ng tv network. Aminin man o hindi ni Juday, alam niyang mawawala ang korona sa kanya kapag lumipat siya at tuluyan na siyang malalaos. Sa dami ba naman na talents ng abs-cbn, walang duda na kayang-kaya siyang palitan bilang bagong reyna ng abs-cbn sa mga teleserye, lalo pa at isang Kathryn Bernardo lang ang nagpatalsik sa kanya sa primetime sa kanyang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala.

8/23/2013

Regine at Jaya, waley kay ZsaZsa Padilla!

Sa bawat episode every sundays ng ASAP18, ang musical variety show ng kapamilya network ay madalas napapanood at napapansin ng mga manonood ang VIP treatment sa divine diva na si Zsa Zsa Padilla, mula sa lagi itong huli sa mga magpe-perform at pang reyna talaga ang mga costumes nito sa introduction ng nasabing noontime show every sundays.



Kaya naman hindi naman mapipigilan ng ilang mga manonood at tagahanga ng nasabing tv shows na ikumpara ang level ni Zsa Zsa sa dalawang reyna din sa kantahan sa kapuso network.

Ilang musical tv shows every sundays na ang sabay na pinag-reynahan nina songbird Regine Velasquez at soul queen Jaya sa kapuso network pero waley pa rin ito sa tv ratings kahit ilang reformat na ang ginawa, kaya ang ending ay parang naging pang thats entertainment nalang ang show at naging judge nalang si Jaya, samantalang si Regine ay naging cooking show host nalang.


8/16/2013

Juday at Marian, parehong kulang sa pansin?

Mukhang parehong agaw exposure sa media ang dalawang reyna ng kapamilya at kapuso network dahil sa mga natapos nilang kontrata at pagpaparamdam sa mga mother network nila sa mga ginagawa nilang eksena na kesyo may balak na nga nilang lumipat ng ibang istasyon at kung anu-ano pang isyu para lang mapag usapan sila at habulin ng kanilang mga network.



Magkaiba man sila ng estado dahil mas senior nga si Judy Ann Santos at kilala bilang Queen of Pinoy Soap Opera at Primetime Queen naman ang titulo ni Marian Rivera, ay hindi naman magkaiba ang gimik ng parehong kampo sa ginagawa nilang pagdedesisyon kung saang istasyon nga ba sila tutungo after ng contract expiration ng mga career nila sa mga ito.

Balik GMA7 pa rin si Marian after nito pumirma muli ng kontrata at wala pang balita kung tuloy-tuloy na ba ang pananatili ni Juday sa istasyong nagpasikat sa kanya ng 20years.

Angel, Bea at Toni, tuloy ang sapawan!

After ng successful movie nilang Four Sisters and a Wedding ay tuloy muli ang banggaan ng tatlong movie box office leading ladies ng kapamilya network.

Balitang may pelikulang gagawin si Angel Locsin kasama si Vhong Navarro. Magtatambal naman sa kauna-unahang pagkakataon sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. At sa muling paggawa ni Dingdong Dantes ng pelikula sa ilalim ng star cinema ay makakatambal naman niya dito si Bea Alonzo.

Marami ang nakapansin sa tagisan sa pag-arte at agawan ng mga eksena sa nakaraang pelikula nila ang tatlong box office leading ladies, at muli itong magpapatuloy sa kanya-kanya nilang mga pelikula sa kapamilya network.



Nauna nang na-isyu sina Toni at Bea, dahil napunta nga kay Bea sina Robin Padilla ( Gun & Roses na teleserye ) at Vic Sotto ( Pak Pak My Dr. Kwak movie ) na parehong naunang napabalitang makakasama sana ni Toni sa mga pelikula.

Naging magkaribal din sa kanilang kasikatan sina Bea at Angel noong nasa kapuso network pa ang huli. Matatandaang pinagkumpara ang mga pelikula nila.

Naungusan pareho ni Bea sa takila sina Toni at Angel sa mga pelikula nila noong nakaraang taon kaya naigawad kay Bea Alonzo ang box office queen title 2012.

Angel-Anne, ang bagong Juday-Claudine rivalry?!?

Marami ang nakakapansin na mukhang hindi na nga maiiwasan nina Angel Locsin at Anne Curtis ang isat-isa dahil mga ginagawa nilang mga proyekto sa kapamilya network na halos magkakatulad at magkasunod lamang na naipapalabas sa telebisyon.

Pinagsama ang dalawa sa noontime show na Its Showtime kung saan ay main host si Anne at guest host si Angel, lalo na kung wala nga si Anne sa nasabing noontime show ay si Angel ang nagiging kapalit niya.



Napapabalitang may pelikulang gagawin si Angel kasama si Vhong Navaro under star cinema at lumabas na rin ang balitang may balik tambalan sina Anne at Sam Milby under viva at star cinema itong taon.

Hindi lang sa pelikula at tv shows pinagkukumpara ang dalawa, pati sa mga tvc nila ay talagang nag-aagawan sila ng eksena sa mga manonood.

Sila na nga ba ang bagong Juday-Claudine sa kapamilya network?

8/13/2013

Serye ni Julia Barretto, shelved!

Paulo Avelino, inagawan ni JC de Vera.

Sa paglipat ni JC de Vera sa kapamilya network ay mabilis nitong inagaw ang atensyon ng mga kapamilya viewers sa angkin nitong kagwapuhan at kaseksihan.

Pero ang mas naging agaw eksena nito sa pagpasok sa kapamilya network ay ang balitang pagkuha nito sa role na sana ay kay Paulo Avelino kung saan magbibida sa isang teleserye si Angel Locsin sa primetime nang nasabing network.

Serye ni Julia Barretto, shelved!

Hindi na matutuloy ang sanang launching teleserye ni Julia Barretto gawa ng may masabing racism issues ang mga matatalinong manonood.

Papalitan na lamang ito ng isang bagong serye pero wala pang kumpirmasyon sa nasabing istayon kung kailan ito ipapalabas.

Julia Montes, secured na sa titulo!

Sa pag ere ng kanyang Muling Buksan ang Puso na teleserye sa primetime ng kapamilya network, iginawad na agad ang titulo bilang teleserye sweetheart sa sikat na batang aktress.

Empress Schuck, taob kay Andi Eigenman!

Mukhang naungusan ng heir of drama Andi Eigenman ang kasabayan nito sa titulong si empress of drama Empress Schuck sa pagkakaroon ng sarili nitong entilted name na teleserye, ang Galema, na isang fantaserye na ipapalabas soon sa kapamilya network at naging pelikula noon.



Kabilang man sa cast ng seryeng Huwag Kalang Mawawala ng pinoy soap opera queen Judy Ann Santos ay hindi nabigyan ng magandang exposure si Empress at malapit na rin itong mawala sa ere.

Juday, takot ma-flop ang teleserye sa dos!

August 13, 2013 - Marami ang nagsasabing matutulad sa mga nauna niyang teleserye na Habang May Buhay at Ysabella ang Huwag Kang Mawawala kung hindi na ito tsutsugiin sa primetime slot sa kapamilya network.

Aminado ang pinoy soap opera queen Judy Ann Santos na hindi malayong maging katulad nga sa mga huli niyang serye ang mangyari sa teleserye niyang HKM kung pahahabain pa ang istorya nito.

Ang 13weeks na itatagal ng kuwento ay magiging 12weeks nalang, dahil na rin sa kahilingan niya na tapusin na ito habang nagre-rate pa.

Pero base sa obserbasyon ay noong July 14, 2013 pa natapos ang kontrata niya sa kapamilya network, at balitang makikipaga meeting siya sa karibal na istasyon ng kanyang mother network.

Pinabulaanan naman ito ng kanyang kampo, sa katunayan ay bago matapos ang buwan ng August ay pipirma mula ng kontrata ang prime drama actress sa kapamilya network.

Hindi naman daw masama ang loob ni Juday sa isyu na kaya aalisin na sa ere ang kanyang maikling serye ( sa kasaysayan ng pagbida niya sa teleserye ) dahil sa pagpasok ng Got To Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.




Kathryn Bernardo, patatalsikin na si Juday

Dahil siya na nga ang pinaka-mabentang young star sa henerasyon ngayon, at isinusunod sa yapak ni pinoy soap opera queen Judy Ann Santos, hindi naging madali ang mga isyung ibinabato sa Teen Drama Queen na si Kathryn Bernardo na tawaging mang-aagaw ng korona sa nauna sa kanya.

Pero itinanggi ni Kathryn na may kinalaman siya sa desisyon ng abs-cbn managemanet sa pagpasok ng kanilang serye ni Daniel Padilla sa primetime slot at alisin na ang Huwag Kalang Mawawala ni Juday.

Hindi rin naman magtatagal ay sa kanya ipapasa ang korona kung sakaling magtagal siya sa industriya at sa kapamilya network.

Claudine-Piolo sa "Eternally" movie

August 13, 2013 - Nabalita sa TV PATROL ang muling pagbabalik tambalan sa pelikula nina ultimate heartthrob Piolo Pascual at Optimum Teleserye Queen Claudine Barretto.

Ito ang matagal ng napapabalitang ETERNALLY movie ni Claudine under viva films at automatikong co-produce ng star cinema ng abs-cbn.


Hihintayin nalang ang mga free schedule ng dalawang prime actors na huling nagsama sa pelikulang Milan at teleseryeng Walang Kapalit sa abs-cbn.

Uunahin pa kasi ni Piolo ang pelikula kay ultimate multimedia star Toni Gonzaga at Iza Calzado.

Mukhang mauunahan pa ni Claudine ang pinoy soap opera queen na si Judy Ann Santos na makatambal ang dati rin nitong ka-loveteam sa pelikula sa ilalim ng star cinema.

---------------

Tom Rodriguez, mas feel ang bakla kesa tomboy!

Sa paglipat ni Tom Rodriguez mula kapamilya network to kapuso network ay mas nabigyan siya ng pansin sa kanyang role bilang Vincent na isang discreet gay guy sa teleserye ng kapuso network sa primetime na My Husband's Lover.


Sa Be Careful w/my Heart ng kapamilya network ay supporting role lamang ang napunta sa kanya pero kung mapapansin ay may love interest siya kay Aiza Seguerra na isang lesbian na ina ng kanyang anak.

Pero mukhang mas gusto ni Tom ang kapwa lalake ( Dennis Trillo na gumaganap na kanyang lover sa serye ) kesa sa isang nagpapakalalake na babae.

8/06/2013

Huwag Ka Lang Mawawala, tsugi agad-agad?

Mukhang hindi nakatulong ang titulo ni Judy Ann Santos bilang soap opera queen para mapatagal man lang ang kanyang seryeng Huwag Ka Lang Mawawala sa primetime slot ng kapamilya network.



Hindi rin nakatulong ang parang minor role ng empress of drama na si Empress Schuk sa nasabing serye, hindi rin nahila sa mas matagal pang pagpapalabas nito sa tambalan nila ni Joseph Marco.

Wala ring nagawa ang exposure ni Amalia Fuentes na kilala pa naman bilang movie queen noong panahon niya.

At kahit sa pagpasok ni Gretchen Barretto ay tuluyan na ngang hindi nakatulong para ma-extend pa ito.

Hindi naman siguro ito isisisi kay KC Concepcion na may isyung "jinx" sa mga hindi kumikitang proyekto ng kapamilya network.

Maganda naman ang takbo ng kuwento, mabilis ika nga ang mga pangyayari, nakatulong para mas abangan ng mga manonood, pero yun nga lang, mukhang hindi na panahon ni Juday para maging reyna ng primetime slot, dahil mas nagtagal pa nga sa ere ang serye ng ilang batang kapamilya stars, na kung tutuusin ay wala naman talagang maibubuga sa reyna ng soap opera.

May isyu na magtatapos na kasi ang kontrata ni Juday sa kapamilya at balitang naghihintay na lamang ito matapos para lumipat at makipagkita kay MVP ang may ari ng tv5.

Yun na!

8/02/2013

Gretchen Barretto, ginamit si Claudine!

Mukhang wala na yatang pagkakataon si La Greta na magbida sa isang teleserye ng kapamilya network sa primetime slot after ng phenomenal hit na Magkaribal.


Dahil after nga ng Magkaribal ay naging major support nalang ang role niya sa Princess and I na pinagbidahan ng kapamilya Teen Queen na si Kathryn Bernardo.

Pagkatapos ay naging guest character na lamang sa Juan Dela Cruz ang Primetime drama King na si Coco Martin.

At after nga ng kanayang pinagmamalaking Cinemalaya indie film na Diplomat Hotel, ay isiningit na lamang siya sa Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos na kilala bilang Pinoy Soap Opera Queen.

Sa totoo lang ay umingay ang Magkaribal na serye na sana ay pagsasamahan ni La Greta at ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto na Optimum Teleserye Queen ng kapamilya network bago ito lumipat ng kabilang istasyon.

At ang Alta na sana ay pagsasamahan nina La Greta, KC Concepcion at Angelika Panganiban ay tuluyan ng na-shelved.

Kaya huwag ng umasa si La Greta na tawagin pa siyang reyna dahil hindi niya malalagpasan man lang ang isang institusyon ng pinoy soap opera ng kapamilya network at yun ay walang iba kundi sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos lamang.

7/24/2013

Queen of Movies meets Queen of Teleseryes

Dahil hindi na sila gaanong napapanood sa mga pelikula, o madalas ay supporting role nalang ang mga karakter sa mga pelikula na pinagbibidahan naman ng mga bagong henerasyon at sikat na artista ngayon, mukhang nagiging visible na sa mga teleserye sa tatlong tv network ang mga movie queens noong 60's.

Nauna na rito si Susan Roces na mas tumatak ang pagbabalik teleserye sa Iisa Pa Lamang 2009, na major support sa bida ng tv serye na si Claudine Barretto na nakoronahan sa nasabing teleserye bilang Philippines Optimum Teleserye Queen.



Ang sumunod naman ngayon ay si Amalia Fuentes para sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala 2013, kung saan ay bida ang Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.


Matatandaan na magkakasama sana sa isang higanteng teleserye sa primetime ng kapamilya network ( Muling Buksan ang Puso )ang dalawang movie queens pero umatras si Amalia Fuentes dahil hindi daw nito ang gustong role na napunta sa kanya.

 Hindi pa pala natatapos ang rivalry ng dalawang reyna noong 60's at nakisanib pwersa sila sa mga reyna naman ng teleserye na nag aagawan din sa korona at mahigpit na magkatunggali sa nasabing titulo..

7/19/2013

Happy Birthday Optimum Star

Hailed as Primetime Queen via Mula sa Puso, entitled as Versatile Young Actress in Saan Ka Man Naroroon and she called as Teleserye Queen via Sa Dulo nang Walang Hanggan.

Pinakilala bilang pinakasikat na Soap Opera Princess sa seryeng Ikaw ang Lahat Sa Akin, kinuronahan bilang Fantaserye Queen sa Marina, binansagang Teleserye Legend sa Walang Kapalit, tinanghal bilang TV Classic Lead Actress sa mini seryeng Maligno at pinagmalaki bilang Philippine's Optimum Teleserye Queen ng kapamilya network sa teleseryeng Iisa Pa Lamang.

Sa pagdaan ng panahon, naging Controversial Queen at isang sikat na celebrity na pinag uusapan sa bawat sulok ng showbiz industry.



Naging Box Office Queen sa pelikulang Got To Believe at Kailangan Kita.

Naging Award Winning Actress sa pelikulang Dubai, Milan at Nasaan Ka Man.

Naging isa sa mga Highest Grossing Movie star at block buster star via Sukob.

Nasama ang pangalan sa Walk of Fame bilang Optimum Drama Queen.

Naging reyna ng pinakasikat na talent agency sa bansa na Star Magic.

Sa paglipat ng mother network, kinilala bilang Drama Queen at hindi naglaon, siya ang isa sa mga sikat na bituin na dumagdag sa listahan bilang bansag na Optimum Star (super star, star for all seasons, mega star at diamond star).

Tunay na isa siya sa mga itinuturing na nag reyna sa dekadang dumaan.

Happy Birthday Claudine Barretto!

7/13/2013

Juday at Empress, nagsanib pwersa!

Mukhang kailangan na ni Judy Ann Santos bilang reyna ng pinoy soap opera ang tulong at suporta ng mga showbiz royalties mula sa kaharian ng star magic ni Mr. Manahan.

Kahit ayaw o gustuhin man ni Alfie Lorenzo na may makasama sa teleserye ng alaga niya mula sa kaharian ni Mr. Manahan ay wala siyang magagawa dahil ang mga sumasakop sa bakuran ng dos ay ang mga alaga ng star magic ng director.



Una nga dito ay ang napiling maging leading man ni Juday si Sam Milby.

At ikawala ay makasama si Joseph Marco.

At ang ikatlo ay ang mapabilang sa cast ang empress of drama na si Empress Schuk.

Malaki din naman ang maitutulong ng mga taga star magic talents dahil sila ang priority ng kapamilya network sa mga tv shows at tv series nila at sila ang mas IN ngayon sa mga manonood.

Nauna na itong nagawa ng kapamilya network ng pagsamahin nila noon sa seryeng " Ikaw ang Lahat sa Akin " sina Drama Princess Bea Alonzo at Optimum Star Claudine Barretto.


7/10/2013

2013: Juday, nanganganib ang korona kay Claudine

Sa pagbabalik kapamilya network ng tinaguriang Optimum Teleserye Queen ng abs-cbn na si Claudine Barretto, maraming opinyon na ang kumalat sa bawat sulok ng showbiz industry.



Nasa posisyon na si Judy Ann Santos bilang isa sa mga pinaka malaking artista ng kapamilya network, siya ang reyna ng pinoy soap opera, na iginawad sa kanya two years ago ng lisanin ng mortal niyang kalaban sa karera at korona , na si Claudine ang kaharian ng nasabing istasyon.

Ngayon na balitang babalik na nga sa kanyang tahanan ang dating kapamilya star at reyna ng star magic, ano na nga kaya ang mangyayari sa isang Judy Ann Santos.

Mabubuhay ang kanilang rivalry o muli siyang mababalewala dahil sa paboritong prime talent noon ng abs-cbn.?

7/02/2013

Claudine balik Star Cinema.

After ng kanyang comeback movie soon via Viva Films, muling susubukan ng Star Cinema na ibalik ang kinang ng pangalan at box office appeal ng Optimum Teleserye Queen sa big screen sa kanilang film production.

Wala pa naman na record na naging flopsina ang mga ginawang movie ni Claudine under Star Cinema bago niya ito nilisan at lumipat sa Viva Films.


Hindi rin masasabing hindi kumita ang huli nitong pelikula na In Your Eyes na may worth 60 Million Pesos plus na kabuuhan na box office sales under Viva noong 2010.

Kung wala pang kasiguraduhan ang pagbawi ng korona sa teleserye ay muli munang susungkitin ng Optimum Teleserye Queen ang korona sa movie box office o kahit sa mga best actress awards.

Speaking of Star Cinema, parang napakatagal na yatang walang ginagawang pelikula sa ilalim nila ang reyna ng soap opera na si Judy Ann Santos.


Bukod sa naging 2nd choice si Juday sa role ni Comedy Queen AiAi Delas Alas nakaraang MMFF 2012 movie at hindi man lang humakot ng mga awards at pangatlo lang sa box office, ay tinanggihan naman siya makasama ni Primetime Queen Marain Rivera sa MMFF 2013 movie under Regal films.

Mukhang tuloy na ang rivalry ng dalawang reyna ng teleserye kung sakaling magbalik kapamilya na nga si Claudine at gumawa muli ng mga proyekto sa abs-cbn.

Kung matatandaan, sa pag alis ni Claudine sa kapamilya network ay hinirang na reyna ng soap opera si Judy Ann Santos at inere ang shelved sanang teleserye nito na Habang May Buhay na 3 taon na paiba-ibang kuwento ang ginawa bago naipalabas,

6/27/2013

Julia Montes at Kathryn Bernardo, tuloy ang Banggaan!

Sa darating na Hulyo taong 2013 ay tuloy ang tapatan sa primetime ng dalawa sa pinakabagong prinsesang nagbabanggan sa bakuran ng kapamilya network.

Magpapakilig sa Got To Believe ang serye ni Kathryn Bernardo at muling magpapaiyak si Julia Montes sa Muling Buksan ang Puso.

Walang duda, sila na nga ang makabagong Juday at Claudine ng abs-cbn primetime tv drama.

Julia Barretto, sumisikat ng dahil kay Claudine!

Hindi man nakikita o naririnig sa telebisyon ang pagsuporta o pagpuri ng Optimum Star Claudine Barretto sa pamangkin niyang si Julia Barretto sa pagpasok nito sa pinoy showbiz sa bakuran ng abs-cbn at sa pamamahala ng star magic ay parang ang mga sinasabi ng ilang mga taga media at kapwa nasa showbiz ang tumutulong para sumikat ng husto ang anak ni Marjorie Barretto dahil sa mga pagkumpara ng mga ito sa pwedeng kahinatnan ng career ng bagong Barretto sa showbiz.

Hindi pa man nai-ere ang sarili nitong teleserye at may mga tv drama guestings gaya sa Maalaala Mo Kaya ay tinuturing na siyang bagong prinsesa ng kapamilya network.

Isa rin sa mga nakakaimpluwensya sa kasikatan ng dalagitang Barretto ay ang mga magagandang komento sa kanya ng kanyang tita Gretchen Barretto sa harap ng kamera.

Nakatulong rin sa kasikatan ngayon ng dalagita ang mga exposure nito at gandang taglay na tunay na tatak ng kanilang pamilya.

6/18/2013

3 Box Office Queen ng Kapamilya, sanib pwersa!

Sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang  4 Sisters and the Wedding na pagbibidahan ng malalaking pangalan mula sa kapamilya network ay hindi ito naging madali sa movie production dahil nga bihira ang ganitong pagkakataon na pagsamahin sa iisang pelikula ang mga REYNA nila.

Una sa listahan ang award winning drama actress, 2012 Box Office Queen at primetime tv drama princess na si Bea Alonzo.

Ikalawa ang award winning tv host at RomCom Box Office Queen na si Toni Gonzaga.

Ikatlo ang primetime tv goddess at best actress of 2012 na si Angel Locsin.

Naging isyu ang billing, kung sino nga ba dapat ang mauna at sino ang may "and" .

Kasama rin sa nasabing pelikula ang tv drama sweetheart na si Shaina Magdayao at Enchong Dee.

6/04/2013

Sina Krystal Reyes, Barbie Forteza at Joyce Ching ang gaganap na Ana, Karen at Nina sa bagong primetime tv show ng GMA7 na Anna Karenina.

Ito ay isa sa mga longest weekend drama ng GMA7 noong 90's na pinagbidahan nina Antonette Taus, Sunshine Dizon at Kim Delos Santos.

Magawa nga kayang maiangat ng nasabing bagong serye ang mga pangalan ng mga young stars ng kapuso network ang dating teleserye na nagpasikat sa mga dati nilang young stars?

bagong teleserye ni Juday, walang dating?

Magbabalik teleserye ang reyna ng soap opera na si Judy Ann Santos sa kapamilya network.

Sa loob ng 3 taon ay muli ngang magre-reyna sa primetime ang drama actress.

Nakasuporta sa pagbibida ng aktress ang mga pangalan nina Sam Milby, John Estrada at KC Concepcion.

Sa trailer palang ay mukhang suspence drama ang bagong palabas ng teleserye queen na may pamagat na Huwag Ka Lang Mawawala.

Pero marami ang nakapansin na hindi ganun kalakas ang dating nito sa mga nakapanood ng trailer.

Kahit paulit-ulit ang kuwento ng mga serye sa kapamilya network ay hindi naman talaga matatawaran ang husay nila sa mga tv drama shows.

Muli nga kayang mabawi ng reyna ng soap opera ang kinang nito sa primetime ng kapamilya network?

Amalia Fuentes, hindi feel ang teleserye?

Akala ng kanyang mga tagahanga ay muling mapapanood muli ang husay sa pag arte ang movie queen na si Amalia Fuentes sa telebisyon sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso sa kapamilya network kung saan ay makakasama sana nito muli ang kanyang kapwa reyna at kasabayang si Susan Roces.

Wala pang malinaw na dahilan ang pagbitaw ng movie queen sa role niya sana sa nasabing teleserye, na maganda sanang comeback niya sa showbiz.

Pero ganun pa man, tiyak na aabangan pa rin ang nasabing serye dahil pagbibidahan din ito ng mga baguhan at hinahanggan sa kanilang henerasyon na mga batang aktor na sina Enchong Dee, Enrique Gil at bagong optimum primetime princess na si Julia Montes.

Vice Ganda, binangga ang pader ng GMA7 News Head

After ng 10days mula sa araw ng concert ng phenomenal star na si Vice Ganda sa Araneta, umingay ang isang TWEET mula sa twiter account ng batikang mamamahayag ng GMA7 na si Arnold Clavio.

Tungkol di umano ito sa isang joke ng sikat na komedyante sa kanyang show para sa isang bigating mamamahayag ng kapuso network.

Bukod sa timbang at malusog na pangangatawan ni Jessica Soho na naging paksa sa biruan, ay naging headline din di umano ang ginawang katatawanan ni Vice Ganda sa mga rape victims.

Pero mabilis din itong sinagot ni Vice Ganda sa kanyang noontime show na Its Showtime sa kapamilya network. Nagpaliwanag ang komedyante ang ilan nga sa mga sinabi niya ay sana ay pinanood ng buo ang naturang concert show at hindi nag highlight lamang ng ilang eksena na tumutukoy di umano sa pambababoy niya sa pangalan ng isang bigating mamamahayag.

Ipinaliwanag din ni Vice Ganda na hindi lamang si Ms. Soho na taga GMA7 ang kanyang mga binanggit sa kanyang concert show para maging umpukan ng biruan at katatawanan. Nariyan ang mga sikat na pangalan gaya nina Queen of All Media Kris Aquino na nasa concert at nanonood, King of Talk Boy Abunda at mga bagong senadora na sina Grace Poe at Nancy Binay.

Sa huli ay humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa lahat ng manonood kahit na nakatanggap siya ng " I dont think so!" na sagot mula sa bigating mamamahayag ng ito ay kanyang personal na tinawagan.

Sa huli ay tinanggap ni Ms. Soho ang public apology ng komedyante at sinabing huwag na gawing biro ang tungkol sa rape. Ang isyu pa nga, kaya tinanggap na ito ng bigating mamamahayag para hindi na makalkal ang isang programa na mula sa kapuso network na ginawa ring katatawanan ang isyung rape.

5/08/2013

Angel Locsin, 2taon ng tigang!

Ilang beses ng napabalita na may gagawing teleserye muli ang 2012 Famas Best Actress na si Angel Locsin sa taon na ito sa kapamilya network.

Ang huli nitong ginawa ay ang Imortal, katambal ang Box Office King na si John Lloyd Cruz.

Sa loob ng dalawang taon na tigang sa paggawa ng teleserye, 2 taon rin nabigyan ng mga best actress award ang primetime goddess mula sa mga pelikula nito sa star cinema, ang huli nga ay ang One More Try sa MMFF 2012.

May bagong movie mula sa star cinema si Angel ngayon taon, kasama sina ultimate media star Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Drama Princess Bea Alonzo.

Kahit nagpoprotesta ang mga fans ni Angel, dahil sa tagal ng comeback teleserye nito, nariyan naman ang hit nitong sitcom kasama sina action superstar Robin Padilla, Pokwang at comedy prince Vhong Navarro.

Balita na kasama sa kontrobersyal na seryeng Alta ang aktres pero wala pang final na press release tungkol dito.

Alex Gonzaga, star magic talent na!

Ang akala ng ilan, magiging abs-cbn talent lamang ang nakababatang kapatid ni ultimate media star Toni Gonzaga, gaya nito, pero ng ipinakilala na si Alex Gonzaga sa ASAP18, isa na pala siya sa bagong mukha ng star magic, ang tahanan ng malalaki at sikat na pangalan sa ibat ibang larangan ng showbiz industry.

Ngayon na nasa ilalim na ni Johny Manahan ang dating prinsesa ng kapatid network, magawa nga kayang lagpasan pa isang Gonzaga ang mga achievedment nito sa dating home network?

Kung si Toni, mula sa tv hosting sa noontimeshow na Eat Bulaga, mas nakilala at lumaki ang pangalan niya sa ginawang paglipat sa kapamilya network, ganun din kaya ang magiging kapalaran ni Alex Gonzaga?

Julia Montes, sunod kina Claudine, Kristine, Bea at Kim!

Ang teleserye sa primetime ang sinasabing pinakamagandang exposure ng mga artistang kasama sa mga palabas na iyun.

Kaya naman nang simulan ng kapamilya ang pag gawa ng mga de kalibreng teleserye sa gabi, ilan sa mga pinakasikat na pangalan ngayon ay doon nagsimula.

Mula sa magkakasaunod na teleserye na Mula sa Puso, Saan ka man Naroroon at sa Dulo nang Walang Hanggan, kinilala bilang optimum teleserye queen ang optimum star na si Claudine Barretto.

Mula sa Sandaling Kailangan Mo Ako at Pangako Sayo, nagkapangalan si Kristine Hermosa.

Ang drama princess na si Bea Alonzo, nagmula sa seryeng Kaytagal kang Hinintay hanggang sa The Beautiful Affair, ngayon ay Box Office Queen ng pinoy movies.

Mula sa reality show na PBB, hindi na napigilan ang pagiging primetime princess ni Kim Chiu mula sa Sana Maulit Muli, Tayong Dalawa, My Girl at Ina Kapatid Anak.

At ang bagong mukha ng kapamilya network primetime teleserye, mula sa Mara Clara remake, phenomenal Walang Hanggan at ngayon ay magbibida sa bagong malaking serye na Muling Buksan ang Puso na si Julia Montes.


Indio ni Bong, tsutsugiin na!

Mukhang wala ng extention ang fantaserye ni Senator Bong Revilla Jr sa kapuso network.

Ang akala ng mga manonood, isang makasaysayan na palabas ang handog ng kapuso network, pero isa pala itong kuwento na umiikot sa isang indio na pinalilibutan ng mga diwata.

Nawala ang tunay na kahulugan ng salitang INDIO sa panahon ng mga kastila base sa kasaysayan dahil pinaglaruan lamang ito ng mga manunulat ng nasabing tv serye.

Tama lamang na tapusin na ito dahil hindi makatotohanan ang kuwento kung ibabase sa kasaysayan ng bansa.

Naging katawa-tawa lang sa mga eksperto ng kasaysayan ang programang pinalabas ng GMA7.

5/03/2013

Mga Aswang, bida sa mga teleserye!

Sa tv seryeng Aso ni San Roque na ipinalabas ng kapuso network, ilan sa kontrabida dito sina Eddie Garcia at Paolo Contis bilang mga aswang.

Sa superserye naman na Juan Dela Cruz ng kapamilya network, gumaganap naman na mga aswang sina Albert Martinez at Zsa Zsa Padilla.

At sa ipapalabas na bagong fantaserye ng kapatid network na Cassandra; Warrior Angel, bida si Eula Caballero, ay mga aswang pa rin ang magiging mortal na kalaban niya dito.

Mukhang sinauna at tradisyunal na mga nakakatakot na goons ang madalas ng mapanood sa telebisyon.

5/02/2013

Juday, ayaw pakabog kay Claudine!

Sa awayan ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, lumabas ang balita na hindi OK ang relasyon mag asawa ng Optimum Star kay Raymart Santiago.

Hindi na muna daw nagsasama sa iisang bubong ang mag asawang Barretto at Santiago.

On the other side, may balita naman na nag file na daw ng annulment ang teleserye queen na si Judy Ann Santos sa asawa niyang si Ryan Agoncillo.

Ang dahilan daw ay ang pagkaka link nito sa socialite at anak ni beauty queen Gloria Diaz na si Isabelle Daza, na co-host din ng actor tv host sa noontime show na Eat Bulaga.

Todo deny daw ang teleserye queen sa blind item at isyu about sa paghihiwalay nila ng asawa dahil wala naman daw itong basehan.

Hanggang sa kontrobersya, hindi talaga hindi pwedeng pagtapatin ang dalawang regal teleserye queens.

Tv serye ni Derek Ramsay, hindi click sa advertisers!

Wala ng extension ang fantaseryeng KIDLAT ni Derek Ramsay mula sa TV5.

Hindi naging mabenta sa mga advertisers ang nasabing tv show kaya hindi na ito pahahabain pa ng tv5 dahil tiyak na malulugi na naman sila.

Sa mga manonood ay naging number 1 ang serye, pero hindi naman ang mga ito ang nagpapasahod sa istasyon ppara patagalin pa ang pagpapalabas nito.

Nauna ang serye ni universal leading man Derek Ramsay sa serye nina Titanic Superstar Bong Revilla Jr. at teleserye prince Coco Martin, kaya hindi naging isyu kung mauna itong mawala sa ere.

Ayon sa mga promotions ng tv5, mataas ang tv ratings ng tv serye, pero hindi iyun nakatulong para madagdagan ang mga commercial na sumusuporta dito.

Papalitan ang KIDLAT ng bagong fantaseryeng Cassanda; Warrior Princess na pagbibidahan ng tv5 princess na si Eula Caballero.

Julia Montes, makakasama sina Susan Roces at Amalia Fuentes!

Muling magbabalik telebisyon ang movie queen na si Amalia Fuentes kasama ang kapwa reyna niyang si Susan Roces.

Sa pinakabagong malaking teleserye ng kapamilya network na pagbibidahan muli ni Julia Montes katambal si Enrique Gil, muling magkakatapatan ang dalawang movie queens noong dekada 60.



Mukhang si Julia Montes na nga ang sunod sa yapak ni Claudine Barretto na may mga de kalibre, malaki at magandang teleserye sa primetime ng kapamilya network.

At si Enrique Gil ang bagong bini build up na leading man ng kapamilya network, mag click kaya ang tambalan nila ng pinakabagong optimum primetime teleserye drama princess ng kapamilya network.

Mukhang nakatagpo na ng bagong ibi build up na drama actress ang kapamilya network sa katauhan ni Julia Montes.

Ang titulo ng tv serye ay Muling Buksan ang Puso.

Julia Montes, posible makatambal si John Lloyd Cruz.

Dahil si Julia Montes ang bagong nex big thing at important star ng kapamilya network, marami ang nagsasabi na siya na nga ang bagong henerasyon ni Claudine Barretto.

Kung matatandaan, isa si Claudine sa mga nagreyna sa mga primetime tv shows ng abs-cbn noong nagsisimula palang ito.

Nakatambal nito ang ang mga alamat sa pelikula gaya nina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Vilma Santos, Robin Padilla at Aga Muhlach.

Kaya naman hindi posible na makatambal din ni Julia ang mga haligi ng bagong henerasyon ng pinoy movie gaya ni John Lloyd Cruz, ang unbeatable box office king.

At sa ikatlong tv serye ni Julia na may titulong Muling Buksan ang Puso kapareha si Enrique Gil at kasama sina Amalia Fuentes at Susan Roces.

Mapapanood ang bagong serye sa primetime ng kapamilya network.

4/29/2013

Julia Montes at Julia Barretto, para sa titulo.

Sino nga ba ang dapat sumunod sa legacy ng una at nag iisang most successful talent pagdating sa pag arte ng star magic na si Claudine Barretto?

In 20 years, isa si Claudine sa mga binansagan na bagong Vilma Santos, at binigyan ng titulong Optimum Star, mula sa pagiging best actress, teleserye queen at box office queen.

Sa paglisan nito sa tahanang nagpasikat sa kanya, ang abs-cbn, marami ang pumila para pumalit sa kanyang naiwanang titulo sa star magic.

Nandyan sina Bea Alonso at Angelica Panganiban.

Pero umangat ang pangalan ng isa sa bagong prinsesa ng drama ng kapamilya network, si Julia Montes.

Idolo ng bagong paborito ng dos ang magaling na aktres, at marami ang nagsasabi na magkapareho sila ng istilo sa sa pag arte.

Mula sa hit remake tv serye na Mara Clara, nakuha ni Julia Montes ang atensyon ng manonood sa phenomenal tv serye na Walang Hanggan.

Nasundan ng ilang mga pelikula hanggang sa magkaroon ng sariling pangalan sa industriya.

Pero sa pagpasok ng bagong Barretto, pamangkin ni CLAUDINE, si Julia Barretto, bukod sa magkahawig ang dalawa, marami din ang nagsasabi na ito na ang bagong Claudine Barretto ng kapamilya network.

Wala pa naman sariling tv serye na pinagbibidahan ang bagong star magic talent, pero hindi malayo na ito ay maging prinsesa ng mga kapamilya tv serye.

Sino nga ba ang nararapat sa iniwang pangalan ng Optimum Star sa naging tahanan nito ng 17years.

4/26/2013

Pamilya Barretto, nagkakasiraan na!

Marami ng nabuksan na isyu na dapat ay sa loob ng pamilya lamang, pero dahil sa pagiging taklesa na naman ni Gretchen Barretto sa cyberworld, sa twitter at katulong pa nito ang kapatid na si Marjorie Barretto.

Dahil api sa pakiramdam ni Inday Barretto ang bunsong anak na si Claudine Barretto sa dalawa pa niyang anak, naglabas na rin ito ng maaanghang na salita laban sa panganay na anak na si Greta.

Kung nag iisip muna sina Greta at Marjorie, pinag isipan nila agad na si Claudine lamang ang pwedeng manira tru twiter sa bagong pasok sa showbiz na si Julia Barretto, bilang kapamilya sa abs-cbn.

Kesyo gumawa ito ng ibang account, eh kahit silang dalawa o sinuman sa kamag anak nila, lalo na sa side ng partner niyang si Tonyboy Cojuanco, posible gumawa at manira, siraan at pag awayin silang mag anak eh.

Nandoon na mas kakamihan ni Inday Barretto ang bunso dahil na rin sa pinagdadaanan nito, sa mga isyu na hiwalay na sila ng asawang si Raymart Santiago, at nagkaroon ng depresyon.

Kung mas malawak at matino ang pag iisip nina Gretchen at Marjorie, hindi sana sila pumayag pumasok sa isang relasyon na ang tingin sa kanila ay mga kabit, kerida at mga mukhang pera dahil na rin sa estado ng buhay ng mga karelasyon nila.

Dumaan rin sila sa depresyon, dapat sinusuportahan nila ang kapatid nila.

Umepal pa yung kapatid nilang lalake, na kesyo si Gretchen daw ang halos bumuhay sa kanila noon, hindi naman yata tama na isumbat ang ginawa ng isang tao kung bukal sa puso ang pagtulong niya talaga.

Tama si Inday, wala na dapat pang patunayan si Claudine, dahil naging sikat itong artista dahil mahusay ito, hindi lang ito naging sikat dahil sa mga kontrobersya na nagpasikat kay Gretchen sa mga kinasangkutan nito.

Hindi nagkukulang ang isang Ina na makiusap at pag ayusin ang mga nag aaway na mga anak, pero kung isang mayabang at ma pride na tao ang anak, kahit magulang, isusuka siya.

Julia Barretto, marami pang kakaining bigas!

Tinawag ni Gretchen Barretto ang pamangkin niya na "teleserye princess", na si Julia Barretto, anak ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Pero wala pa naman sariling teleserye ang bagong Barretto sa mundo ng pinoy showbiz.

Bago ipagyabang ni Greta ang pamangkin sa titulo, dapat muna nitong ihilera sa mga tunay na prinsesa ng teleserye sa henerasyon ng pamangkin niya, gaya nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Ang daming mga patutsada ni Gretchen sa kapatid niyang si CLAUDINE, kesyo laos na daw ito at wala ng career sa pelikula at telebisyon. Kailan lang naman siya nagkaroon ng matinong tv career sa kapamilya network.

Hindi porket nasa abs-cbn ka Greta, reyna ka ng ituring ng network.

Kay Claudine, ibinigay ang mga titulong best actress, box office queen at teleserye queen, magawa nga kayang makuha kahit isa doon ni Julia Barretto sa maikling panahon gaya nung nagsisimula sa batang edad si Claudine?

Panahon lang ang magsasabi kung sikat ka o laos.

Kailangan muna ito patunayan ni Julia Barretto, maganda siya at mukhang matalino, pero wala pa siyang napapatunayan pagdating sa pag arte.

At kay Gretchen, kung hindi dahil sa mga kontrobersya kung saan ito nasasangkot, mag matured ka na sana lagreta, mas mahirap na tanggapin kung ang ibubuwelta sayo ay kabit at kerida ng partner mo.

Yun na!

Alex Gonzaga, prinsesa sa Hosting!

Sina Queen of All Media Kris Aquino at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang dalawa sa mga pinakamagagaling at nangunguna pagdating sa mga tv shows na may hosting job.

Proven na sa mga talk shows si Kris, at sa reality shows naman si Toni.

Mula sa kapatid network, bilang prinsesa ng dati niyang istasyon, nagbabalik kapamilya si Alex Gonzaga.

Pero ang hula ng ilan sa showbiz at manonood ng abs-cbn, mukhang malabong maging prinsesa ng teleserye si Alex, dahil nariyan na sina Kim Chiu at Erich Gonzales na prinsesa ng teleserye ng istasyon sa edad ng mga ito ibabase.

Dapat ibuild up si Alex bilang host ng mga programa ng kapamilya network, dahil nakuha nito ang husay sa pagsasalita sa ate Toni nito.

Doon siya nahuhulaan na aangat dahil na rin sa career nito na iniwan sa tv5.

Hindi man directly na sinagot ang tanong na si Wilma Galvante ang humarang sa kanyang career sa kapatid network, thankful a rin ang si Alex dahil nakabalik siya sa tahanan ng mga tunay na sikat na bituin.

Show ni Willie, buminggo sa MTRCB.



Sasailalim sa 3month probation ang noontime show ni Willie Revillame sa tv5 kung saan siya ang main host at producer nito.

Ilang araw na ang dumaan, puro double meaning ang mga biro ng tv host tungkol sa mga dancers at co-host nito.

Hindi talaga maitago sa mga kinikilos ni Willie ang pagiging bastos nito.

Nariyan na "paaalugin" niya si Nina at ibang dancers dahil sa mga suot nito na halos makita na ang mga boobs nito.

Nariyan ang mga pasimpleng hawak niya sa mga parte ng katawan ni Grace Lee dahil sa suot nito.

Nariyan yung mga tingin niya sa mga maseselang parte ng katawan ng mga dancers at mga contestants niya, sasamahan pa ng mga birong hindi maganda sa pandinig ng mga bata lalo na sa paningin ng mga ito.

Naging isyu na ang mga pananamit ng mga dancers noon sa noontime show na Eat Bulaga, at ngayon lang ito muli naulit sa show naman ni Willie, kung saan siya ang producer.

Teleserye ni Nora, tsugi na!

Isa sa kulelat sa tv ratings ang teleseryeng Never Say Goodbye ng superstar na si Nora Aunor sa tv5.

Wala pa yata in 1 month ang character ni ate Guy, naligwak na dahil sa mga commitments nito local at abroad., pero ibabalik din bago matsugi ang nag iisa niyang tv show sa nasabing tv network.

Hindi nakatulong ang pinasok na character ni Rita Avila. Hindi rin nakatulong ang kontrobersya na dala ni Cecar Montano at sa pagiging primadona sa oras at taiping ni Alice Dixson.

Mukhang wala ring naitulong ang tambalan ng bagong alaga ni Wilma Galvante na sina Vin Abrenica at Sophie Albert para mahila pataas ang tv ratings ng teleserye na pinagmamalaki ng kapatid network.

Senyales na nga ito, na mahuhusay ang mga gumaganap pero walang hatak sa manonood at advertiser

Titulo ni Claudine Barretto sa Dos, pinag aagawan

Mukhang mas mabenta na pinag aagawan ang titulo ng pangalan ni Claudine Barretto sa abs-cbn kesa kay Judy Ann Santos sa mga bagong sumisibol na teleserye princess.

Nauna nang nagsabi si Kim Chiu na gusto nito gumawa ng teleserye na gaya ng nagawa ni Claudine na may tatlong character sa Saan Ka Man Naroroon.

Ang huli nga ay si Julia Montes na sinasabing susunod sa yapak ni Claudine, dahil na rin sa balitang paborito nito ni Mr. M, ang isa sa mga taong tumulong para sumikat ng husto sa bakuran ng dos ang Optimum STAR.

Ngayon na nasa bakuran na rin ang bagong Barretto, na si Julia, marami ang nagsasabi na ito ang bagong Claudine ng Dos dahil na rin sa pagkakahawig nito sa tiyahin niya.

Ilan din sina Anne Curtis at Mariel Rodriguez ang nagsabi na gusto nila maging isang Claudine Barretto sa pag arte lalo na sa mga teleserye.

Angel Locsin, naka 2 points na!


Mukhang blessing ang 2014 kay Angel Locsin dahil bukod sa pagkakahirang bilang star awards for movie bilang actress of the year sa pelikulang One More Try, nasungkit din nito ang kilalang Famas award bilang best actress.

Muli na naman niyang nilampaso sina star for all season Vilma Santos at superstar Nora Aunor.

Pati sina Anne Curtis via A Secret Affair, Bea Alonso sa The Mistress at Angelica Panganiban sa One More Try, ay tuluyan na niyang tinalo sa kilalang Famas.

Wala man siyang teleserye sa ngayon, almost 3 years na, mukhang bonus na ang mga best actress trophy sa mga de kalibreng binibigay sa kanya ng kanyang home network.

Serye ni Richard Guttierez, walang dating!

Mukhang pang afternoon prime tv series ng GMA ang nag iisang tv show ni Richard Guttierez sa primetime, ang Love and Lies kasama ang mga hindi kasikatan na sina Michelle Madrigal at Bela Padilla.

Mukhang natabangan na ang kapuso network sa aktor, bukod sa hindi ito ginastusan ng bongga unlike sa fantaserye ni Bong Revilla Jr. na bongga ang mga costumes at visual effects.

Dahil sa balitang hindi na ito magpapatali sa home network nito pag natapos ang kontrata, mukhang pinaramdam na ng mga bosses ng istasyon ang hindi na nito pag obliga na ibida pa ang action serye ng aktor.

Ang movie sana na ipapalabas na, kasama si Marian Rivera ay biglang nawala na, dahil sa takot ng mga ito na tapatan ang 2nd highest grossing film of alltime nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na nasa kapamilya netwrok naman.

Napag iiwanan na si Richard ng mga kasabayan nito, hindi naman siya habang buhay na gwapo at may apil sa manonood, kailangan din ng talent para magtagal sa industriya.

4/07/2013

Alex Gonzaga, balik Kapamilya na!

Nakilala si Cathy Gonzaga bilang Alex sa isang weekend tv sitcom at sa nakasama sa isang tv series kasama ang primetime princess ng abs-cbn na si Kim Chiu.

Nang maging kapatid star ang bunsong kapatid ni Toni Gonzaga, 5 years ago, at naging tv5 network star princess ito.

Binigyan ng variety shows, talk shows at sariling mga teleserye si Alex dahilan para makilala siya ng mga manonood ng tv5 network.



At makalipas ang 5 taon, nagulat ang lahat sa pinoy showbiz sa desisyon nito na bumalik sa unang tahanan nito, sa kapamilya network nga, kung saan talent din sa nasabing tv station ang kanyang ate na kilala bilang ultimate multimedia star at box office rom-com movie queen.

Totoo nga kaya na hinarang ng dating GMA executive na si Wilma Galvante na ngayon ay hepe ng entertainment ng tv5, ang mga proyekto ni Alex Gonzaga dahilan para hindi na ito muli pang pumirma ng kontrata kahit na pinapahabol siya ni Manny Pangilinan, ang may ari ng tv station.

Malaki ang utang na loob ni Alex sa kapatid at isa siya sa maituturing na mukha ng istasyon.

Ngayon na balik kapamilya na nga ang dating kapatid star princess, balita na isang light drama romance ang serye na pagbibidahan nito kasama si Jericho Rosales at isang pelikula under star cinema.

Rosanna Roces, nagpapaka-kontrobersyal?

May naganap daw na sakitang pisikal sa agitang ng mag inang Osang at Onyok kamakailan.

Pero ang isyu talaga, ikinumpara ng dating sikat na sexy star ang sitwasyon niya sa queen of all media na si Kris Aquino sa mga interviews nito tungkol naman sa karapatan nito sa anak at laban sa ama nitong basketball star na si James Yap.



Kesyo wag na daw gawing national news ang nangyari sa kanila ng anak, dahil mas marami pa daw na isyu ang dapat ibalita gaya ng ekonomiya ng bansa.

Pero sinopla si Osang ng kanyang anak na si Onyok na kung ayaw nito maging publiko ang naganap na insidente sa pagitang nilang mag ina, hindi sana ito nagpo-post sa isang public social network na Facebook ng mga nangyari.


Tama nga naman!

Actually, matagal ng insecure si Osang kay Tetay kaya ito na naman parang nagpapasaring na naman siya dito.

http://www.pep.ph/news/38081/rosanna-roces-gets-into-a-physical-fight-with-son-onyok

Ejay Falcon, Bida na ulit!

Muling magbabalik teleserye si Ejay Falcon sa Dugong Buhay na kasama sa kapamilya gold sa panghapong programa ng abs-cbn.



Kaya pala nagpahaba ng kulot niyang buhok ang teen big winner ng bahay ni kuya, dahil ganito pala ang mismong itsura niya sa nasabing teleserye na dating sikat na istorya sa komiks na gawa naman ni Carlo J. Caparas.

Marami ngayon sa mga kritiko at nambabatikos sa gwapong batang aktor ang naka nganga sa mga balita nila na kesyo daw nagbebenta na ng laman ang aktor ng palihim o pinabayaan na ng kapamilya dahil sa dami na rin ng tv talents nila.



Itong teleserye ni Ejay Falcon ang magiging kapalit sa nagtapos ng PARAISO nina Jessy Mendiola, Denise Laurel at Mateo Guddeceli.

3/25/2013

Vice Ganda, tinapatan sina Regine, Ogie, Martin at Pops!

Concert versus Birthday special, iyan ang tapatang naganap sa pagitan ng abs-cbn at gma7 noong March 24, 2013, although may singing contest grand finals sa tv5 ang Kanta Pilipinas, pero  hindi naman ito nakaingay sa ratings ng network.



Si Phenomenal Star Vice Ganda ang bumangga sa apat na institusyon ng OPM industry na sina Concert King Martin Nievera, Concert Queen Pops Fernandez, Songwriter Ogie Alcasid at Asia Songbird Regine Velasquez.



Sino nga ba ang mas pinanood sa tv ng mga manonood kung tv ratings ang pagbabasehan?

Nagawa nga kayang ungusan at hindi lang matapatan ni Vice Ganda ang apat na singing royalties ng bansa.

3/22/2013

Senador, hindi banta sa Ongpauco!

Ilang beses na bang nange-alam sa lovelife ni Heart Evangelista ang mga magulang niya?

Hindi lang kasi isa o 2 beses naganap ang ganung insidente sa pagitan ng magulang ng aktres at sa kanyang mga nakaka-relasyon.

Naging maingay talaga noon na hindi tangap ng pamilya o mga magulang ni Heart ang dating nobyo niyang si Jericho Rosales, dahil sa estado nito sa buhay. Ang daming dahilan ng mga magulang ng aktres kesyo may mga bad attitude na itinuturo sa kanilang anak, bakit hindi nalang nila sabihin na kailangan ay nasa buena pamilya ang dapat mapangasawa ng kanilang anak?

Sa loob ng 2 taon, nanahimik din sa Daniel Matzunaga sa relasyon nila ni Heart, pero nagkahiwalay din sila dahil na rin umano sa mga culture issues nila, sa totoo lang, mararamdaman naman ng lalake na talagang ayaw sa kanya ng mga magulang ng aktres dahil mukha lang meron ito, hindi mayaman sa bansang iniwan nito.

Naging blind item din ang short romance nina Heart at Sid Lucero na mula sa showbiz clan, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa mga isyu ng pamilya ni Sid, tumpak! Walang maayos na pamilya ang nabuo sa pamilya ng aktor dahil sa mga kontrobersya ng bawat isa sa pamilya nila sa showbiz.

At ito ngang huli ay ang mga pangit umano na pag uugali ni Senador Chiz Escudero sa pakikiharap sa kanila.
Bastos at mayabang daw ang senador, malamang may ipagmamalaki ang senador dahil mambabatas ito ng Pilipinas sa mataas na kapulungan, saka wala naman itong kontrobersya na kinasangkutan hindi gaya nila na nakikisawsaw sa career ng anak nila, kaya naisipan nitong maglayas ng makailang ulit sa kanila.

Wala ngang magulang na gusto na mapahamak ang mga anak nila, pero sana, kung happiness ng anak nila ang nakasalalay, ibigay naman nila.

Walang nagtatagumpay na anak kapag masama siya sa magulang, pero minsan kailangan manindigan sa sariling desisyon para sumaya.

Kris Aquino, nagpasaklolo sa mga kapatid!

Sa tv patrol, ipinakita na kasama ni Kris Aquino ang kanyang mga kapatid na babae, dahil sa isyu nila ng kanyang dating mister na si James Yap.

Sa dami ng mga interviews na ginawa sa Queen of All Media sa mga kinasasangkutan nitong kontrobersya, hindi na alam ng mga manonood kung ano ang totoo at hindi sa mga sinasabi ng tv host/actress.

Totoo nga kayang ginagamit ni Kris Aquino ang impluwensya at kapangyarihan ng kanyang kuya na si Pangulong Noynoy Aquino na may 3 taon pang termino bilang presidente, para ma-pressure ang basketbolista sa mga hinihingi nitong kondisyon gaya ng pag aampon sa sarili niyang anak sa pag sang-ayon naman ng Tatay niya bilang legal na kasunduan.

Pero mukhang magtatagal ang laban ng 2 magulang sa karapatan ng nag iisa nilang anak sa korte.

May pagka weird talaga minsan si Kris, sinasabi ng iba na may time na mayabang ang dating ng sikat na tv host/actress, may time na sweet at caring, pabago-bago ang mood nito sa totoo lang.

Kung tungkol sa anak lang nila ang isyu, pero bakit kailangan kasama pa sa tv exposure ang mga kapatid niyang babae? Pwede naman siya suportahan sa likod ng kamera. Sa totoo lang.

Oh well, sino nga ba ang makikinabang sa nangyaring interview sa Queen of All Media, pumabor ba sa kanya o naging negatibo?

3/19/2013

Angel, Bea, Shaina and Toni; join forces!


Tuloy na nga ang pagsasama ng apat sa mga bigating bituin ng ABS-CBN sa isang malaking pampamilyang pelikula.

Ang ultimate multimedia star at box office rom-com queen Toni Gonzaga, ang tv drama princess at box office drama queen Bea Alonzo, ang afternoon drama princess Shaina Magdayao at 2012 movie actress of the year Angel Locsin ang apat na aktres na tinutukoy sa kuwentong ito.

Paano kaya tatakbo ang kuwento, sino kaya ang mas eeksena at sino ang masasapawan?
Makakasama rin nila dito si Enchong Dee at ito ay nasa ilalim ng direksyon ng box office rom com director na si Cathy Garcia Molina.

May isyu na dapat ay kasama ang bidang kontrabida na si Angelica Panganiban, pero pinalitan di umano ni Shaina Magdayao. Dahil daw sa ayaw makasama ni Angel ang dating co-star sa pelikulang One More Try noong 2012 dahil sa mga eksenang totohanang sampalan at sabunutan nila.

Teleserye nina Sam, Paulo at Angeline, magtatapos na!

Parang kailan lang nagsimula ang patok na love triangle at romantic comedy tv series ni Song Siren Angeline Quinto ang Kahit Konting Pagtingin, ay kumpirmadong mawawala na ito sa line up ng kapamilya show sa hapon.

Ito ay pansamantalang tv exposure na binigay kay Sam Milby ng network dahil sa makailang beses na pagka delayed ng soap opera na gagawin niya kasama ang teleserye queen na si Judy Ann Santos.

Malapit na rin simulan ang napapabalitang most awaited tv series na Alta na na-shelved noong nakaraang taon na pagbibidahan sana nina Gretchen Barretto, Kc Concepcion at Angelica Panganiban. Balita kasi na kasama dito si Paulo Avelino, pero iba na ang mga casting, dahil ang Mega Daughter ay join forces sa pagbabalik primetime nina Juday at Sam.

Kung papalarin na matuloy nga ang seryeng Alta, hindi basta-bastang mga artista ang makakasama ni Paulo Avelino dito. Balitang balik primetime daw ito ng 2012 movie actress of the year na si Angel Locsin o balik abs-cbn primetime show ito ng Optimum Star na si Claudine Barretto.

Pero sa kuwentong ito, wagi ang Song Siren na si Angeline Quinto dahil talaga namang napakilig niya ang mga tagasubaybay ng kanyang unang teleserye.

Sarah Geronimo, babawiin ang korona!

Magbabalik pelikula na ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo kasama si John Lloyd Cruz, kung saan 2 beses nilang sinungkit ang pagiging box office king at queen sa pelikula.

Magawa nga kayang makuha muli ni Sarah ang trono sa kanyang kapwa Viva talent na si Anne Curtis ang pagrereyna sa movie outfit, ngayon na mas mabenta ito sa mga producers, pelikula, tv at sa ag eendorso man.

Talented naman si Sarah, kahit na ilang beses ng hindi tumabo sa panlasa ng manonood ang ilang tv show nito, muling bubuhayin ng abs-cbn ang tv career nito bilang tv star, sa acting bukod sa singing.

No doubt na si John Lloyd Cruz ang isa sa mga bankable stars sa bakuran ng dos, may chemistry sila ni Sarah, pero kung mapapansin sa mga pelikula ni Sarah na hindi kasama ang aktor, hindi ganun kalakas ang karisma ng pop star princess.