11/29/2012

Si Bea Alonzo nalang ang Alas!

Nasaan na nga ba ang mga mukha ng teleserye na sina Judy Ann Santos, Kristine Hermosa at Claudine Barretto?

 Kung mapapansin mo, puro sina Kim Chiu at Marian Rivera nalang ang nakikita sa mga teleserye ng magkalabang istasyon. Minsan ay sasahugan nina Anne Curtis at Angel Locsin.

 Pero hindi talaga ganun kahibang ang mga pinoy viewers unlike before na talagang tumatak sa isipan nila ang bawat eksena ni Juday na inaapi at si Claudine na palaban sa mga kontrabida nila.



 Mabuti na lamang at may Bea Alonzo na hindi nakakasawang panoorin bukod sa maganda ang mukha ay may husay talaga sa pagdadrama.

 Siya na nga ang humalili sa koronang iniwan ni Claudine Barretto sa Star Magic at kasalukuyang paborito sa primetime. O mas kilala na primetime drama princess.

 Pero sabi nga, iba pa rin daw talaga ang mga classic. Sana nga sa mga susunod pang teleserye ng dos, muling magkakasunod ang mga primetime tv series nina Juday, Kristine at Claudine.

Dyamante ni Maria, kayang pakinangin ng ABS-CBN!

Kung si Gretchen Barretto ay nakabalik tru MAGKARIBAL ( mas big hit sana kung sila ng kapatid niyang si Claudine ang bida ) at nanalo pa ng 2 times best actress sa PMPC for tv, at si Dawn Zulueta sa mga phenomenal teleserye gaya nang remake ng "Mula Sa Puso" at katatapos lang na "Walang Hanggan" nang dahil sa tulong ng STAR NETWORK ang abs-cbn, ang lumamya pa kayang kinang ng dyamante ni Maricel Soriano?



 Hindi na dapat pagdudahan ang kapasidad ng mga taong nasa likod ng istasyon dahil kahit ang mga naglipatang sina Cristine Reyes, Jake Cuenca at Paulo Avelino ay biglang humusay sa craft nila at nagkapangalan kumpara sa dati nilang istasyon na pangsuporta ang role at mga bano pa umarte.

 Kaya sa muling pagbabalik teleserye ni Maria sa dos, tiyak na boom na boom muli ang career nito lalo pa at siya naman talaga ang original na primetime drama queen (followed by Juday and Claudine) ng abs-cbn mula noong 90's hanggang 20's.

 Welcome back sa iyong kaharian Diamond Star!

Claudine; Namimiss na ng mga manonood!

Sa kabila ng mga kontrobersya at isyu na kinasangkutan ng Optimum Star, hindi pa rin nawawala ang pag asam ng mga sumubaybay sa career nito na mapanood muli na nagdadrama sa mga teleserye at pelikula.

 Sila lamang ni Juday na kanyang karibal sa pagrereyna sa teleserye ang gustong mapanood ng mga may taste sa tunay na kalibre ng isang teleserye mula pa noong Ezperanza at Mula sa Puso. Sila kasi ang makabagong Nora at Vilma na pang telebisyon.



 Ilang beses na napabalita na gagawa ng isang horror drama movie ang aktress pero hanggang ngayon, wala namang updates. At kailan lang ay napabalitang plano ng VIVA ni Boss Vic del Rosaurio na isang mala "secret affair" ang tema na gusto nila sa pagbabalik pelikula ng dating reyna ng Abs-Cbn sa kanilang primetime. Balita na makakasama pa ng 2times Famas actress sina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

 Sana nga ay matuloy kahit sa pelikula para naman muling maipakita ng pang limang BITUIN (superstar, star for all seasons, mega star, diamond star at siya ang optimum star) ng Philippine Showbiz ang husay nito sa pag arte.

NORA AUNOR; Humahataw na naman!

Trulaley! Sa kanyang pagbabalik ay parang uhaw at gutom makatanggap ng mga bagong awards at recognitions ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula nitong Thy Womb.



Kung baga ay hindi pa rin busog ang reyna noon sa mga ganung pagkilala. Hanggang ngayon ay reyna pa rin sa pagtanggap ng best actress titles sa ibat ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa.



At tiyak na sa susunod na taon ay muling mabubuhay ang rivalry nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa pagiging best actress dahil sa pelikula nila nitong taong 2012.

"Juday, pang 2nd Choice nalang!"

Teleserye Queen tagasalo ng para sa Comedy Queen?


Parang first time in Judy Ann Santos movie career history na maging 2nd choice para sa isang proyekto.
Ang title pala dapat ng movie ay "Si Agimat, Si Enteng Kabisote at ang Tanging Ina" pero hindi nagmaterialized kaya AKO nalang isiningit ng hindi na si AiAi delas Alas ang leading lady sa pang MMFF 2012 movie nina Bossing Vic Sotto at Senador Bong Revilla nag tandem na rin sa isang MMFF movie.

 Pero syempre, kulang ang MMFF festival kung wala ang Comedy Queen na pang entry. Napasali siya sa movie ng dalawa pang box office stars na sina Queen of All Media Kris Aquino at Phenomenal Star Vice Ganda in Sisteraka na comedy naman ang genre. Tiyak na magiging maganda ang labanan ng dalawang higanteng movie na kinabibilangan ng pinagsanib pwersa ng mga hari at reyna ng takilya.

11/17/2012

Silver ni Regine Velasquez, Sinalo ni Lani Misalucha

How true na isang malaking pagkadismaya ang natanggap ng mga manonood sa naganap na major concert ng Asia's Song Bird na si Regine Velasquez kagabi sa malaking tanghalan sa Mall of Asia. Isang malaking insulto yata ito sa professionalism ng isa sa pinakasikat na mang aawit sa Asya.



Hindi naman siguro ito ang dramang sinasabi ng kilalang singer at ng mga press release na tiyak na iiyakan ng mga manonood ng concertm actually napaiyak pala sila sa sobrang panghihinayang kahit na sabihin pang babawi sa free concert niya ang maybahay ni Ogie Alcasid.

Sa intro palang ay pinakitaan na ng hindi talaga maganda ang simula ng konsyerto.
Nang dahil sa sipon lamang ay hindi na nagawa pang ipagpatuloy ni ate Reg ang pagbirit dahil alam niyang pipiyok na siya.



Mabuti na lamang at naroon si Asia's Nightingale Lani Misalucha na sumalo kahit papaano sa oras na nasayang sa mga naghintay na mga manonood.

11/11/2012

Claudine Barretto, Derek Ramsay & Cristine Reyes in One movie

Claudine Barretto, Derek Ramsay & Cristine Reyes in one movie?
Plano nga nang VIVA Entertainment na gawan ng isang movie project ang tatlo sa susunod na taon.
Dahil nga nauuso ang mga pelikula tungkol sa mga 'other woman', 'mistress' o kerida ay naging big decision ng film outfit na pagsamahin ang tatlong malalaking artista ng kani-kanilang henerasyon.



Napatunayan ni Claudine Barretto na isa siya sa maituturing na reyna ng mga linya mula sa teleseryeng "Iisa Pa Lamang" noong nasa abs-cbn pa siya. Isa din siya sa mga naka eksena ng diamond star na si Maricel Soriano sa pelikulang "Soltera" at ni Anne Curtis sa "In Your Eyes". Kung baga, dati pa nakagawa na ng mga pelikula ang optimum star tungkol sa mga pangangaliwa at pangangabit ng mga karakter. Kung mapapansin ay ilan sina Jericho Rosales at Diether Ocampo sa "Nasaan Ka Man" at Aga Muhlach At John Lloyd Cruz sa "Dubai" ang mga karakter na nag agawan din sa isang babae. Yun nga lang, mas naging big deal ang mga pelikula ng pangangaliwa ngayon dahil sa may mga kasamang matataray, matitindi at nakakagimbal na mga linyang patama ng legal sa kabit.



Isa na si Cristine Reyes sa maituturing na pinakasikat dahil sa pelikulang "No Other Woman" kasama ang kapwa box office queen nitong si Anne Curtis. Kung makakagawa siya muli ng temang ka secret affair, mas bagay talaga sa kanya ang maging kerida ang role.



Siya na ang maituturing na leading man ng mga kabit. Dalawang beses nang tinatak sa pangalan ni Derek Ramsay iyun mula sa kanyang pelikulang "No Other Woman" at "A Secret Affair". Balita na sana siya ang sumalo sa role ni Sam Milby sa "The Mistress" kung saan kapareha si Bea Alonzo na napunta naman kay John Lloyd Cruz kaya gumawa ng halos parehong tema ang VIVA at ito nga ay ang  katatapos na movie niya kina Anne Curtis at Andi Eigenman.