4/11/2012

Drama Queen on TV5?

Noong nagsisimula ang Abs-Cbn sa mga shows nito, naging matagumpay ang
weekend drama anthology nito na ang nagbida ay ang Diamond Star
na si Maricel Soriano at may sarili din na weekend drama anthology si Coney Reyes.

Nakilala naman sa mga primetime pinoy telenobela ng kapamilya network
ang mga pangalang Judy Ann Santos at Claudine Barretto na nag-aagawan pa rin
sa titulo kung sino ang karapat dapat bilang Teleserye Queen.

Binigyan ng drama anthology ng kapuso network ang Optimum Star
nang lumipat ito sa kanila, tumagal ng mahigit sa isang taon lamang.
Si Claudine Barretto ang pangalawang aktres na binigyan ng ganung
tv drama show after Star For All Seasons Vilma Santos noong dekada 90's.

At ngayon na may isyu na hindi welcome sa dos at hindi na magre-renew
ng kontrata si Claudine sa syete, napapabalitang sa kapatid network naman
ito magtutungo dahil na rin sa nangangalaga ng movie career nito, ang
Viva Entertainment na may ilang commitments sa nasabing fast rising tv station.

Kung magkaganun nga ang maganap, magawa nga kayang buhayin ng
kapatid station ang nawawalang kinang sa bituin ng isa sa mga alamat
at mukha ng pinoy soap opera?